Chapter 5
Manghang-mangha si Yuna sa bahay nina Atheros, mansiyon nga ang tamang description para dito dahil sa laki nito. Pero kahit ganoon pansin na pansin ang katahimikan sa bahay nito.
“Bakit ang tahimik? Nasaan ang magulang mo?” nasa sala sila ng bahay nito.
“Nasa Davao sila, ako lang ang nandito, mas gusto kasi nina papa na sa Davao na mag-stay para masubaybayan ang negosyo ng pamilya namin.” Sagot nito.
“Wala kang kasamang katulong?”
“Meron, pero day off nila ngayon kaya mag-isa lang talaga ako.”
“Kaya ba ikaw ang namili ng mga iyan.” Itinuro niya ang mga pinamili nito kanina.
“Yup.” Binuhat nito isa-isa ang plastic bag ng mga pinamili nito. “Maiwan muna kita saglit dito Yuna, dadalhin ko lang ito sa kitchen.” Nagtuloy-tuloy na ito sa pag-punta sa kusina.
Nagpaikot-ikot ang mata ni Yuna sa paligid ng sala, manghang-mangha talaga siya sa ganda nito, mamahalin din ang mga gamit doon, ngunit isang bagay ang mas nakakuha ng pansin niya, isang picture frame na may larawan ng isang cute na cute na bata na sa tingin niya ay nasa pito o walo taong gulang lamang. Agad niyang nakilala kung sino ang batang iyon dahil sa pamilyar na ngiti nito.
“Akalain mo y’on ang cute pala ng mokong na ‘to n’ong bata pa.” Aliw na aliw siyang nakatitig sa larawan nang may biglang tumikhim mula sa kanyang likuran.
Nakita niya si Atheros na nakatayo sa likuran niya. Nakabalik na agad ito? Bakit parang ang bilis naman?
“Ah! Ready ka na ba sa tutorial natin?” pag-iiba niya sa usapan para hindi na ito magtanong pa.
“Yup, Tara d’on tayo sa Study room.” nakangiting sabi nito.
Iginaya siya nito sa isang silid, manghang-mangha siya ng pagbukas nito ng pinto bumungad agad sa kanya ang madaming libro, ang ilan pa sa mga iyon ay mga hindi niya pa nababasa.
“You really like books ha.” Sabi nito.
Isang ngiti lang ang nagging tugon niya dito, pero agad niyang napansin na nag-iwas ito ng tingin.
Anong problema nito? May nagawa ba ako?
Sabi niya sa isip.
“Tara na simulan na natin ang pagtuturo sa akin, sayang ang oras.” Hinila siya nito palapit sa isang upuan. Umupo naman siya d’on, hinila naman nito ang upuan sa tabi niya at doon naupo.
Nagsimula na siya sa pagtuturo dito, kitang-kita niya dito na aliw na aliw ito sa pagtuturo niya, minsan pa nga nate-take down notes ito at kung minsan nagtatanong ito kapag may hindi maintindihan pero may mga pagkakataon na napapansin niyang tinititigan siya nito, lalo na kapag nag-eexplain siya, hindi niya tuloy maiwasang hindi mailang.
“Grabe, ngayon ko lang nagets lahat ng mga tinuro si Sir. Oliveros.” Sabi nito habang nag-uunat.
“Hindi ka kasi nakikinig.”
“Nakikinig ako, hindi ko lang talaga magets.” Palusot nito. “Nakakagutom pala ang ganito, ikaw Yuna, hindi ka pa ba nagugutom.” Tanong nito sa kanya.
“Hindi pa naman.” Sagot niya.
“Ganoon, pwes ako gutom na, maiwan muna kita dito saglit ha, kukuha lang ako ng makakain.” Paalam nito sa kanya.
“Sige.”
Pagkasabi niyon ay lumabas na ang binata.
Pakanta kanta pa si Atheros habang nagtitimpla ng juice at hinahanda ang black forest cake na binili niya kanina.
Medyo napagod talaga siya sa tutorial nila ni Yuna, at totoong ngayon niya lang talaga nagets lahat ng mga tinuturo sa Marketing subject nila. Thanks to Yuna.
Pag-akyat niya sa study room ay naabutan niya si Yuna na nakayuko, ginawang unan nito ang mga braso nito at mahimbing na natutulog, mukhang napagod ito ng husto.
Hindi niya maiwasang titigan ang mukha nito para kasi itong bata kung matulog, napakaamo ng mukha nito, walang mag-iisip na masungit ito.
Napapangiti na lamang siya tuwing naaalala ang mga pagtataray nito sa kanya pero ang hindi niya malimutan ay nang ngumiti ito sa kanya kanina, nang dahil sa gulat napaiwas tuloy siya ng tingin dito kanina.
Napansin niyang mukhang hindi kumportable para kay Yuna ang posisyon nito ngayon kaya minabuti niyang buhatin ito at dalhin sa kwarto niya upang makatulog naman ito nang maayos.
Nang ibababa niya na ito sa kama niya ay hindi niya maiwasang mapatingin sa mga labi nito.
Ano ba naman tong pumapasok sa utak ko? Tulog siya Atheros wag mong samantalahin.
Sermon niya sa sarili
Ngunit hindi niya talaga maiwasang hindi tumingin sa mga labi nito.
Para mawala ang mga temtasyong pumapasok sa isip niya minabuti na lamang niya na lumabas ng kanyang silid ngunit bago iyon hinalikan niya muna si Yuna sa pisngi, kung bakit niya ginawa iyon hindi niya rin alam.
Nagising si Yuna na nasa isang hindi pamilyar na silid, ang huling natatandaan niya ay nasa study room siya nina Atheros. Naputol ang kanyang pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Atheros.
“Nasaan ako?” tanong niya dito.
“Nasa kwarto ko.” sagot nito.
“Kwarto? Diba nasa study room ako kanina.?
“Yup, binuhat kita papunta rito, mukha kasing hindi kumportable y’ong posisyon mo kanina.”
Nahiya naman siya sa ginawa nito, binuhat pa talaga siya nito papunta sa kwarto nito para lamang makatulog siya ng maayos.
“Salamat, sana hindi ka na nag-abala pa, nakakahiya naman.” nahihiyang sabi niya.
“Wala iyon, ako nga ang dapat mahiya sa iyo e, dapat nagpapahinga ka lang ngayon pero binulabog pa kita para lang turuan ako.”
Pagkatapos niyon ay isang katahimikan ang namayani sa paligid nila.
BINABASA MO ANG
Pustahan Mahal kita...Tataya ka ba? (On Hold)
Teen FictionWalang pakialam si Yuna sa mga lalaki ang mahalaga lang kasi sa kanya ay ang kanyang pag-aaral ngunit nagbago ang lahat ng bigla na lang sumulpot si Atheros sa buhay niya. Ngunit kung kailan naman handa na siyang magmahal doon niya naman siya masasa...