fourteen

6.8K 274 78
                                    


*****

The BITCH's POV

Mag-isa akong bumalik sa dorm namin dahil ayoko nang abalahin pa si Claire. Kaya ko na naman ang sarili ko, e.

Medyo madilim na ng makalabas ako ng ospital. Napahaba ang tulog ko. Mag-si-six na pala.

Pagdating sa Room #143 ay nakaring agad ako ng maiingay na kalabog sa loob. Yung tunog ng nagtatakbuhan. Pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko si Linda at si bratty girl na naghahabulan. May hawak na unan si Linda habang hinahabol si brat na sigaw naman ng sigaw ng Chinese words.

I just shrugged.

Napadako ang tingin ko sa maliit na kusina. Nakatalikod sa akin ngayon ang katawan ni Joaquinne na naghahalo ng something sa pot. Siya na naman ang nagluluto. Naamoy ko agad ang mabangong amoy ng niluluto niya na nagpakalam sa sikmura ko.

Naalala ko naman bigla yung pinakain niya sa akin kanina. Laing yata yun. Aaralin kong lutuin yun.

I closed the door behind me and the moment I turned around again I was hit by a pillow straight to the face. Napapikit ako at naramdamang bumagsak ang unan sa paanan ko. Pagmulat ko ay sinalubong ko ang nag-aalangang tingin ni Linda. Si brat naman ay pigil ang tawang nakatingin din sa 'kin.

Pinulot ko ang unan at pinagmasdan pa ito, kunwari. Sumilip ako ng kaunti at nakitang unti-unti silang umaatras.

Kaya bago pa mangyari yun ay...



"RAAAAAAAAAAAGH!" Sinugod ko silang dalawa!



Si Linda ang mas malapit sa 'kin kaya siya muna ang hinabol ko. Ngunit mabilis siyang nakapasok sa kwarto namin at ni-lock ito.

Kaya naman dahan-dahan akong lumingon kay brat na ngayon ay awkward na nakatayo sa may tabi. Nag-aalangan siyang tumawa na naging isang sigaw nang sugurin ko siya.

*****

The BRAT's POV

"Guàiwù! Bǎ wǒ de guàiwù! (Halimaw! Ilayo niyo ako sa halimaw!)" Histerikal kong sigaw nang habulin ako ng unan ni Arobítch.

Kanina pa kami paikot-ikot dito sa sala. Sumampa ako sa maliit na sofa at 'di ko inaasahang susunod siya at dinaganan ako. Napahiga ako dito at umupo naman siya sa tiyan ko.

Nasilayan ko ang mala-demonya niyang ngisi at itinaas ang hawak na unan. Napapikit naman ako at hinintay ang atake niya.

"Geugeos-eul bad-a!" Hinambalos ako nito ng malakas sa mukha."Tto daleun! Deo geu!" Nagsunod-sunod ang hampas niya na sinasangga ko lang habang tumatawa ng malakas.

Natigil lang ang ilang segundo niyang panghahampas ng marinig ko ang mga hingal niya. Napagod na ang halimaw.

Inalis ko ang pagkakasangga ko at sumabay sa mabigat niyang paghinga. Nang mahimasmasan ay napatingin kami sa isa't-isa. Nakaupo pa rin siya sa bandang tiyan ko at kung hindi mo alam ang ginagawa namin ay iba ang maiisip mo.

Nakita ko ang bahagyang paglaki ng mata niya at mabilis na tumayo. Napapunas siya sa likidong tumulo sa noo niya at napapaypay sa sarili. Ako naman ay umayos ng upo sa sofa.

What the fúck.

Tinuktukan ko ang sariling ulo dahil sa naiiisip. Imposible. Ano 'tong feeling na 'to?!

It's just... plain impossible!

*****

The NERD's POV

Hinalo ko ang kumukulong lomi at dinagdagan pa ito ng mga pampalasa. Nang sa tingin ko ay ayos na siya ay pinatay ko ang apoy ng kalan at pinunasan ng bimpo ang pawis ko sa noo at leeg. Naghugas ako ng kamay at kumuha ng mga piggan at iba pang kubyertos.

The Bitch, The Brat, and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon