Parang ang lame na ng ginagawa ko
hay! wala na ako maisip idugtong e
sa mga bumabasa nito, salamat :)
sana magustuhan niyo pa rin tong chapter na 'to
___________________________________________________________________________________
Chapter 7
Nasa isang bookstore sina Yuna at Reuben, nangako kasi si Reuben na sasamahan siyang bumili ng libro. Wala naman itong klase ng mga oras na iyon kaya sumama ito, siya naman ay maya-maya pa ang klase, katabi lang naman kasi ng School nila ang bookstore na pinuntahan nila kaya alam niyang hindi siya malelate.
“Reuben,Salamat sa pagsama a.” sabi niya dito.
“Wala iyon, para saan pa ang pagiging magkababata natin.” Nakangiti nitong sabi.
Pabalik na sila sa school ng mga sandaling iyon nang biglang sumulpot si Atheros sa harap nila.
“Atheros.” Iyon lang ang nasabi niya sa gulat.
“Tara na malelate na tayo, ang tagal mo naman bumili.” sabi nito.
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong niya.
“Hinihintay ka.”
“Hinihintay mo ako, bakit?” tanong muli niya.
“Ang dami mo namang tanong, halika na malelate na tayo.” hinila na siya nito.
Nilingon niya na lamang si Reuben upang humingi ng paumanhin, kumaway na lamang ito bilang tugon.
Magkahawak kamay silang naglalakad ni Atheros, gaya ng dati hindi na naman nito binitawan ang kamay niya, alam niyang dapat nagrereklamo na siya but she like the way Atheros holds her hand.
Hala! Ano ba ‘tong nangyayari sa akin? Bakit parang enjoy na enjoy pa ako?.
Tanong niya sa isip.
Nagulat na lamang silang dalawa ng binata ng biglang sumulpot sa harap nila si Limartha.
Uso ba ang bigla-biglang pag-sulpot ngayon?
Sabi niya muli sa sarili, kanina pa kasi bigla-biglang may susulpot sa harap niya, una si Atheros, ngayon naman si Limartha.
“Hi.” Bati nito, ngunit sa magkaharap na kamay nila ni Atheros ito nakatingin, agad niyang napansin ang isang matalim na titig mula rito.
“Sorry Li, pero wala kaming time makipagkwentuhan, malelate na kami sa klase namin.” Nilagpasan lamang nito si Limartha.
Nang makarating sila ni Atheros sa kanilang room, sa kanila na napunta ang lahat ng pansin ng mga kaklase nila, magkahawak kamay pa rin kasi sila, babawiin na sana niya ang kamay mula sa binata pero lalo lamang nitong hinigpitan ang pagkakahawak, hanggang sa makaupo ay hawak pa rin nito ang kamay niya. Binitawan lamang nito ang kamay niya nang dumating ang prof nila.
Papunta na sana si Atheros sa tambayan nila nang bigla niyang napansin si Yuna, kasama na naman nito si Reuben, at mukhang nagkakasiyahan pa ang dalawa.
Ano bang meron sa lalaking iyon, at gustong-gusto kasama ito ni Yuna?
Tanong niya sa isip. Naiinis na talaga siya kaya nilapitan niya ang dalawa na mukhang nagulat sa paglapit niya.
“Anong ginagawa mo ditto?” tanong ni Yuna.
“May tutorial pa tayo diba?” sagot niya.
“Tutorial?” tila nagtatakang tanong ng dalaga.
“Oo, kaya tara na.” Hinila niyang muli si Yuna.
Ang totoo, wala talaga silang tutorial nito pero ayaw niya lang na nakikita ito na kasama si Reuben.
Dinala niya si Yuna sa tambayan nilang magkakaibigan, halatang nagulat sina Naujin at Cliff dahil kasama niya ang dalaga.
“Hi, Yuna.” Bati ng dalawa niyang kaibigan.
“Hi” bati naman ni Yuna na halatang nahihiya.
“Ano palang ginagawa mo dito?” si Cliff ang nagtanong.
“May tutorial kami.” Siya na ang sumagot. “Kaya kayong dalawa, wag kayong magulo.” Dagdag pa niya.
Nagkatinginan na lamang sina Naujin at Cliff.
Hindi talaga maintindihan ni Yuna kung bakit nasa tambayan siya nina Atheros ngayon, bigla na lamang kasi siyang hinila ng binata at dinala doon, wala naman siyang maalalang may tutorial sila ngayon.
Naiilang pa siya ng mga sandaling iyon dahil nandoon din ang dalawang kaibigan nito, ngunit mukhang nakaramdam ang dalawa kaya nag-paalam ang mga ito na aalis muna sandali.
Naiwan silang dalawa ni Atheros.
“Anong lecture ba ang hindi mo naintindihan?” tanong niya.
“Inaantok ako.” Sabi nito sa pagitan ng paghikab.
“Anong---“ hindi niya na natapos ang sasabihin dahil bigla na lamang humilig sa kanyang balikat ang binata.”Ano bang ginagawa mo?” naiilang na tanong niya. Ang lapit kasi ng mukha nito ngayon sa kanya, na kapag nilingon niya ito siguradong maglalapit ang mga labi nila.
“Matutulog.” Sagot nito.
“Dinala-dala mo ako dito kasi sabi mo may tutorial tayo tapos ngayon tutulugan mo ako.” Inis na sabi niya.
“Ang sungit mo talaga.” sagot nito.
“Aba’t---“ sa inis nilingon niya ang binata pero wrong move dahil ngayon tuloy halos ilang pulgada na lamang ang layo ng mukha nila sa isa’t isa.
“Cute.” Nakangiting sabi nito, sabay pisil sa ilong niya.
Napatulala na lamang siya sa ginawa nito. Ito naman ay umalis na sa pag-kakahilig sa kanya, yumuko na lamang ito sa mesa at ginawang unan ang sariling nitong mga braso.
Napatitig na lamang tuloy siya sa binata na halatang nakatulog na, doon niya lamang ito natitigan ng maayos, ang haba pala ng mga pilik mata nito tinalo pa ang sa kanya, mukha itong anghel kapag natutulog dahil sa amo ng mukha nito, ang sarap-sarap tuloy titigan ng mukha nito, ang kilis din ng pisngi nito, hindi niya tuloy maiwasang hindi haplusin.
Ngayon lang naman ‘e, tsaka tulog naman siya kaya hindi niya mapapansin.
Sabi niya sa sarili, habang hinahaplos ang pisngi ng binata.
Teka! Bakit ko ba ginagawa ‘to? Nagkakagusto na ba ako sa mokong na ‘to? Hindi pwede..Erase..Erase..Erase!
sabi niyang muli sa sarili, pero hindi niya talaga maiwasang hindi haplusin ang pisngi nito. Maya-maya lamang ay nakadama na rin siya ng antok kaya nakisabay na rin siya sa mahimbing na pag-tulog ng binata.
BINABASA MO ANG
Pustahan Mahal kita...Tataya ka ba? (On Hold)
Teen FictionWalang pakialam si Yuna sa mga lalaki ang mahalaga lang kasi sa kanya ay ang kanyang pag-aaral ngunit nagbago ang lahat ng bigla na lang sumulpot si Atheros sa buhay niya. Ngunit kung kailan naman handa na siyang magmahal doon niya naman siya masasa...