*Atheros POV*
Spell Masaya…A-T-H-E-R-O-S..Yeah ako yun? Bakit? Kasi kami na ni Yuna (^____^)
Sabi ko dati liligawan ko si Yuna, I will make her fall for me para lang sa isang pustahan para sa halatang 5,000 pero nagbago ang lahat...I fell in love with her.
“ahmmm, Atheros dito na ang room ko” si Yuna, halata pa rin na naiilang pa rin ito at hindi sanay..Hindi ko naman siya masisisi kasi alam kong first time niya pa lang magkaboyfriend..at AKO yun..
“Ah, sige..sunduin na lang kita mamaya ha” sabi ko.
“Si—sige” nauutal pa nitong sabi.
Kiniss ko siya sa noo..namula na naman siya…heheheh
“Ingat sa loob” tumango lang si Yuna bago pumasok sa loob ng room.
Hinintay ko muna siyang makaupo bago ako umalis……..Ngayon??? Saan na ako pupunta??? *lakad sa hallway* ..Hindi ko naman makita sina Naujin at Cliff *sigh*
“Atheros!” si Naujin at Cliff yun…Bigla bigla na lang susulpot pero ayos lang at least may kasama na ako habang hinihintay si Yuna, ang totoo kasi yung klase lang kung saan classmate ko si Yuna ang klase ko ngayong araw.Wala kasi yung prof ko sa dalawang subjects ko ngayon.
“Saan punta mo ‘tol?” si Naujin.
“Sa tambayan sana, hahanapin ko dapat kayo ‘e pero nandito na kayo.” Sabi ko.
“Hi Atheros,Naujin, Cliff” may humarang saming mga babae.
“Hi” si Naujin at Cliff…Ako deadma.
“ahmmmm, Ano kasi pwede ba naming kayong mainvite ngayon?” nahihiya pang sabi nung parang leader nila.
“Okay, free ako ngayon” si Naujin ulit.
“Ako rin” si Cliff naman.
“Ikaw,Atheros?” tanong nung girl leader.
“Mag cecelebrate kami ni Yuna ngayon.”
“Celebrate?!” sabay na tanong nina Naujin at Cliff.
“Yeah, Bakit?”
“Para saan?” si Cliff.
“Sinagot niya na ako” sagot ko sa tanong ni Cliff.
O___O <- itsura nung mga girl ng marinig ang sinabi ko.
Si Naujin at Cliff naman nagkatinginan lang tapos nagngitian ng makahulugan.
“Sorry girls pero hindi pala kami pwede ngayon may papaaminin lang kami ngayon, sa susunod na lang ha” si Naujin na bigla na lang akong inakbayan at hinatak papalayo sa mga babae.
Sa tambayan…..
“Seryoso ‘tol” si Cliff.
“Oo nga, mukha ba akong nagbibiro ha?” tsk!
“So ibig sabihin ikaw ang panalo sa pustahan?” si Naujin habang nailing iling.
“Oo nga ‘no?” si Cliff din naiiling.
*sigh* Bahala na nga sila.
“Wala na akong paki sa pustahan natin” sabi ko halata namang nagulat ang dalawa kasi bigla na lang silang napatayo sa kinauupuan.
“Seryoso?” si Naujin na hindi pa rin makapaniwala.
“Dahil ba nainlove ka na talaga kay Yuna?” si Cliff na bumalik na sa pagkakaupo.
“Yup” wala namang masama kung aaminin ko ang totoo saka siguradong malalaman din naman nila agad yun.
“Mukhang tinamaan ka na ng pana ni Kupido ‘tol” si Naujin.
“Ako lang ba? How about you and Malou?” mukhang may nasabi ako na tumama kaya biglang napaiwas ito.
“Wag mo nga ibahin ang usapan” got it! Sabi na may something talaga dito at sa kaibigan ni Yuna.
Kung ano-anu pa ang napag usapan naming tatlo magging si Cliff ay nadamay sa usapang pag ibig “kuno” naming..ang awkward sabihin kasi lalake kami then ang pina uusapan naming ay about love.
1hr nap ala ang lumipas, siguradong tapos na ang klase ni Yuna.
“Mauna na ako sa inyo, pupuntahan ko lang si Yuna” paalam ko sa dalawa.
“Seryoso na nga talaga yan ‘a” tatawa tawang sabi ni Naujin.
“Ikaw kailan ka magseseryoso?” tanong ko sa kanya.
“O Shut up ‘tol..Hindi bagay sayo ang pagiging chismosa” alam kong umiiwas lang ito na napag usapan ang tungkol sa kanya at kay Malou.
Tatawa tawa na lang akong umalis..Mas gusto kong makita si Yuna kesa nakipag asaran lang sa kanila.
NOTE: I know, suuuuuuuuupppppeeeeeeeeeeeeeerrrrrrrrr Lame ng chapter na ‘to..Sorry…Comment l Vote pa rin sana kayo…Aning aning kasi si Author ngayon ‘e..Sorry talaga.
BINABASA MO ANG
Pustahan Mahal kita...Tataya ka ba? (On Hold)
Teen FictionWalang pakialam si Yuna sa mga lalaki ang mahalaga lang kasi sa kanya ay ang kanyang pag-aaral ngunit nagbago ang lahat ng bigla na lang sumulpot si Atheros sa buhay niya. Ngunit kung kailan naman handa na siyang magmahal doon niya naman siya masasa...