Pustahan Mahal kita Chapter 8

103 3 0
                                    

Chapter 8

“Yunaline may kasama ka na ba para sa Christmas party?” tanong ni Malou. Naglalakad sila n’on papunta sa kanilang classroom.

Sa susunod na linggo na kasi ang Christmas party ng school nila at gusto ng president ng school na by partner ang pag-attend.

“Wala pa, wala naman akong balak pumunta e.” sagot niya.

“Ang kj nito.”

“Wala naman akong partner e, kaya bakit ba ako pupunta?”

“Si Atheros, Hindi ka ba niya niyaya?”

“Bakit naman ako aayain n’on, tsaka siguradong may kadate na y’on”

“Napaka-nega mo talaga.”

Nakarating na sila ng room at wala pa ang prof. Nakita agad niyang nand’on na si Atheros.

“Hi” bati nito sa kanya.

Isang tango lamang ang nagging sagot niya.Maya- maya lamang ay dumating na ang prof nila.

Nagsimula na ang klase nila pero hindi mapakali si Yuna napapansin kasi niya na panay ang sulyap sa kanya ni Atheros, ayaw niya naman tanungin ito dahil nakakahiya.

Nang matapos ang klase nila, napansin niya agad ang mga kaklaseng babae na palapit kay Atheros.

“Ahmmm, Atheros may partner ka na ba para sa Christmas party?” nahihiyang tanong ng isa sa mga kaklase nila.

“Meron na ‘e.” sagot nito.

“Ah, gan’on ba.” nanghihinayang na sabi ng kaklase niya.

Bakit ba kasi sa dami ng pwede niyong ayain,’e ito pang alam niyong habulin, ayan tuloy napapahiya kayo.

Sabi niya sa isip, pero hindi rin mawala sa isip niya na may kapartner na ito, bakit parang pati siya ay nalulungkot na malamang iba ang kasama nito at hindi siya.

“Yunaline tara na.” yaya ni Malou.

Tumayo na rin siya matapos magligpit ng mga gamit niya.

Nasa labas na sila nang makasalubong nila si Reuben.

“Hi Yuna, Hi Malou.” Bati nito sa kanila.

“Hi” sabay nilang bati ni Malou.

“Sa cafeteria ba ang punta niyo?” Tanong nito.

“Oo, d’on din ba ang punta mo? Sabay ka na sa amin.” Si Malou ang sumagot.

“Sure, oo nga pala Yuna, may partner ka na ba para sa Christmas party?”

“Wa----“

“Meron na.” Si Atheros ang sumagot. Laking gulat niya dahil sa sinagot nito.

“Anong meron na?” tanong niya.

“Meron ka na naman talagang partner ‘e, Ako.” Nakangiting sagot nito.

“Ikaw, paanong nagging ikaw? Diba may partner ka na, y’on ang sinabi mo sa classmate natin.” nagtatakang tanong niya.

“Oo nga may partner na ako, Ikaw ang partner ko.”

“Teka nga paano ako nagging partner mo? Hindi mo nga ako niyayaya.” Naguguluhan na talaga siya.

“Basta, gusto ko ikaw ang partner ko.” Giit nito.

“Ah,Yuna mukhang may partner ka na pala.” Singit ni Reuben.

“Yes may partner na siya, Ako y’on.” Tila nagmamalaking sabi ni Atheros. “So ano Yuna, susunduin na lang kita sa inyo sa araw ng party ha, oo nga pala kukunin ko ang cellphone number mo.” Dagdag pa nito.

Pustahan Mahal kita...Tataya ka ba? (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon