Pustahan Mahal kita Chapter 27

123 2 0
                                    

*Yuna's POV*

"Guys wala daw si Sir ngayon, may meeting daw sila." sigaw ng isa sa mga classmate namin.

Mabuti na lang wala si Sir dahil makakaalis ako dito sa room, hindi ko na kasi kaya ang mga titig ng mga classmate ko..Kung nakakasakit lang ako titig siguradong duguan na ako sa sama ng titig nila.Mula ng umalis si Atheros at Odette sakin na napunta lahat ng tingin nila.

"Malou, tara na." 

Hindi ko na hinintay si Malou magsalita hinila ko na siya palabas.

"Yuna, totoo ba y'on? Nanliligaw na sayo si Atheros? Kelan pa?" sunod-sunod na tanong nito.

"Oo, n'ong Birthday party pa ni Ate Jenny" sagot ko habang nakayuko.."Sorry kung hindi ko agad nasabi sayo."

Haizt! Bestfriend ko hindi ko man lang nasabihan.

"Ano ka ba okay lang..So kailan mo siya balak sagutin?" 

????? Nyek! Akala ko naman galit na siya, di pala ....sasagutin????? Kelan nga ba?????

"Ewan ko."

"Ano ba namang sagot yan, Yuna.Gusto mo naman siya diba?"

"Oo pero....ano...eeeeee." hirap naman nito,

"Ano?"

"Hindi ko alam gagawin ko"

"Sabihin mo lang na 'Oo' then tapos na kayo na."

Wow! ha parang ang dali lang 'a pero ang hirap-hirap kaya..

"Pero alam mo naman na ayoko pa magkaboyfriend kasi----"

"Kasi gusto mo munang makatulong sa pamilya mo." pagpapatuloy nito sa dapat sasabihin ko.

"Alam mo naman pala 'e."

"Tatanda kang dalaga niyan,Yuna..ito na 'o confirm na, na may gusto sayo si Apple of the eye mo."

*sigh* Bakit parang ang dali lang dito ng lahat..Ang hirap-hirap nga.

"Uy! Nandito pala ang mang-aagaw."

Tatlong babae ang lumapit samin....Prinsesa ng mga Ambisyosa??? Ako ba y'on?..Wow! May kontrabida na agad 'a..Ang bilis naman ng balita parang kanina lang sa room lang ako halos mabuwang sa titig ng mga classmate kong babae, ngayon ito may handa ng mang-away sakin..haizt!

"Ahmmm, excuse me ako ba ako tinutukoy niyo?" tanong sa tatlo.

"May iba pa ba dito?" pagtataray ng parang pinaka-leader nila.

"Oo, Ako.Ano ako dito invisible?" si Malou.

Gusto kong matawa sa pambabara ni Malou sa tatlo halata kasing nagulat ang mga ito at nawala sa poise.

"Funny" tumawa pa ito ng fake, halatang pang-asar

"Thank you, buti napasaya kita." gumanti na rin ng pagtataray si Malou.

"Ikaw ba ang kausap namin ha?"

"Oo, tingnan mo nga kinakausap mo ako ngayon."

"Aba! How dare you to talk to me like that, hindi mo ba ako kilala?"

"Hindi, Bakit kilala mo rin ba ako?"

Pustahan Mahal kita...Tataya ka ba? (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon