seven

10.9K 391 124
                                    


****

The NERD's POV

"ATEEE!" Isang sigaw ang nakakuha sa atensyon ko na humahangos papunta sakin. Bago ko pa man harapin ang kapatid ko ay dinamba na ako agad nito ng yakap.

Hinawakan ako nito sa magkabilang balikat tinitigan ako sa mga mata kong natatakpan ng eyeglasses, "May masakit ba? Binully ka ba ng mga kasama mo?! Ate 'wag mo 'kong iiwan! 'Di ako handang mawala ka sakin! Basta tatandaan mo lagi na mahal ki--"

"Okay lang ako, kafatid. Nadapa lang ang maganda mong ate. Hehe." Tapos nag-peace sign ako at nagpa-cute.

Dumako ang tingin niya sa tuhod ko at napasimangot. "Pandak ka na nga, lampa ka pa! Ate naman!" Ayan na. Papangaralan na 'ko ni boss. Tsk, tsk.

"Arawch... pagkatapos mong sabihin na mahal mo ako, gaganituhin mo ako bigla!" Arte ko at pinunasan kuno ang imaginary tears.

"Heh! Hindi ka nag-iingat! Kundi ko pa narinig sa tabi-tabi na may isang pandak na nerd na lampa ay 'di ko pa malalaman."

Kung kanino niya man narinig yun, makasalubong niya sana si Shomba!

"Ang hard naman nun, kafatid," sabay pout ko.

Nandito pa rin ako sa clinic at pinagbawalan muna akong maglakad dahil baka daw bumuka yung sugat ko sa left knee, kahit may gauze na ito. Nung nadapa kasi ako tumama sa matalas na bato kaya malalim siya. Thankful nga ako dahil hindi na-dislocate yung buto ko, eh. May mga ganung scenario kasi, lalo na kung malaki yung bato! Err! Yung isang tuhod ko gasgas lang naman ang natamo.

Hindi na natuloy ang sasabihin ni Joana dahil may nagbukas ng pinto. Bumungad naman samin ang tatlong mukha ng bugok.

Si Cassie, may dalang paper bag (na sa tingin ko ay pagkain ang laman). Si Arohi naman may dalang drinks. Kasama rin nila si Lianna na hindi maipinta ang mukha habang nakatingin sa kapatid ko. Naalala kong may gusto nga pala siya kay Joana.

Pumasok sila at inilapag nila sa katabing maliit na table ang mga dala nila, pagkatapos ay kinamusta nila ako. Wow lang ha, just, wow! Hindi sa nagiging sarcastic ako, pero nakakagulat lang na yung TATLONG BULLY ng buhay ko ay kinakamusta ako rito ngayon. May mga dala pang pagkain! Wow nemen.

Sinabi ko namang okay lang ako at ipinaliwanag na bukas na 'ko makakapasok na order na rin ng nurse. Though, kailangan ko pa rin daw mag-ingat sa mga kilos ko.

Napansin ko namang tahimik lang ang ang dalawa; si Joana at Lianna. Mukhang hindi na nakayanan ng kapatid ko ang "awkwardness", kaya lumapit ito sa akin at nagpaalam bago ako halikan sa pisngi. Waaah bakit ngayon ka pa naging sweet Joana?

Nanlalaki ang matang sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang sa tuluyan na itong nakalabas ng silid. Napalunok naman ako ng laway ng marinig kong mag-"tss..." si Lianna. Lumabas lang ulit ito at pumunta sa hindi ko alam. Nakows, sigurado akong nagselos na naman 'yan! Mygash sana hindi madagdagan sakit ko sa katawan.

Hindi man lang nila pinansin ang paglabas ng Italiana at binuksan ni Cassie ang dala niyang paper bag at inilabas ang isang tupper ware. "Maswerte ka dahil si Castor ang nagluto nito. Baka gumaling agad 'yang sugat mo kapag natikman mo 'to!" Mayabang na pahayag ni Cassie bago ito buksan. Siyempre may kutsara't tinidor din siyang dala. Bumungad naman samin ang iba't-ibang kulay ng gulay. Chopsuey?

"So, yah! Gulay pinaluto ko sa kanya since may sugat ka, bawal ka sa sweets kasi hindi nakakabuti sa sugat yun... blah, blah..." Ang dami niya pang sinabing kung anu-ano kaya hinablot ko sa kanya yung tupper ware at kutsara at kumain na dun mismo. Wala pang ilang minuto ay naubos ko ito at dumighay. "Thank you!" Sabay inom ko sa dalang drinks ni Arohi na iced tea. "Thank you!" Gutom ako eh, bakit ba.

The Bitch, The Brat, and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon