ten

8.7K 335 72
                                    


*****

The BITCH's POV

"Gabi nun sa bahay namin... around 11:30 P.M., January 6, 2003. I remembered every detail clearly on how they killed my parents right in front of me. Blood everywhere, dead bodies..." Patuloy ko. Iyon lang ang kaya kong sabihin at the moment dahil medyo kinakapos na rin ako ng hininga dahil parang nagbalik lahat ng ala-ala ng gabing iyon. Malagim pa sa kahit anong horror movie.

"I'm sorry..." mahinang bulong naman ni nerd sa aking tabi.

I shrugged. "Anyways, ayun. Naulila ako. Simula nun tumira na ako sa bahay ng mga grandparents ko na inalagaan naman akong mabuti through the years." Napangiti ako ng tipid ng maalala ang mga tanging taong totoong mahalaga sa akin. Sila Hal-abeoji at Halmeoni (lolo at lola). "Dito nila ako pinag-aral simula pre-school hanggang ngayon. Dahil ang parents ko ay kaibigan daw ni Mr. Sebastian; owner nitong Regona. At noong araw din na tumapak ako sa eskwelahang ito ay ang mismong araw na nadiskubre ko ang lugar na ito."

Napansin ko ang bahagyang paglaki ng mga mata niya, pero agad ding napalitan ng isang tipid na ngiti at pagtangu-tango.

"It was lunch time at mag-isa akong kumakain dahil nga transferee ako. At dahil ipinagbabalot naman ako ng snacks ni Halmeoni, doon ako kumakain sa bench kung saan nakatago ang maliit na pintong pinasukan mo kanina. Ang totoo, nahulog kasi yung tinidor ko sa ilalim ng bench. Kaya nung yumuko ako para pulutin ay hindi ko alam pero parang may nagtulak sa akin para tumingin sa likod ng bench. At doon ko nakita ang sikretong pintuan."

"Siguro meant for you talaga ang lugar na 'to," nakangiting saad ni nerd.

Nahawa naman ako sa ngiti niya. "Maybe. Dito ko rin kasi nakilala ang dalawa kong makukulit pero mga tunay kong kaibigan."

"Ay ang galing! Tatlo pala kayong nakakaalam ng lugar na 'to. Akala ko ikaw lang."

"Correction, lima na. Including you and si Zhei."

"Sabi ko nga."

Biglang tumunog yung alarm ko, na ang ibig sabihin ay kailangan na naming lumabas dito. Kinapa ko ang cellphone ko sa aking bulsa at pinatay ang alarm. 5:00 na pala ng hapon. "We should get going."

Napa-pout naman si nerd at tumango na lang. So cute.

At dahil ayoko nang lumalim pa ang kung anong namumuo sa loob ko para kay nerd, ay bumaba na ako ng puno. Nang makababa ako ay inalalayan ko naman si nerd.

Sabay kaming lumabas ng maliit na pinto.

*****

The BRAT's POV

Boring...

Boring...

Boring!

Bumangon ako sa kama kung saan katabi ko ang isa pang babaeng nakahubad. Hinanap ko ang mga damit kong pinagbabato kung saan-saan. Don't get me wrong, may underwear pa ako. Hindi ko hinayaang mahawakan ako. Ako lang ang pwedeng humawak.

Isinuot ko ang uniform ko at hindi na nilingon ang babaeng nalimutan ko na ang pangalan. Bakit kasi ang daming malalanding desperadang maakit ako! Ako naman, bumibigay agad. Tss. Dapat matuto na ako.

Lumabas ako ng dorm ng babaeng ito at dire-diretsong sumakay ng elevator kung saan ako lang mag-isa. Inayos ko ang buhok ko at pinagpag ang damit. Nagpabango rin ako.

I feel hungry already.

Dumiretso na agad ako sa kulungan-ng-baboy dorm namin at hindi ko pa man nabubuksan ay nakaamoy na agad ako ng hindi kaaya-ayang amoy ng nasusunog na pagkain.

The Bitch, The Brat, and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon