*Yuna's POV*
"Ate, gising ang ingay ng cellphone mo kanina pa tunog ng tunog baka naman balak niya magpatulog." reklamo ni Shamey.
"Ano bang----."
Si Atheros tumatawag.
"Sino ba yang tumatawag sayo 'te?" Inaantok pang tanong ni Shamey.
"Si Atheros." sagot ko.
Tila naman nagising si Shayme sa narinig.Nagmamadali pa itong inagawa saking ang cellphone.
"Si Kuya Atheros nga, sagutin mo 'te.Dali!!!!" excited na sabi nito.
"Sasagutin ko yan kung ibabalik mo saking ang cellphone ko."
"Sabi ko nga, ito na 'te." ibinalik na nito ang cellphone.
Hingang malalim..whooo!
*pindot sa answer button*
"Hi,Yuna"
"Hi."
"Nakaistorbo ba ako?"
"Ha? Hindi naman pero kay Shamey mukhang oo."
"Kuya Atheros wag kang maniniwala kay Ate basta ikaw lahat sakin ok." sigaw na sabi ni Shamey.
Narinig kong tumawa sa kabilang linya si Atheros.
"Pagpasensyahan mo na kapatid ko ha praning lang yan kulang kasi sa tulog."
Tumawa na naman ito.
"Ok lang, ayos nga kapatid mo 'e."
"Bakit ka nga pala napatawag?"
"Ah, ano kasi....."
"hmmmm???"
"Pwede ka ba mamaya?" narinig ko pang pumiyok ito.
"Ha? Bakit?"
"May ibibigay lang ako."
"Ano y'on?"
"Basta sunduin kita sa inyo mamaya ha.Bye.See you later."
busy tone na lang ang sunod na narinig ko.
"Ano pinag usapan nito 'te? Niyaya ka ba ulit niya sa date?" sunod-sunod na tanong ni Shamey.
"Wala at Hindi."
"Wheee? Ano ba yan, ang corny di ka man lang niya niyaya magdate.Sayang makatulog na nga lang ulit." humiga na ito at bumalik sa pagtulog.
*Atheros POV*
"Kuya Atheros sino y'ong kausap mo kanina, si Yuna ba y'on?" isang pilyang ngiti agad ang bumugad sakin ng lingunin ko si Odette.
"No."
"E sino y'on?"
"Wala wrong number."
"Wrong number? 'e bakit niyaya mo lumabas, sabi mo may ibibigay ka pa nga, masubukan nga din tumawag tapos sabihin kong wrong number baka sakaling bigyan din ako ng kahit ano" isang pilyang ngiti na naman ang ibinigay nito.
"Yeah, right.Bakit di mo subukan?"
"Aminin mo na kasing si Yuna y'on." pangungulit nito.
"Oo na sige na, si Yuna ang kausap ko, ok ka na matatahimik ka na ba?"
"Sungit naman nito nagtatanong lang 'e." nagmamaktol itong naglakad papuntang kusina.
"Hindi ka nagtatanong,Odette. Nangungulit ang tamang salita."
"Parehas lang y'on." tuluyan na itong pumasok sa kusina.
Sa lahat ng nakilala ko ito na ata ang taong laging may masasabi sa kada pambabara na gagawin ko.
"Kuya Atheros, kung si Yuna nga y'on ibig sabihin may date kayo? ibibigay mo na ba y'ong dress na binili mo para sa KANYA." pinagdiinan pa nito ang salitang sa KANYA.Nakatungaw lang ito sa hamba ng pinto.
"Yeah, so?"
"Wow! Naglelevel up ka na Kuya, ipagpatuloy mo yan. balitaan mo ako pag girlfriend mo na siya ha." ngingiti-ngiti itong bumalik muli sa kusina.
Yeah, right hindi niya naman alam ang tunay na dahilan kung bakit ko ginagawa ang mga ito.
*Yuna's POV*
"Ate si Kuya Atheros." sigaw ni Shamey.
"Ha? Tek---"
"Joke lang 'te, kaw naman nataranta ka agad."
Sinasabi na nga ba 'e.
"Alam mo Shamey tulungan mo na lang kaya si Inay sa baba."
Nasa kwarto kami ng mga sandaling iyon.
"Ayoko nga mas gusto ko dito, naeenjoy ko ang panonood sayo 'e." naaaliw na sabi nito.
"Hindi ako TV,Shamey."
"Sinabi ko bang TV ka Ate, nakakaaliw ka lang kasing tingnan kapag natataranta."
"Ewan ko sayo."
"Patanggi-tanggi ka pa na wala kayong date ni Kuya Atheros."
"Shut up!..Hindi date y'on ok?"
"Sus! bakit ka nagbablush,Ate?..Hindi daw date,Ano bang tawag kapag niyaya ng lalake ang babae na lumabas diba date y'on?"
Ang hirap talaga kausap nito, lagi na lang may sagot sa lahat ng sasabihin ko.
"Whatever, basta hindi date y'on."
"Ok sabi mo 'e."
Maya-maya ay may narinig na kaming pumarada sa tapat ng bahay namin.
"Ate baka si Kuya Atheros na y'on."
"Ha?" nataranta kong sabi
"Tara na, bumaba ka na baka mainip y'on mawalan ka pa ng gwapong kadate." biro nito
"Che! Ewan ko sayo."
Pagbaba namin ay naabutan naming prenteng nakaupo sa sofa si Atheros.
Nakaplain white tshirt lamang ito at simpleng pants pero hindi nabawasan ang kagwapuhan nito.
"Hi." bati ko ng lumingon ito.
"Hi, so tara na. Nakapagpaalam na rin ako sa nanay mo." nakangiti nitong sabi.
Nang lingunin ko ang aking ina nakangiti lang din ito.
"Ha? Ah...sige."
"Alis na po kami." paalam nito.
Nang makalabas ay sa kotse nito kami nagtunggo na nakaparada hindi kalayuan sa bahay namin.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko ng makapasok na kami sa loob ng kotse nito.
"Sa bahay." sagot nito bago buksan ang makina ng kotse.
BINABASA MO ANG
Pustahan Mahal kita...Tataya ka ba? (On Hold)
Teen FictionWalang pakialam si Yuna sa mga lalaki ang mahalaga lang kasi sa kanya ay ang kanyang pag-aaral ngunit nagbago ang lahat ng bigla na lang sumulpot si Atheros sa buhay niya. Ngunit kung kailan naman handa na siyang magmahal doon niya naman siya masasa...