Pustahan Mahal kita Chapter 3

173 2 0
                                    

Chapter 3

Naabutan ni Yuna si Malou na mukhang inip na inip na sa kakahintay sa kanya.

“Sorry late ako.” Hinging paumanhin niya.

“Saan ka ba galing? Bakit ang tagal mo?” sunod-sunod na tanong nito.

“Sorry ,kinausap pa kasi ako ni Sir. Oliveros “ ang tinutukoy niya ay ang kanilang prof sa Marketing.

“Ano naman pinag-usapan niyo?”

“Wala naman, gusto niya lang e-tutor ko si Atheros.”

“What!? E-to-tutor mo si Atheros, ibig sabihin makakasama mo siya ng madalas?” tila manghang-manghang sabi nito.

“Parang ganoon na nga.”

“Wow! Ang swerte mo naman Yuna, mabuti ka pa. Parang ito na rin siguro ang daan para naman maka-appreciate ka ng lalaki, malay mo dahil sa madalas kayo magkasama ay ma-fall kayo sa isa’t isa.” Kinikilig na sabi nito.

“Teka! Akala ko ba gusto mo siya. Bakit parang pinagtutulakan mo siya sa akin.?”

“Ok lang iyon, kaibigan naman kita e, kung kayo talaga ang nakatadhana wala akong magagawa.”

“Ang OA mo Malou, malabong mangyari iyon ‘no. Hindi ako magkakagusto sa playboy na iyon.”

“Hindi rin natin masasabi iyon, hindi natin hawak ang ating kapalaran.”

Napangiwi na lamang si Yuna sa sinabi ng kaibigan, minsan talaga weird ito.

“Tara na nga kumain na lang tayo, gutom lang iyan Malou.” Hinila niya na ito papunta sa bakanteng upuan.

“Totoo naman ang sinabi ko a.” Giit nito.

“Gutom nga lang iyan.” Nasa bakanteng upuan na sila.

“Bahala ka nga kung ayaw mong maniwala, wag kang magsisisi sa huli.”

Ngiti na lamang ang nagging sagot niya.

Naabutan ni Atheros sina Naujin at Cliff sa tambayan nila.

“Ang tagal mo naman dumating.” Bungad ni Naujin.

“May inasikaso lang ako.” Sagot niya.

“Tungkol ba sa pustahan natin? Talagang gagawin mo lahat para manalo a.” Sabi naman ni Cliff.

“Syempre naman, ayoko yatang matalo sa inyo no.”

“Good Luck na lang pre, hindi mangyayari iyon.”  Nakangiting sabi ni Naujin.

“Ahmm, mga dude mukhang may bisita tayo a.”

Sabay sila ni Naujin na lumingon sa likuran dahil sa sinabi ni Cliff.

And they saw Limartha, she was his ex-girlfriend back in Highschool. Sa lahat ng mga nagging ex niya ito lang talaga ang matibay na hanggang ngayon ay pinipilit pa rin makipagbalikan sa kanya. Nagbreak sila dahil nahuli niya itong nakikipag-flirt sa ibang lalaki.

“Hi, nakaistorbo ba ako sa inyo?” Bati nito.

“Hindi naman, ano palang kailangan mo?” siya na ang sumagot.

“Ahmm, busy ka ba next week Athe? Magpapasama sana ako sayo bumili ng gift para kay mommy.”

“Bakit? Anong meron?” tanong niya.

“Ano ka ba naman Athe, nakalimutan mo na bang birthday ni mommy next week?”

“Oo nga pala pero sorry Li, may tutorial kasi ako next week.”

“Tutorial?” halos sabay na sabi ng mga kaibigan niya at ni Limartha.

“Yeah, bakit may problema kayo?”

“Kailan ka ba nagstart ng tutorial mo pre?” tanong ni Naujin.

“Oo nga kailan pa? Bakit wala kaming alam tungkol diyan?” si Cliff naman ang nagtanong.

“Ngayon lang” sagot niya.

“Sino naman ang magtuturo sayo Athe, kilala kita wala kang tiyaga sa mga ganyan.” Si Limartha na ang nagsalita.

“It’s none of your business Li.” Sagot muli niya.

“Si Yuna ba pre?” tanong ni Naujin.

“Yuna?” nagtatakang tanong ni Limartha.

“She’s Atheros classmate in his Marketing subject, she’s cute and smart.” Nakangiting sagot ni Naujin.

“I see, siya na ba ang bagong mong pinaglalaruan Athe?” tila nanghahamong sabi nito.

“Nope, she’s just a friend.” sagot niya.

“Ok, so mukhang busy ka nga, sige next time na lang siguro.”

“Ok” maikling sagot niya.

Umalis na si Limartha nang muling nagsalita ang kanyang mga kaibigan.

“So iyon pala ang sinasabi mong inasikaso” iiling-iling na sabi ni Cliff.

“Bilib na talaga kami sa iyo pre” si Naujin naman ang nagsalita.

Isang tipid na ngiti lamang ang nagging sagot niya.

Nasa library si Yuna ng mga sandaling iyon, abala siya sa pagrereview para sa quiz nila, vacant niya kasi ng mga sandaling iyon si Malou naman ay may klase kaya siya lang mag-isa.

“Hi”

Agad niyang nilingon kung sino ang dumating.

It was Atheros.

Ibinalik na lamang niya muli ang mga mata sa pagbabasa ng libro.

“Ang sungit talaga nito.” Hinila nito ang upuan sa tabi niya at doon umupo.

“Ano na naman bang kailangan mo?” tanong niya.

“About sa tutorial.”

“So kailan mo balak simulan?” nasa libro pa rin ang mga mata niya.

“next week” sagot nito.

“Ok” maikling sagot niya.

“Ano ba yang binabasa mo at hindi maalis ang mga mata mo diyan?”

“Quiz natin mamaya.”

“Ha? May quiz? Patingin naman.” Inilapit nito ang mukha kay Yuna.

Nagulat si Yuna sa ginawa ng binata, sobrang lapit na kasi ng mukha nito ngayon sa kanya. Amoy na amoy niya na ang panlalaking pabango nito. Lalo pa siyang nagulat ng bigla itong lumingon sa kanya at ngumiti. Nag iwas na lamang siya upang madistract sa ginawa ng binata. Hindi niya pa naman nararanasang mapalapit sa lalaki ng ganoon kalapit kaya bigla siyang natuliro.

“Ano bang ginagawa mo?” ilang na tanong niya.

“Nakikibasa” sagot nito.

“Alam ko pero bakit kailangan mo pang ilapit ng husto yang mukha mo.” Naiilang na talaga siya sa sitwasyon at nasa kanila na ang pansin ng lahat kaya upang matapos na tumayo na lamang siya.

“Saan ka pupunta?” tanong ng binata.

“Maghahanap ng magandang lugar para mag-review, iyong malayo sayo ang gulo mo kasi hindi ako makapag-aral ng maayos.” Palusot niya.

“Ganoon ba, pasensya na.” Tili nahihiyang ngumiti ito.

Tumango na lamang siya at nagtuloy-tuloy ng lumabas. Hindi niya alam kung ano ang naramdaman niya kanina, bigla kasing bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa ginawa ni Atheros. At nawala na rin ang concentration niya sa pag-rereview kaya minabuti na lamang niya na mag-ikot ikot sa paligid.



Pustahan Mahal kita...Tataya ka ba? (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon