eleven

7.9K 268 108
                                    


*****

Gandang bata talaga ni Joana oh. ♥

*****

The NERD's POV

"...what?" Halos hindi na marinig na usal ni Lianna pagkatapos kong sumigaw.

Galit ako. Bakit nandito siya sa kwarto namin ng kapatid ko? Tapos may gusto siya kay Joana, at sila lang kaninang dalawa ang nandito.

Kaya ba parang nagkagulo sa loob kasi may ginagawa sila... na hindi ko alam?

"Ang sabi ko, anong ginagawa mo dito sa kwarto ng kapatid ko?" Mahina ngunit matindi ang galit na tanong kong muli.

Nakanganga ng bahagya ngayon si Lianna. Hindi ko mawari kung ano bang expression niya.

"K-kapatid... kapatid? M-m-magkapatid kayo?" Parang hindi pa siya maka-get over.

Hinampas ko ng malakas ang bedside table. Naramdaman kong napapiksi si Joana sa ginawa ko.

Kahit ako man ay nagulat, pero hindi ko na iyon maaring bawiin. Dahil na rin sa galit na nanunuot sa kalooban ko ngayon. Hindi ko talaga mapigilang mag-isip ng masama.

Pumikit ako ng mariin. "Sagutin mo ang tanong ko, De Guzman." At sa pagmulat ko ng mga mata ay nakita ko ang ginawa niyang paglunok. Akalain mo iyon, parang maamong tupa ngayon ang nambu-bully sa akin.

"Wala. Binisita ko lang ang kapatid mo." Sagot niya na ngayon ay naka-smirk na. Nakaka... argh! Ganon kabilis nagbago ang mood niya?!

"Meron ba siyang malalang sakit para bisitahin mo? MAGKAIBIGAN BA KAYO?" Tanong kong muli, my eyebrows connected.

Napahawak naman siya sa parteng dibdib niya na animo'y nasaktan sa sinabi ko, bago ngumisi ulit. Ang sarap niya pong bangasan. "Ouch. That hurts, sister..." she paused. Parang tumayo naman ang balahibo ko ng tawagin niya akong sister. Ang FC lang kasi. "What you said is true. We're not friends... because we're more than that." Mayabang niyang saad.

Napasinghap si Joana. "H-hoy! Ang kapal mo namang Italiana ka! Hindi tayo friends at lalong hindi tayo more than friends! Ikaw lang itong masyadong feelingera!" Kontra niya sa sinabi ni Lianna na hanggang ngayon ay nakangisi pa rin.

"It's okay, babe. Magpapanggap na lang akong totoo 'yang sinasabi mo. Magpapanggap na lang akong hindi ko alam na muntikan na tayong mahuli ng ate mo doon sa ilalim ng pun--zxcvbnm asdfghjkl hmmph!" Bago pa matapos ni Lianna ang sasabihin niya ay hinablot na ni Joana ang bibig niya para takpan. Kahit naman ano pa yung sabihin ng De Guzman na iyan ay hindi ako maniniwala! Psh.

Narinig ko na naman ang pagsinghap ni Joana at mabilis na tinanggal ang kamay na nakatakip sa bibig ni Lianna kanina lang. "Kadiri ka talaga!" Bulalas ng kapatid ko bago ipunas sa damit ni Lianna ang palad. Ano na naman kayang ginawa ng De Guzman na 'to?!

Hinila ko agad sa aking tabi si Joana.

"Chill, sorella. I just can't help myself from biting your sorellina. Rawr!" May accent pa ang bawat pagsambit niya sa mga binitawang salita. Itinaas naman niya ang kamay para kumalmot sa hangin, making herself look like a tiger.

Pashnea.

Hinawakan ko ng marahas sa braso si Lianna bago hilain palabas ng dorm room namin ng kapatid ko. Bago pa siya makapagprotesta ay ibinalibag ko na ang pinto sa mukha niya. Nakakagawa talaga ako ng kasalanan kapag nakikita ko siya. Tsk.

Akala ko ay umalis na si Lianna ngunit may malakas na kumatok sa pinto ng makailang beses. "Babe uwi ka na, hindi na ako galit!" Sigaw niya sa nang-aasar na tono.

The Bitch, The Brat, and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon