twenty-three

4.3K 200 27
                                    


*****

The NERD's POV

Sa backstage...

"Kailangan pa ba niyan? Parang masakit 'yan, e." Alanganin kong sabi habang nakapako ang tingin sa hawak na eyeliner ni Adriane, na tinasahan niya pa sa harap ko. "Ayoko pang mabulag, please, Adriane."

Ilang tissue na nga ang nagamit sa akin kasi hindi ko mapigilang mapaluha sa mga pinaglalalagay nila sa mata ko. Tapos lalagyan pa ako n'on?! Nakailang retouch na ba sa mukha ko kakaiyak ko?

"Ngayon lang 'to, Relaira. Akong bahala sa 'yo don't worry. Siguradong tatalbugan mo silang lahat mamaya."

Napalunok ako ng ilapit niya ang lapis sa mata ko, like she's going to murder my eyes.

"Relax. Now, look up." Huminga ako ng malalim at sinunod siya. She placed her thumb under my eye and I screamed quietly in my head when I felt the tip of the pencil touch the edge of my eye.

Kumanta ako sa aking isip para ma-distract.

Huwag ka nang umiyak
Sa mundong pabago-bago
Pag-ibig ko ay totoo

I just kept singing that in my head until I heard Adriane's voice. "Done! Wow, mukha kang Diyosa. Ang ganda-ganda mo!" Namula naman ako sa kanyang sinabi.

Kinaya ko ang pamatay na eyeliner ng hindi naluluha. Achievement! Pft.

I blinked multiple times and stopped my urge to rip these fake lashes from sticking onto my eyelids.

I exhaled some air.

Sinuot ko ang mabigat na headdress at tumingin sa salamin.

Nakasuot ako ngayon ng pink na ballgown na puno ng makakapal na bulaklak. Everything on my body right now is heavy. I was really thankful na hindi kami sasayaw. Gosh.

I felt bare. My shoulders and my whole back are showing dahil backless ang suot ko. My hair is tied into a tight bun with the huge headdress on my head.

Naka-contacts rin ako ngayon kaya natatakpan ang natural na kulay ng mata ko, it helps me see clearly, but I'm still not gonna choose it over my huge glasses. Ang bigat rin sa pakiramdam ng mukha ko dahil sa make-up.

All in all, I feel extremely uncomfortable.

"You look stunning," Sherlie commented na biglang sumulpot sa tabi ko.

"P'wede bang sabihing ang gwapo mo?" Tanong ko. Dahil ang gwapo niya talaga sa make-up niya na ginawa siyang lalaki. Ang daya, headdress lang ang mabigat sa kanya.

Hinawakan niya ang ilong niya at nagpapogi kunwari. "Gwapo ba?"

Natawa ako.

"Sinilip mo na ba sa labas? Nandoon 'yong girl crush ko. Excited na akong mag-impress sa kanya." Saad niya na parang nag-iimagine.

"Buti ka pa, may inspirasyon. Kinakabahan nga ako, e." I said truthfully. First time kong rarampa sa harap ng maraming tao.

"Ngayon ka pa kinabahan. Ang galing-galing mo kaya! Good luck pala sa atin!" Itinaas niya ang kamay niya at nakipag-high five sa akin.

*****

"Let us give a round of applause to Panagbenga Festival of the First Section!" Masiglang introduction ng emcee na halos hindi ko naintindihan dahil nabibingi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko.

I can already feel their presence from the crowd.

You can do this, Relaira.

Narinig ko ang cheer ng ibang section at mula sa puwesto ko rito sa likod ay nasisilip ko sa maliit na gap ang mga judges na mga teachers lang rin namin, kapwa nakaupo at magkakatabi sa mahabang lamesa.

The Bitch, The Brat, and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon