thirteen

7.6K 295 101
                                    


*****

The BRAT's POV

My head hurts like fúck.

I felt my tears run down my burning eyes. Nakapikit ako ngayon at sobrang init pa rin ng pakiramdam ko, hindi kinakaya ng mata ko at nagluluha iyon. Napapaso ang ilong ko sa hangin na lumalabas at pumapasok dito. Hindi ko na pinagkaabalahang punasan ang likidong lumandas sa mata kong nakapikit dahil nanghihina pa rin ako.

Nakaramdam ako ng matinding uhaw dahil sa panunuyo ng lalamunan ko. Nasaan ba ako? Bakit ang sangsang ng amoy? Amoy halu-halong gamot ang nanunuot sa sistema ko na lalong nagpapasakit sa ulo ko.

Torture.

Ayoko sanang magmulat ng mata kaso nauuhaw talaga ako.

I slowly opened my swollen eyes and a bright white light blinded me. Nagsalubong ang kilay ko sa pagkasilaw. Pumikit-pikit ako bago masanay ang mata ko sa liwanag. Napaungol ako ng kumirot ang ulo ko. Parang dinudutdot ng kutsilyo. Fúcking fever.

Nakahiga ako sa puting kama. Puti ang paligid. Amoy gamot...

Nasa school hospital ako.

Sino namang nagdala sa 'kin dito?

Natandaan ko naman ang pagpasan sa 'kin ni nerd na nagpangiti sa 'kin na parang tanga. Mahal na mahal talaga ako ni nerd.

Ewan ko pero parang hindi iyon ang unang beses na pinasan ako, e. Parang... nevermind. Sumasakit utak ko!

I shifted my gaze to the side and saw another bed. May nakahiga rin dito--wait. Dalawa sila, magkayakap! I tried to recognize them but I can only see their bodies since natatakpan ng maliit na lamesa ang bandang ulo nila.

Whatever.

Wala bang nurse dito? O kaya si nerdy? Nauuhaw na ako! And I can't even move a limp!

"Water... I need water..."  I said, almost a whisper. Kpag ganitong may sakit ako nahihirapan akong magsalita.

"Somebody... I badly need water... please..."

Nakarinig ako ng pagyabag ng paa papalapit sa akin. Ugh, yes! Buti may nakapansin sa akin. Mamatay na ako sa sobrang uhaw.

Narinig ko ang pagsalin ng tubig sa baso. Tumingin ako sa taong iyon at nakita ang may katangkarang pigura ng isang babae.

Hm, tanned skin and shoulder-length hair. Naka-side view ang mukha nito sa 'kin and I can already tell that she's indeed another beautiul creature.

Inalayayan niya akong makaupo ng maayos sa kama. Ako naman ay napapikit ng mariin nang maramdaman ang pagbagsak ng naipon kong dugo sa utak. Napasapo na lang ako sa noo ko.

"Here," Inilapit nung babae ang baso sa bibig ko. Ininom ko iyon at may lumampas pang kaunti sa gilid ng bibig ko. Pinunasan niya rin iyon gamit ang isang panyo.

I thanked her. She just nodded in reply.

Tinulungan niya rin akong humiga ulit at aalis na sana nang pigilan ko ito sa braso. Napatigil naman siya at lumingon sa 'kin. "May kailangan ka pa ba?" Tanong nito.

"Um... I just... wanna know your name," Medyo mahina kong usal.

"Oh, sorry. I'm Claire Lim, Cassie Jeonathan Sasaki. It's nice to meet you." Pakilala nito. Ngunit hindi ang pangalan niya ang ikinagulat ko kundi ang pangalan ko na binanggit niya ngayon lang. PAANO NIYA NALAMAN ANG WHOLE NAME KO?

Alam kong napansin niya ang confusion sa mukha ko kaya natawa siya. "I know every single person in this school." Nagmamalaki nitong pahayag.

Ayoko nang mag-isip pa at tumango na lang. Kumindat ito sa 'kin at bumalik sa kung saan siya nanggaling. She's definitely not a nurse since she's wearing our uniform. Siguro may binabantayan siya dito.

The Bitch, The Brat, and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon