*Yuna's POV*
"MU!" [Adopted to Ms. Sonia Francesca]
Nakangiting mukha agad ni Atheros ang bumungad sakin paggising ko.
"MU?"
"Magandang Umaga" sabi muli nito.
Gusto kong matawa sa kacorny-han ni Atheros....pero teka anong ginagawa nito samin ng ganoon kaaga????
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Nanliligaw" nakangiting sagot nito.
Nanliligaw????? hmmm...Naalala ko na, Oo nga pala iyon ang sinabi nito kagabi.Ang aga naman nito manligaw.
Napabalikwas ako ng may maalala....Hindi pa ako naghihilamos at nagsusuklay..Nakakahiya nakita niya akong magulo ang buhok, in short mukhang bruha.
"O Bakit? May problema ba?" tanong nito.
"Bakit naman kasi hindi ka nagsasabi 'e. tingnan mo nga hindi pa ako nakakapagsuklay." natatarantang sabi ko.
"Okay lang naman 'e ang cute mo nga tingnan para kang sinabunutan ng sampung bakla." tatawa tawa nitong sabi.
Binato ko 'to ng unan pero mas lalo pang lumakas ang pagtawa nito.
"Totoo naman 'e ang cute mo tingnan." sabi pa nito.
"Ewan ko sayo, bumaba ka na nga baka mabugbog lang kita dito." kinuha ko dito ang unan na kanina ay binato ko.
"Okay, You're so cute Yuna, Lalo na kapag nagagalit." tatawa tawa itong bumaba.
*pout* Kainis! pero....haizt! Hindi ko maiwasang hindi mapangiti.Tinotoo niya nga ay sinabi niya *smiles*
Masaya akong nag-ayos nang makababa ay nakita ko si Atheros na tumutulong kay Inay sa tindahan namin, noong isang linggo lang nagsimula si Inay magtinda dahil bakasyon naman minsan kami na ni Shamey ang nagbabantay kapag may ginagawa si Inay.
May isa lang akong napansin ng mga sandaling y'on...Bakit ang daming babae sa tapat ng tindahan namin...haizt! Bakit ba kahit saan dalhin ang lalakeng 'to hindi nawawalang ng tagahanga.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko ng makalapit na dito.
"Nagtitinda malamang" sagot nito.
I-untog ko kaya ito ngayon sa pader, pilosopohin ba ako.
"Alam kong nagtitinda ka pero parang awa mo naman wag mong sirain ang tindahan namin" bulong ko.
"Wala naman akong ginagawa 'a." pabulong din nitong sagot.
"Ikaw wala 'e yang mga yan." tinuro ko ba ang mga babae sa labas "Goodluck kung di nila masira tindahan namin mahawakan ka lang"
Tumawa lang ito.
"Kasalanan ko bang gwapo ako.Jealous?" Kumindat pa ito.
"Yabang mo din 'no at Bakit naman ako magseselos ha, upakan kita diyan 'e." hinampas ko pa ito sa balikat.
Tumawa lang ulit ito.
"Ang brutal mo ngayon,Yuna."
"Ewan ko sayo"
Pero hindi ko naman maitatanggi na gwapo talaga ito.
Dati pa man nakakasalubong ko na si Atheros sa School pero hindi ko naman inasahan na magiging close kami nito at.......liligawan pa ako..wala naman akong paki sa kanya noon dahil ang mahalaga lang naman sakin ay ang pag aaral ko.Yes I admit, nagagwapuhan ako dito noon pa man pero to think na mafafall in love ako sa kanya ay labas sa usapan......Until ito nga, nagging close kami...at naFall ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Pustahan Mahal kita...Tataya ka ba? (On Hold)
Подростковая литератураWalang pakialam si Yuna sa mga lalaki ang mahalaga lang kasi sa kanya ay ang kanyang pag-aaral ngunit nagbago ang lahat ng bigla na lang sumulpot si Atheros sa buhay niya. Ngunit kung kailan naman handa na siyang magmahal doon niya naman siya masasa...