Chapter 4
Ang sarap ng tulog ni Yuna nang bigla na lamang siya gisingin ng kanyang nakakabatang kapatid na si Shamey.
“Ate, gumising ka na may bisita ka.”
“Bisita? Sino naman ang bibisita sa akin ng ganito kaaga?” inaantok na sabi na.
“Malay ko.Manliligaw mo ata, pero Ate ang gwapo niya a mukha pang mayaman, saan mo nakuha ‘yon?” kinikilig na sabi nito.
Bigla siyang napa-isip sa sinabi ng kapatid.
Mayaman? Gwapo? ... Wala naman akong kilalang ganoon ‘a...
Upang matapos na ang ganyang pag-iisip minabuti na lamang niyang bumaba at alamin kung sino ang tinutukoy na bisita ng kanyang kapatid.
Napatulala na lamang siya ng makita ang tinutukoy na bisita ni Shamey. It was Atheros, he’s wearing a plain tshirt and a maong pants, pero kahit simple lamang ang suot nito lutang na lutang pa rin ang kagwpuhan nito.
Teka! Bakit parang pinupuri ko pa ang mokong na ito, at ano ang ginagawa nito dito?
Sunod- sunod na tanong niya sa sarili.
“Hi Yuna, ready ka na?” nakangiting bati nito.
“Ready for what?” nagtatakang tanong niya.
“Nalimutan mo na ba ngayon iyong tutorial natin.”
Nag-isip pa siya ng malamin,oo nga pala ngayon iyong tutorial nila, bakit ba nalimutan niya.
“Sorry nalimutan ko.” Nahihiyang sabi niya.
“Ok lang, alam mo bang ikaw ang kauna-unahang babaeng nakagawa sa akin nang ganito” tila aliw na aliw na sabi nito.
“Nakagawa ng ano?” nagtatakang tanong niya.
“Makalimot ng usapan, kahit sabihin mong tutorial lang ‘to nakalimot ka pa rin, ito rin ang kauna-unahang beses na sumadya pa talaga ako sa bahay ng isang babae,iyon ngang mga nakakadate ko sila pa ang pumupunta sa bahay namin para lang masigurado na tuloy ang date namin e.” Nakangiti pa rin nitong sabi.
Anong problema ng mokong na ‘to? Natapakan ko siguro ang ego, pwes buti nga.
Sabi niya sa sarili. Ngunit tila natulala siya sa ngiti nito, anong meron sa ngiti nito, bakit parang ang sarap titigan nito ng mga sandaling iyon.
“Hoy! Yuna,nakikinig ka ba?”
Doon lamang siya bumalik sa katinuan, nag-iwas agad siya ng tingin upang hindi mapahiya dito.
“Oo,nakikinig ako, magbibihis lang ako sandali, pakihintay na lang ako.” Aakyat na sana siya nang bigla siyang may maalala. “Teka! Paano mo nga pala nalaman kung saan ako nakatira?”
“Sek-re-to.” Nakakaloko pa itong ngumiti.
“Bahala ka nga.” Sabi na lamang niya at umakyat na siya sa kanyang silid upang maligo at magbihis.
Maya-maya lamang ay natapos na siya sa pagbibihis kaya binabuti na niyang bumaba. Naabutan niya si Atheros na nakikipgakwentuhan sa kanyang nakababatang kapatid, at mukhang aliw na aliw naman ang kapatid niya sa pakikipag-usap dito.
Tumikhim na lamang siya upang ipaalam na nadoon na siya.
“Uy! Nandiyan ka na pala, so tara na.” Yaya nito.
“Ok.” Maikling sagot niya.
“Kuya Atheros pakiingatan ang ate ko ha.” Sabat ng kapatid niya.
BINABASA MO ANG
Pustahan Mahal kita...Tataya ka ba? (On Hold)
Teen FictionWalang pakialam si Yuna sa mga lalaki ang mahalaga lang kasi sa kanya ay ang kanyang pag-aaral ngunit nagbago ang lahat ng bigla na lang sumulpot si Atheros sa buhay niya. Ngunit kung kailan naman handa na siyang magmahal doon niya naman siya masasa...