READ I COMMENT I VOTE I FAN ◕‿◕
Nakabold letter na ang mga dialogue ng character dahil naduduling ako pag y'ong normal lang..heheh
________________________________________________________________________
*Yuna's POV*
Nakarating agad kami ni Atheros sa bahay nila, wala naman kasing traffic.
Sa Sala
"Maiwan muna kita dito ha, may kukunin lang ako sa taas." Paalam ni Atheros pero bago ito umakyat ay may pahabol pa ito. "Nga pala wag ka makikipag usap kapag may lumapit sayong babae na sobrang ingay at gulo."
Ha? Babaeng maingay at magulo? Teka may ibang kasama si Atheros sa bahay bukod sa katulong nito at kay Ate Jenny?
Magtatanong pa sana ako kaso nakaakyat na ito.
Pero wala pang 5min may lumapit na sa aking babae, mukhang kaedad lang namin, maganda at medyo may pagkakahawig kay Ate Jenny.
"Hi, Ikaw ba si Yuna?" tanong nito.
"Ha? Ah! Oo, Bakit?"
"Hi, Ako nga pala si Odette, pinsan ako ni Kuya Atheros at nakababatang kapatid ni Ate Jenny." Napakahyper ng personality nito y'ong agad ang nakita ko dito kahit na ngayon ko lang siya nakausap.
"Hi." tipid na bati ko na lang.
"So ikaw pala y'ong Yuna na pinag uusapan nina Kuya Atheros at Ate Jenny." naupo na ito sa tabi ko.
"Ha? Pinag uusapan ako nina Atheros at Ate Jenny? Bakit?" curious na tanong ko.
"Ikaw y'ong nililigawan ni Kuya Atheros diba?"
What?!!!!!! Teka!!!! Nililigawan? Ako???? O__o
"Baka nagkakamali ka lang, magkaibigan lang kami ni Atheros." sagot ko.
"Ganoon ba? Pero diba ikaw si Yuna so ibig sabihin para sayo y'ong dress na binili ni Kuya Atheros."
Painosenteng tanong nito.
Wow! ha sumasakit ang ulo ko sa mga sinasabi nito, dress???? May biniling dress si Atheros para sa akin?
"Wag mo siyang baliwin, Odette." Nakatayo na si Atheros malapit sa hagdan.
Kanina pa kaya ito nandoon at narinig lahat ng sinabi ng pinsan nito?
"Di ko siya binabaliw kuya, nagsasabi lang ako ng totoo, uy! yan y'ong dress na para kay Yuna diba?" Ngumiti pa ito ng makahulugan bago lumingon sakin. "Sabi sayo 'e." kumindat pa ito.
Nagpapalit-palit ang tingin ko kay Odette, Atheros at sa paper bag na dala nito, mukha kasing pamilyar iyon sa akin.
"Here." Iniabot nito ang paper bag na hawak.
"Para sakin?" nakatitig lang ako sa paper bag na inaabot nito.
Nakita kong biglang namula ang mukha nito bago tumango.
Nagblush si Atheros???? Cute! :)
"Sige maiwan ko muna kayo ha mukhang nakakaabala na ako sa inyo." si Odette iyon.
Nang makaalis na ito ay lalo lang nag iwas ng tingin si Atheros.
Doon ko lang din naalala kong saan ko nakita ang paper bag na iyon.
BINABASA MO ANG
Pustahan Mahal kita...Tataya ka ba? (On Hold)
Teen FictionWalang pakialam si Yuna sa mga lalaki ang mahalaga lang kasi sa kanya ay ang kanyang pag-aaral ngunit nagbago ang lahat ng bigla na lang sumulpot si Atheros sa buhay niya. Ngunit kung kailan naman handa na siyang magmahal doon niya naman siya masasa...