*****The BRAT's POV
Nagdadalawang-isip ako kung papasukin ko na ba siya sa CR dahil mahigit isang oras na rin siyang nakakulong doon. And I can hear faint sobs kahit sobrang pigil na pigil niyon.
After a few minutes, hindi ko na rin kinayang maupo na lang. Kanina pa kasi tahimik sa loob, baka kung ano nang nangyari sa babaeng iyon.
Without any hesitation, I opened the door, which is luckily unlocked. Naabutan ko naman ang pigura niyang nakaupo sa sahig at nakasiksik sa sulok, hugging both her knees. And I'm sure she's asleep based on her calm breathing.
Ayaw ko mang gisingin siya, pero kailangan niya kasing magbihis dahil sa bahagyang pagkabasa ng kasuotan niya.
I tapped her shoulder and hindi naman ako nahirapan dahil mabilis siyang nag-respond. Dahan-dahang nag-angat ito ng ulo na kanina ay nakasubsob sa mga tuhod niya. Kinusot niya ang mga mata niya at tinitigan ako sandali, bago siya tumayo at nilagpasan lamang ako.
What a cold vibe, Arohi.
I got out of the comfort room and stared at her back. Walang alinlangan itong nag-alis ng lahat ng kanyang saplot, like she doesn't give a damn kung may tumingin man.
But before she can remove her underwear, mabilis akong nakatalikod. Not like seeing a naked body is new to me, but I still have some respect left for her.
Nakita ko. Nakita ko ang buong pangyayari sa pagitan nilang dalawa ni Joaquinne sa likod ng building na iyon. Akala nila siguro, sila lang ang may nabasag na puso nang mga sandaling iyon. Hindi nila alam na may isang katulad ko ang nakatingin lang mula sa malayo, gumuho ang pag-asang makapagtapat pa ako ng nararamdaman. Ninakaw agad sa akin ang pag-asang iyon. Pinamukha na agad sa akin ang sagot.
It stings a lot. Pero tinanggap ko na. At least, hindi niya ako nakitang nasaktan dahil sa rejection niya kung sakaling nasabi ko nga ang nararamdaman ko.
I like her. I like Arohi. And I don't fucking know how or when it started.
Maybe, someday, malalaman niya rin ang lihim ko. But I will make sure na wala na akong nararamadaman sa kanya kung darating man ang time na iyon. I am not up for rejection. I am living in a life where I get whatever I want.
Yet, we really are in a very funny situation. A very, fucked up love triangle. Sounds ridiculous, but true. Kakaiba rin talagang maglaro ang tadhana.
I felt something warm touch my shoulder.
Humarap ako dito and was surprise to see a blurry face. Why is my vision unclear?
"I'm... I'm sorry." A tiny, fragile body hugs me and that's when pain started to kick in my very being.
It really does hurt. To know that your feelings can never be returned.
I cried. Hindi ko na pinigilan. This is my chance to pour all of the heavy emotions out. Ang sakit.
*****
The NERD's POV
Pagbukas ko ng pinto ng maliit na kwarto ay siya ring pagbungad sa akin ng babaeng nasaktan ko. Parang hangin lang akong nilampasan nito at tuloy-tuloy na lumabas. Napabuntong-hininga naman ako at pumasok sa kwarto bago tahimik na isinara ang pinto sa aking likuran.
Kumunot ang noo ko nang makita ang pigura ni Cassie na nakatalikod sa puwesto ko. Nilapitan ko ito at naalarma nang makita ang mahinang pagyugyog ng mga balikat niya, at ang tunog ng mahihinang hikbing unti-unti nang lumilinaw sa pandinig ko.
BINABASA MO ANG
The Bitch, The Brat, and Me
Teen FictionNobody lang naman si Relaira sa Regona High noon. Bagama't madalas ma-bully, normal lang naman ang buhay ng nerd sa loob ng eskwelahan. Pangarap niyang makapagtapos sila ng kapatid niyang si Joana nang walang problema. Kaya nga hangga't maaari ay lu...