Chapter 2
Halos liparin na ni Yuna ang Hallway ng kanilang school, malelate na kasi siya sa kanyang unang klase .
“badtrip na traffic yun oh, malelate pa ata ako.”
Sa kamamadali, hindi na namalayang ni Yuna ang paparating na lalaki kaya’t nabunggo niya ito, nagkalat tuloy sa lapag lahat ng librong dala niya.
“Sorry Miss.” Hinging paumanhin ng lalaki.
Agad niyang nilingon kung sino ito. Laking gulat niya ng makita ang lalaki.
“Ikaw na naman?” medyo iritang sabi niya.
“Sorry.” Tila batang sabi nito.
Pagkakataon nga naman sa dami ng pwedeng makasalubong si Atheros pa.
Sabi niya sa sarili habang pinupulot ang mga nagkalat niyang libro, tumulong na rin ang binata sa pagpupulot.
“Here, Sorry talaga sa nangyari Yuna.” Inabot nito ang mga libro ni Yuna.
“Salamat, wala na iyon kasalanan ko naman e, hindi kasi ako tumitingin sa dinadaan ko.”
Nakangiti lamang ang binata.
“Pre tama na muna iyang pagpapa-impress mo, tara na nagugutom na ako.” Sigaw ni Cliff mula sa di kalayuan,katabi nito si Naujin na ngingiti-ngiting nakatingin sa dereksiyon nila.
“Oo, susunod na” sigaw nito sa mga kaibigan. “Sige Yuna mauna na ako.” Baling muli nito sa kanya.
Nang makaalis si Atheros doon lamang naalala ni Yuna na may klase pa nga pala siya.
Patakbong tinungo niya ang kanilang room, mabuti na lamang at wala pa ang kanilang prof.
“Nakakatamad naman ang ganito, wala akong makitang magandang babae.” Inaantok na sabi ni Atheros.
Nasa favourite tambayan nila sila sa likod lamang ng gym ng kanilang school, may maliit kasing kubo doon na sadyang pinagawa nilang magkakaibigan para gawing tambayang kapag free time nila at tanging sila lamang an pinayagan ng kanilang school na gumawa ng ganoon, ano nga naman ang di nagagawa ng pera.
“Umatake na naman ang pagiging playboy mo, kanina lang paimpress ka doon sa babaeng classmate mo. Ano nga pala ulit pangalan niya.?” Si Cliff ang nagsalita.
“Ah! Si Yuna. Hindi ako nagpapa-impress sa kanya no, Alam niyo naman na basta babae handa akong tumulong.” Nakangiting sagot niya.
“Pero kakaiba din ang babaeng iyon no, hindi man lang nasindak sa karisma mo pare, para ngang walang pakialam sayo e, mukhang may hindi tinatablan ng kagwapuhan mo ” nakakalokong ngumiti ito.
“Mukhang humihina ka na sa mga babae pre, may pagkakataon na kami nitong ni Nau “ sabay hampas sa balikat niya.
“Hindi mangyayari iyon, mas gwapo ata ako sa inyong dalawa at tsaka isa lang naman siya kumpara sa libo-libong nagkakagusto sa akin, she’s nothing.”
“talaga lang pre ha, sige e-challenge natin iyang kagwapuhang sinasabi mo.” Hamon ni Cliff.
“What do you mean?”naguguluhang tanong nito.
“Make her fall for you.”
“What?!” gulat na sabi nito.
“Kapag nainlove sayo si Yuna maniniwala na kami na ikaw na ang pinakagwapo sa atin, and to make it more exciting, let us put money kapag nainlove sayo si Yuna you will get ten thousand form us but if you can’t make it sorry dude but you need to give us ten thousand each.” Si Naujin na ang nagsalita.
BINABASA MO ANG
Pustahan Mahal kita...Tataya ka ba? (On Hold)
Teen FictionWalang pakialam si Yuna sa mga lalaki ang mahalaga lang kasi sa kanya ay ang kanyang pag-aaral ngunit nagbago ang lahat ng bigla na lang sumulpot si Atheros sa buhay niya. Ngunit kung kailan naman handa na siyang magmahal doon niya naman siya masasa...