thirty-one

4.2K 214 57
                                    


*****

The BITCH's POV

Nakaupo ako ngayon sa sahig, habang nakasandal sa pintuan ng kuwarto nila Joana.

Kanina pa walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko.

Narinig ko lahat. Hindi ako makapaniwala.

"Joaquinne... ikaw ba talaga si Lyle?" Bulong ko at humikbi.

Maya-maya ay may nakita akong dalawang paa sa aking harapan. Nakatayo lang ito doon.

Tumibok ng mabilis ang puso ko at nag-angat ng tingin.

It's true.

"Mr. Sebastian," mahina kong saad.

After a long time, ngayon ko lang ulit nakita ang maamo niyang mukha at mabait niyang ngiti. Kahit tipid lang ito.

"Mukhang alam mo na ang lahat, Denise," sabi nito bago ilahad ang kamay sa aking harapan.

Tinanggap ko naman ito at tumayo. Humarap ako sa pinto ng na may nakaukit na mga numerong seven at zero. 

Pinahid ko ang sariling luha at kumatok. Ilang sandali lamang bumukas ang pinto to reveal my first love. Ang babaeng matagal nang hinahanap ng puso ko sa mga nagdaang taon. Akala ko imposibleng magmahal ako ng iba bukod sa kanya, nakakatawa lang na she's still the same Lyle that I love. 

Nakapako lamang ang aking tingin kay Lyle habang humahakbang papasok sa kanyang silid. It's as if I don't want to risk losing her again, kahit hindi naman siya mawawala this very moment. Mababaliw na ako kapag nawala pa siya ulit.

Naputol ang titigan namin nang pumasok si Mr. Sebastian. Or maybe Kuya Jay suits him better.

"Riri! Nath!" Isang sigaw ang nagpatigil sa amin ni Nath na maglaro ng thumb wrestling. Kasabay ng paglakas ng tibok ng puso ko ang paglingon ko sa direksyon ni Lyle.

Automatic naman ang pagsilay ng ngiti sa aking labi nang makita siya.

Hays... ang ganda talaga ni Lyle! 

Napukaw naman agad ng isang lalaki na hila-hila niya sa braso ang aking atensyon. Tumigil sila sa harap namin at napatingala naman ako sa matangkad na lalaking kasama niya. 

Namula ang mukha ko nang ngitian ako ng lalaki at agad umiwas ng tingin.

"Lyle! Sino 'yang kasama mo?" Masiglang tanong ni Nath at bumulong pa pero narinig ko naman! "Ang gwapo naman niya. Sabihin mo kapag lumaki ako p'wede niya akong maging asawa," sabay hagikgik niya. Ano ba naman si Nath! Lagi na lang niya gustong magkaasawa.

"Hindi p'wede, 'no! Papa ko kaya siya! At ayokong maging Mama ka. Ikaw talaga, Nath," sagot naman ni Lyle. Pero ako nama'y tahimik lang na pinagmamasdan siya. Kahit palaging nagpapapansin sa akin si Jasmine, ikaw pa rin ang gusto kong pakasalan, Lyle!

"Papa, siya nga pala si Nath," turo niya kay Nath. "Cassie Jeonathan po ang buong pangalan niya kaya Nath ang palayaw niya," dagdag pa niya.

Ngumuso naman si Nath bago mag-crossed arms. "Lyle naman, eh! H'wag mong ipagkalat 'yong panlalaki kong pangalan kasi baka hindi na ako magkaasawa niyan!" Maktol pa niya. 

Humagikgik naman si Lyle bago bumaling sa akin. "At siya naman po si Riri, Papa. Nakuha po sa Arohi Denise ang palayaw niya pero mas gusto niyang tawagin siyang Denden kasi ako lang ang p'wedeng tumawag sa kanya ng Riri, eh!"

Namula naman ako sa tinuran ni Lyle at isang mahina at nahihiyang "hello po" lang ang aking aking nasabi.

"Hello, mga bata! Ako nga pala ang Papa ng makulit na batang ito. Pakibantayan niyo na lang siya at ingatan niyo ang isa't-isa, ha?" Mabait at comforting ang ngiting nakita ko sa kanya pagkatapos. Ang ganda ng kanyang mga mata! Kaparehong-kapareho ng kay Lyle...

The Bitch, The Brat, and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon