twenty-four

4.5K 210 57
                                    


*****

Imbis na sa cafeteria ay gusto ni Cassie na sa labas ng campus kami kumain. Mabilis naman akong tumanggi dahil inalala ko si Joana na naghihintay malamang sa akin.

Nalutas naman agad ang problema ko dahil bigla naming nakita si Joana na ka-holding hands pa si Lianna. Ngiting-ngiti naman ang mokong na Italyana.

"Ayan na pala sila, e. No reason to refuse now." Nakangising saad ni Cassie.

"Oo na." Kunwari ay defeated kong sagot kahit sa loob-loob ko ay kilig na ki--myghad. Wala! Hindi ako kinikilig!

Tinawag ko ang pansin nila Joana na mabilis na naglakad papunta sa direksiyon namin.

"Ate!" Nahagip agad ng mata ko ang mabilis na pagbitaw ni Joana sa kamay ni Lianna. Nagsalubong naman ang kilay n'ong isa at mahigpit na hinawakan ang kamay ng kapatid ko. Tingnan mo 'tong dalawang 'to.

"Saan kayo papunta?" Tanong ko.

"Sa cafeteria nga sana kasi hinahanap kita, kaso itong baliw na 'to pilit ng pilit na sa labas daw kami kakain." Sagot ni Joana.

Nagkatinginan kami ni Cassie at sabay natawa.

"Sa labas na tayo lahat kumain. Plano rin kasi namin ni Joaquinne." Si Cassie.

"Yiiieee!" Asar ni Lianna at tinapunan kami ng makahulugang tingin.

Pinaningkitan ko ng mata ang Italyana at agad naman itong nagtikom ng bibig at nagpeace sign.

Ang siste, sabay-sabay kaming lumabas ng campus nang walang problema dahil maaga naman kaming pinapauwi kapag ganitong patapos na ang Grading Period.

Napagpasyahan naming apat na kumain na lang sa mall na walking distance lang mula sa school.

Nagkuwentuhan lang ng nagkuwentuhan si Joana at Lianna about random topics habang kami ni Cassie ay tahimik lang na naglalakad.

Sa wakas ay nakarating na rin kami sa Mo Mall na may pinapatugtog pa ang Dancing Queen sa entrance.

Chineck ang mga dala naming bag sa entrance na tinusok lang naman ng stick n'ong guard. Lihim akong napatawa dahil nagse-cellphone pa nga 'yong isa habang nagche-check.

Pagkapasok namin ay may narinig akong ibinulong si Cassie. "Sabihin ko nga 'yon kay Ninong. Mapapasok ng killers 'tong mall niya, e."

Hindi ko na lang ito pinansin.

Marami-rami ang tao ngayon sa mall dahil siguro lunch time na. Tumanggi si Lianna na kumain sa Jollibee dahil gusto niya naman daw maiba.

Kaya nasa McDo kami ngayon. Ang witty diba. Parang may pinagkaiba. Minsan talaga maiisip ko kung anong nagustuhan ng kapatid ko sa babaeng 'to.

Ang ending, kami ni Joana ang naghana ng table dahil nag-insist 'yung dalawa na sila na daw bahala mag-order.

Dahil punuan rin dito ay nahirapan kaming makahanap ng vacant. Sampung minuto yata bago kami makakita ng table na may kakaalis pa lang na customer.

Mabilis kaming umupo doon at hinayaan 'yung crew na linisin ang table. Nadidistract ako sa malaki niyang... boobs. Take note, lalaki siya. Mataba. I'm not against sa mga matataba, ha. Kaso nakakadistract kasi talaga. Parang naninigaw 'yung boobs na "Malaki ako! Ikaw kababaeng tao dalawa likod!"

Bwisit. Bwisit ang mga naiisip ko.

Nag-iwas na lang ako ng tingin at tumingin sa labas ng glass wall. As if on cue, bumungad sa akin ang dalawang figure ng babae na magkaholding hands while walking. Wearing RH's uniform.

The Bitch, The Brat, and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon