*****The BITCH's POV
"Please be my girlfriend."
"What?"
"Please be my--"
"Are you crazy? I don't know you." I coldly said. What made her think that I will...
"Oh, belive me, you do. Nakalimutan mo lang ako." Bakas ang kasiguraduhan sa kanyang boses.
"Kahit na. Sa tingin mo ba basta na lang 'yan sasabihin na parang nanghihingi ka lang ng piso? I don't love you para gawin kitang girlfriend ko. At... at isa pa..." May humarang na namang something sa lalamunan ko nang maalala ang sakit. "...may gusto na akong iba."
"Ako si Jasmine. There, you already know me. Please..." Nagulat ako nang yakapin ako nito.
Nagpumiglas ako ngunit natigil lang nang marinig ko ang sunod-sunod niyang paghikbi sa balikat ko. Why is she crying?
"H-hey, get off me." Hindi ako mahuhulog sa pag-iyak-iyak niya.
"Don't push me away, Riri..." Kinilabutan ako nang sabihin niya iyon. Hindi dahil sa nagsusumamo niyang boses, kundi sa nickname na itinawag niya sa akin.
Itinulak ko siya palayo sa akin at napahiwalay naman siya. Bumungad ang mukha niyang basang-basa ng luha. "Who are you?" Maang kong tanong. Isang tao lang ang tumatawag sa akin ng nickname na iyon.
"I am... Lyle--"
"Stop lying to me. Hindi ikaw si Lyle!" Galit kong tugon.
"Huminahon ka. Hindi ko sinasabing ako si Lyle, ako si Jasmine, her cousin. Remember Minnie? The one you saved from drowning in the river. That's me, Riri. That--"
"STOP CALLING ME THAT. HINDI IKAW SI--!" I paused and once again, that familiar feeling of excruciating pain struck my heart. Durog na durog na ang puso ko. "H-hindi... hindi ikaw... hindi ikaw si Lyle."
Napaupo ako sa maruming sahig at niyakap ang magkabila kong tuhod. Hinayaan ko lang umagos na parang tubig sa ilog ang mga luha ko. Ang mga luhang hindi ko alam kung may pag-asa pang matuyo.
Naramdaman ko ang pagyakap niya mula sa aking likuran at umiyak kasama ko.
Nakarinig ako ng malakas na sigaw na puno ng takot na nagbigay sa akin ng matinding kaba. Hala, saan kaya galing 'yon?
Baka sa may ilog, parang may splash kasi akong narinig.
Dali-dali naman akong tumakbo papunta sa ilog at hinayaan si Yaya Medes na tawagin ang pangalan ko. Tuloy-tuloy lang akong tumakbo at pinasok ang Secret Haven namin nila Lyle.
Pagdating sa may ilog ay tama nga ang hinala ko. May nahulog doon na isang batang babae!
Hindi ako nag-atubiling tumalon sa may ilog na hindi naman gaanong rumaragasa ang tubig. Lumangoy ako papunta sa babaeng nalulunod at hinawakan ang kamay nito. Mahigpit ang paghawak niya sa kamay ko. Hinila ko siya papunta sa may mababaw.
Habol-hininga kami nang makarating sa may lupa.
"Pa-paano ka... nakapasok... d-dito?" Hinihingal kong sabi sa kanya.
Umubo muna ito bago sumagot, "S-salamat sa... pagligtas mo sa akin. Ang pinsan ko... ang nagdala sa akin dito. Ako... nga pala... si Minnie." Sabi naman niya na unti-unting pinapakalma ang paghinga. Minnie? Parang 'yong partner ni Mickey Mouse?
Pinsan? "Sinong pinsan mo?" Tanong ko.
"Si Lyle!" Nakangiti niyang saad na nagpalitaw sa bungi niyang ipin.
BINABASA MO ANG
The Bitch, The Brat, and Me
Teen FictionNobody lang naman si Relaira sa Regona High noon. Bagama't madalas ma-bully, normal lang naman ang buhay ng nerd sa loob ng eskwelahan. Pangarap niyang makapagtapos sila ng kapatid niyang si Joana nang walang problema. Kaya nga hangga't maaari ay lu...