thirty-two

4K 180 18
                                    

*****

The NERD's POV

I thought we would really end up spending the night here in the secret paradise lying inside Regona's grounds. Nagtataka lang ako kung paanong hindi nila naririnig yung ilog at kung hanggang saan umaabot ang agos nito. Turns out na ang kinatatayuan ng Regona High ay isang napakalawak na kagubatan. I don't know if I'll be overwhelmed or not. Just how rich Sebastian family is? Parang ayokong maniwalang isa akong Sebastian.

Napabuntong-hininga ako habang nakatitig sa kisame ng kwarto namin ni Joana. I think it's about 2 a.m. na. Second day of Sports Fest. Hindi ko na nagawang makabalik pa sa booth namin sa dami nang nangyari. For sure, sesermunan na naman ako ni Pres. Hays, bahala na.

Hindi ko alam kung gaano katagal pa akong ginulo ng mga thoughts ko before dozing off to sleep. 

_____

I woke up before my alarm rings. It seems that sleeping will be tough because it's still unbelievable that I actually met my real father... and soon enough, my real family.

I glanced at my sister, Joana, who is still sleeping soundly on her bed. Maaga pa kasi talaga, 3:56 a.m, to be exact. Kulang dalawang oras lang ang naitulog ko.

Maingat akong naglakad papunta sa kama ni Joana at kinintalan ng halik ang kanyang noo. Itinaas ko ang kumot sa kanyang katawan bago tumungo sa labas upang magpahangin at magpalipas ng oras bago sumilay ang araw.

It seemed so easy to accept the truth, but it is not. I don't have the slightest idea of what tomorrow will bring. Moreover, it is difficult to adjust. Everything just... kind of bombarded me all at once. Parang isang malakas na bagyong sinabayan ng tsunami at ipo-ipo. Oo, ganoon ang pakiramdam.

Tears started to well up on my eyes as I'm walking out of the building. Hindi ko na pinansin at hinayaang ilabas ang aking nararamdaman kahit ngayon lamang. I'm taking the advantage of being alone and in peace.

Sinadya kong mapunta sa isang parte ng school na hindi ko masyadong napupuntahan—the open field. Maraming estudyante ang palaging tumatambay rito para makipagkita sa mga kaibigan, kumain at higit sa lahat, manood ng iba't-ibang outdoor sports, dahilan upang layuan ko ang lugar na ito.

Pero ngayon, malaya akong pumapasyal rito habang pinagmamasdan ang iba't-ibang rides na nakatayo rito ngayon. Nakatulong naman ang ginagawa ko upang mabawasan ang dinadala ko sa puso ko. Kalma. Nakakakalma—

"What are you doing here at this hour?"

"Ay, kabayo!"

"Tch. I'm too beautiful to be a horse, missy."

Napanguso ako dahil akala ko ay mag-isa lang ako. Hays, give me back my peaceful moment!

Humarap ako sa nagsalita, which I suppose ay nasa likuran ko, ngunit wala akong nadatnan. Agad na tumayo ang lahat ng buhok ko sa katawan.

M-mumu?

"Anong tinitignan mo diyan?" Isang bulong sa aking kaliwa ang nagpatalon na naman sa akin, at sa wakas ay nakita ko na rin ang mukha ng bumabagabag sa aking peaceful moment.

Tama nga ako, hindi ko ito kilala dahil hindi pamilyar ang boses nito. But heck, isn't she so gorgeous? Just seeing her mesmerizing red eyes—

I screamed and stumbled over the grass. "Bampira!"

Ngumisi ito at lumitaw ang nakakikilabot nitong pangil. What the! I didn't know they were real! Is this the end? Is she gonna suck me dry?!

Namutla ako sa isiping iyon. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang ako naman ay dali-daling umatras habang nakaupo pa rin sa damuhan. Ngunit mabilis niya akong nadaganan ng katawan niya upang makita sa malapitan ang mahahaba niyang pangil.

The Bitch, The Brat, and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon