Chapter 13
“Ate, gising na.”
Si Shyme agad ang nabungaran ko ng magmulat ako ng mga mata. Christmas Vacation na namin kaya sinusulit ko na upang makabawi na rin ng pahinga.
“Bakit ba?”
“Sabi kasi ni Inay, mamalengke ka?”
“Bakit hindi na lang ikaw, nagpapahinga pa ako.”
“May pasok pa po kaya ako.”
Doon ko lang napansin na naka-uniform nga ito.
“Akala ko ba bakasyon niyo na.”
“Next week pa po. Bumangon ka na Ate.”
“Oo na, ito na nga ‘e tatayo na, bumaba ka na mag-aayos lang ako.”
Bumaba naman ito. Ako naman ay nanatili pa ring nakahiga pero mga ilang minute lang ay bumangon na rin ako upang mag-ayos.
Nang matapos ay bumaba na ako at hiningi ang listahan ng mga dapat bilhin para sa aming karinderya. Ilang araw pa lang nagbukas ang karinderya naming pero patok na ito sa aming lugar.
Nang makalabas ako ay nakita ko si Reuben na nakatayo sa tapat ng bahay naming.
“Oh Reuben, anong ginagawa mo dito, dadalawin mo ba sina Inay?”
Halatang nagulat ito ng makita ako.
“Ha? Ah, Oo sana.”
“Sige pumasok ka lang nasa loob lang sina Inay, siguradong gustong-gusto ka na ring makita ng mga y’on.”
“Aalis ka?”
Tanong nito habang nakatingin sa dala kong basket.
“Oo ‘e, Inutusan kasi ako ni Inay mamalengke.”
“Ganoon ba? Gustong mong samahan muna kita mukhang madami ang bibilhin mo ‘e.”
“Naku wag na, sige na tumuloy ka na sa loob.”
“Mamaya pagkatapos natin mamalengke.” Nakangiti nitong sabi.
Wala na akong nagawa ng agawain nito mula sakin ang basket.
Nang makarating sila sa palengke ay agad kong hinanap ang mga suki ni Inay para makamura ^_^
Medyo marami-marami ang napamili naming ni Reuben, mabuti na lamang pala at nagpumilit itong sumama dahil kung hindi baka kinuba na ako sa pagdadala ng mga pinabibili ni Inay.
“Ano pa bang kulang?” tanong nito.
“Mga kamatis pa.”
“okay.”
“Ah! Rueben salamat ha, kung wala ka siguro, kuba na ako dahil sa pagbubuhat ng mga yan.”
“Wala y’on para san pa at nagging magkababata tayo.”
“Salamat talaga.”
Mabuti na lamang talaga at nagkaroon ako ng isang kaibigan na kagaya ni Reuben.
Nang matapos kami sa pamimili ay bumalik na kami sa bahay.
“Reuben ikaw na ba yan? Akalain mong kagwapong bata mo na ngayon.” Sabi ng kanyang ina ng makita si Reuben.
“Salamat po.” Tila nahihiya naman nitong sabi.
“Kuya Reuben kapantay mo na sa kagwapuhan y’ong lalakeng pumunta dito samin dati, y’ong sumundo kay Ate.”
“Shyme tumahimik ka nga.”
“Sumundo kay Yuna?” nagtatakang tanong nito.
“Wala. Si Atheros lang y’on, sinundo niya ako dahil nakalimutan ko na may tutorial kami.”
Sagot ko.
Tumango- tango naman si Reuben, pero tila may kung ano itong iniisip.
“Reuben kumain ka na ba?” tanong ng aking ina.
“Hindi pa nga po ‘e.” pag-amin naman nito.
Mukha hindi pa rin nagbabago akong closeness nito sa aking pamilya.
“Tara kumain ka muna at marami pa tayong pagkukwentuhan.”
“Sige po.”
Sa hapag kainan walang tigil sa pagkukwentuhan sina Reuben at ang aking ina, ako naman ay naaaliw sa pakikinig sa kanila.
Sa dami na napag-usapan nila, hindi na marahing nila namalayan ang oras.
“Nay, mukhang kailangan ng umuwi ni Reuben baka gabihin pa siya ng sobra sa daan.” Paalala ko.
Tumingin naman sa orasan ang aking ina upang alamin kung anong oras na.
“Ay! Oo nga ano, sige Reuben mag-ingat ka sa daan ha.”
“Sige po.Salamat po ulit.”
“Yuna, ihatid mo na sa labasan si Reuben at baka mapaano pa yan.”
“Opo.Tara na Reuben.”
Sa daan ay wala kaming imikan ni Reuben hanggang sa ito na ang naunang magsalita.
“Wala pa ring pinagbago si Aling Susie, madaldal pa rin.” Natatawang sabi nito.
“Hindi ka na nasanay.” Natatawang sabi ko rin.
Pumara na ito ng taxi.
“Salamat sa araw Yuna.” Paalam nito.
“Salamat din sa tulong kanina.”
Ngiti na lamang ang nagging sagot nito bago umalis ang taxing sinasakyan nito.
BINABASA MO ANG
Pustahan Mahal kita...Tataya ka ba? (On Hold)
Ficção AdolescenteWalang pakialam si Yuna sa mga lalaki ang mahalaga lang kasi sa kanya ay ang kanyang pag-aaral ngunit nagbago ang lahat ng bigla na lang sumulpot si Atheros sa buhay niya. Ngunit kung kailan naman handa na siyang magmahal doon niya naman siya masasa...