Pustahan Mahal kita Chapter 6

119 3 0
                                    

Chapter 6

“Hi, Yunaline, kamusta ang date?” bungad na bati ni Malou. Vacant niya ng mga sandaling iyon si Malou naman ay walang prof kaya kasama niya ito. Nasa ilalim sila ng punong mangga ng mga sandaling iyon.

“Anong date?” nagtatakang tanong niya.

“Sus! Kunwari pa, edi syempre ninyo ni Atheros.”

“Hindi iyon date, tutorial iyon.” Pagtatama niya.

“Kahit ano pa y’on basta magkasama kayo ni Atheros.”

“Bahala ka nga.”

Nagulat si Yuna maging si Malou nang may biglang lumapit na lalaki sa kanila.

“Hi, Yuna.” Nakangiti nitong bati.

Hindi pamilyar kay Yuna ang mukha ng lalaking nasa harapan.

“Sino ka?” tanong niya.

Tumawa ang lalaki bago nagsalita.

“Grabe ka naman Yuna, nakalimutan mo na ako, ako ‘to si Reuben, iyong kababata mo.” nakangiti nitong sabi.

Tinitigan niya muna ng mabuti ang lalaki sa harap niya hanggang sa maalala niya na ito. Yes, si Reuben ang kababata niya na inaasar niyang palito noon dahil sa payat nagkahiwalay lamang sila dahil napagdesisyonan ng magulang nito na manirahan sa ibang bansa, hindi niya ito nakilala ngayon dahil ang laki ng pinagbago nito, nagkalaman na ito ngayon hindi tulad dati na sobrang payat, napansin niya din na gumwapo ito ngayon pwede na nga itong masabing isang Heartthrob din.

“Ang laki ng pinagbago mo a, hindi ka na palito.” Pang-aasar niya.

“Grabe ka naman Yuna, wala ka pa rin pinagbago.” Nakangiti nitong sabi.

“Ano palang ginagawa mo dito? Dito ka na mag-aaral?” tanong niya rito.

“Yup, pauwi na nga sana ako kaya lang nakita nga kita.”

“Wow! Talaga?” excited na sabi niya, namiss niya talaga ang kababata niyang ito dahil ito ang kasa-kasama niya noon sa mga kalokohan niya.

“Ahmmm! Excuse me, nandito pa ako.” Sabat ni Malou.

“Ay! Oo nga pala Reuben, si Malou, bestfriend ko.” Pakilala niya kay Malou.

“Hi, Nice meeting you.” Nakangiti nitong sabi.

“Hi din.” Kinikilig na sabi ni Malou.

“Ahmmm, sige mauna na ako sa inyo ha,bukas pa kasi ang start ng klase ko.” Paalam nito.

“Sige, Ingat.” Paalam niya rin dito.

Nang makaalis ito ay wala naman ang poknat ng tili ni Malou.

“Yunaline, kababata mo talaga iyon? Ang gwapo naman” kinikilig na sabi nito.

“Teka! Diba si Atheros ang crush mo?”

“Sayo na iyong si Atheros e.”

“Wala kaming relasyon ni Atheros.” Giit niya.

“Talaga lang ha, nag-date na nga kayo e.”

“Hindi nga sabi date iyon.”

“Oo na, Oo na, Hindi na iyon date, tutorial y’on sabi mo e.”

Napailing na lamang siya sa sinabi ng kaibigan.

“Good morning Yuna.”

Nalingunan nito si Atheros.

“Good morning.” Bati niya dito. Nakita niyang natulala ito. “Bakit anong meron?” tanong niya.

“Wala naman, hindi ka kasi nagsungit ngayon, nanibago lang ako.” sagot nito.

“Bakit may dahilan ba para magsungit ako?”

“Wala naman, papunta ka na ba sa room, sabay na tayo.” Yaya nito

“Hindi e, may dadaaanan pa kasi ako.”

Nakita niyang kumaway si Reuben habang papalapit sa kanila.

“Hi, Yuna.” Bati nito.

“Hi, Nga pala Reuben si Atheros, classmate ko, Atheros si Reuben kababata ko” pagpapakilala niya sa dalawang binata sa isa’t isa.

“Hi, nice meeting you pre.” Bati ni Reuben kay Atheros.

Isang tango lamang ang nagging sagot ni Atheros.

“So Tara na Yuna.” yaya ni Reuben.

Sumunod naman si Yuna kay Reuben, at naiwan mag-isa si Atheros.

Sinundan na lang nang tingin ni Atheros sina Yuna at Reuben.

Tsss. Pinagpalit daw ba ako sa isang iyon.

Sabi niya sa sarili.

Bigla naming lumabas kung saan ang dalawa niyang kaibigan.

“Mukhang naunahan ka na ng transferre na iyon dude.” Pang-aasar ni Naujin.

“Kababata niya lang iyon.” sagot niya.

“e diba kalimitan ng mga magkakababata sila iyong nagkakatuluyan.” Panggagatong ni Cliff sa pang-aasar ni Naujin.

“Hindi mangyayari iyon, hindi porke magkababata, sila na ang nakalaan para sa isa’t isa.” Inis na sabi niya.

“Oh! Parang may naaamoy akong kakaiba, parang may nasesense ako na may isang tao na nagseselos ngayon.” Pang-aasar ni Cliff.

“Hindi ako nag-seselos.” Giit niya.

Nagkatinginan naman ang dalawa niyang kaibigan, at ngumiti ng makahulugan.

“Wala naman kaming sinabi na ikaw y’on a, tinamaan k aba pre?” pang-aasar ni Cliff

“Bahala nga kayo diyan, papasok na ako.” At iniwan niya na ang dalawa niyang kaibigan na hindi pa rin maalis ang mga ngiti.

Pustahan Mahal kita...Tataya ka ba? (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon