*Reuben's POV*
hmmmmm..Masarap talagang tumambay mag-isa wag lang talaga may asungot kagaya nitong babae sa harap ko.
"Hi" nakangiting bati nito.
"Sino ka?"
Napataas naman ang kilay nito sa tanong ko na parang galing akong ibang planeta dahil hindi ko siya kilala..Bakit? 'e hindi ko naman talaga siya kilala anong gagawin ko.
"Oo nga pala transferee ka lang dito, by the way I'm Limartha" inilahad pa nito ang kamay nito.
"Anong kailangan mo?"
Naupo ako sa ilalim ng puno ng hindi man lang tinatanggap ang pakikipagkamay nito.Binawi agad nito ang kamay na di ko pinansin.
"You're Yuna's childhood friend, right? Your???? What's your name again?"
Tingnan mo 'tong babaeng 'to lalapit lapit hindi naman pala ako kilala.
"Alam mo Mis---"
"Limartha" pagtatama nito.
"Okay, Limartha kung wala ka namang importanteng sasabihin pwede umalis ka na kasi inaantok ako at gusto kong matulog."
"Sa ilalim ng puno?" parang naamaze pa ito. Ngayon lang ba ito nakarinig ng matutulog sa ilalim ng puno.
"Oo, may problema ka?" nakakairita na ito 'a.
"No, wala naman.ahmmm..Do you like Yuna right?"
Aba! Biglang banat ng gan'ong tanong.
"I don't like her, I love her."
Since bata pa kami gusto ko na talaga si Yuna, ito kasi ang nagtatanggol sakin sa tuwing may umaaway sakin noon.Aminado naman ako na noong bata ako ay patpatin ako at madalas asarin na "payatot" o kaya "palito".Si Yuna lang ang tangging nagging kaibigan ko n'on kaya hindi na rin nakakapagtaka kung bakit nahulog ang loob ko sa kanya, kaya nagbago ako para naman magustuhan niya rin ako. Hindi ako nahihiyang ipagtapat sa ibang tao ang nararamdaman ko para kay Yuna pero pagdating mismo kay Yuna umuurong ang dila ko at hindi ako makapagtapat..Torpe in short.
"So alam mo na y'ong balita?"
"Balita?" nacurios naman ako sa tanong nito.
"Na nililigawan ni Atheros si Yuna"
Kung kanina ay naiinis ako dito dahil sa pagsulpot nito ngayon ahmmmm mukhang kailangan ko munang pagtiisan ang isang ito.
"Wag kang gumawa ng kwento." sabi ko.
"Hindi ako gumagawa ng kwento, look." may itinuro ito hindi kalayuan sa kinaroroonan namin.
Parang gusto ko tumayo at hilahin si Yuna para lang malayo siya sa lalakeng nakahawak sa kamay niya ngayon pero hindi ko magawa dahil............................................................................................................................nakikita kong masaya si Yuna.
Ang sakit naman n'on, hindi pa ako nakakapagtapat basted na agad ako.
"So naniniwala ka na?" tanong ni Limartha.
Gusto ba nitong pigilan namin ng namamagitan kay Atheros at Yuna?
"Anong gusto mo?" tanong ko rin dito.
"Gusto kong paghiwalayin silang dalawa, hindi bagay si Yuna kay Atheros dahil ako ang bagay sa kanya." medyo tumaas ang boses nito.
BINABASA MO ANG
Pustahan Mahal kita...Tataya ka ba? (On Hold)
Teen FictionWalang pakialam si Yuna sa mga lalaki ang mahalaga lang kasi sa kanya ay ang kanyang pag-aaral ngunit nagbago ang lahat ng bigla na lang sumulpot si Atheros sa buhay niya. Ngunit kung kailan naman handa na siyang magmahal doon niya naman siya masasa...