Chapter 14
*Yuna's POV*
*ring ring ring*
May tumatawag?
Si Atheros...........................
*Conversation sa phone*
"Hello"
"Hi Yuna."
"Bakit napatawag ka?"
"Wala naman...wala kasi akong magawa."
"Baliw ka na 'no, gabing-gabi na nambubulabog ka pa.Bakit ba gising ka pa?"
"Ikaw bakit gising ka pa?"
"Nauna akong magtanong."
"Wala nga kasi ako magawa.Ikaw bakit gising ka pa?"
"Dumalaw si Reuben dito samin, kakauwi niya nga lang 'e..teka bakit ba nagpapaliwanag pa ako sayo?"
"Ewan ko sayo, bakit nga ba?"
"Ewan...Matulog ka na lang."
"Ayoko pa."
"Matulog ka na nga."
"Ayoko pa nga."
"Pwes ako matutulog na."
"Edi matutulog na rin ako."
"Alam mo ang gulo mo."
"Bigla ko kasi narealize inaantok na ako."
"Baliw ka nga."
"Ang cute mo talaga, Yuna."
"Ewan, matutulog na ako.Good night."
"Sunduin kita bukas ha.Good night."
"Anong----"
*Busy tone*
*end of conversation*
Aba! ang walanghiya binabaan ako...
Ano daw susunduin niya ako bukas?
Para saan?
Makatulog na nga.
*KINABUKASAN*
"Ate gumising ka, nandiyan ulit yong gwapo mong bisita.
Gwapong bisita?
Si Atheros?????
Anong ginagawa n'on dito?
"Asan siya?"
"Nasa baba kanina pa.May date kayo Ate?"
"Wag kang imbento diyan, bumaba ka na nga mag-aayos lang ako."
"Uy! Magpapaganda siya para kaya kuyang gwapo sa baba."
Binato niya ang nakababatang kapatid ng unan.
"Manahimik ka nga diyan, nakakahiya pag narinig ka niya."
"Aray ko naman Atw, kailangan talaga may pagbabato saka ano naman kung marinig niya totoo naman diba?"
ngingisi-ngisi nitong sabi.
"Bumaba ka na sabi."
"Oo na bababa na po."
Pagkababa ni Shamey nag-ayos na ako
Ano kayang naisip ng isang y'on bakit pumunta pa dito...
Wala naman akong naalalang may tutorial kami...
Pagbaba ko naabutan ko ito na nakikipagkwentuhan kina Inay.
"Ano na namang kailangan mo dito? wala naman tayong tutorial 'a."
"Sabi ko naman sayo kagabi diba susunduin kita ngayon."
Oo nga pala nasabi niya y'on pero malay ko bang totoo pala y'on, akala ko trip niya lang.
"So ano ngang dahilan kung bakit ka nandito?"
"Gusto ko ng kasama mamasyal."
"at ako ang naisip mong isama, ano ako yaya mo? Ayoko nga, umuwi ka na"
"Di naman gan'on ibig kong sabihin 'e...gusto ko lang naman mamasyal kasama ka."
"Parang date kuya Atheros?"
si Shamey ang nagsalita.
Over talaga sa daldal ang batang 'to.
Nakakailang tuloy kay Atheros.
"Parang gan'on na nga."
"Narinig mo y'on Ate, Date daw.Niyaya ka ni Kuya Atheros ng Date."
Takte! daldal talaga....
"Shayme, wag kang magulo, halika na nga ng makapag-usap naman sila at nang hindi ikaw iyang salita ng salita diyan."
Go! Inay, buti na lang..
"Pero---"
"Halika na."
Wala ng nagawa si Shamey kundi ang sumunod.
Naiwan kaming dalawa ni Atheros, mukhang mas maganda na nandito si Shyme..nakakailang na kasi na kami lang.
"So tara na." aya ni Atheros.
"Pumayag na ba ako?"
"Please sumama ka na."
"At bakit ako sasama sayo?"
"Ganito kasi y'on, birthday ni Ate Jenny next week sakto namang umuwi siya n'ong isang araw kaya
gusto ko sana siyang bilhan ng regalo."
Ah! Gan'on naman pala 'e
"Okay."
"Pumapayag ka na?"
"Para naman pala kay Ate Jenny mo 'e."
"tsk. basta para kay Ate Jenny okay lang."
tila nagtatampong sabi nito.
"Ano magdadrama ka ba diyan o aalis na tayo?"
"sabi ko nga aalis na, tara na."
hinawakan nito ang kamay ko upang hilahin ako palabas.
BINABASA MO ANG
Pustahan Mahal kita...Tataya ka ba? (On Hold)
Novela JuvenilWalang pakialam si Yuna sa mga lalaki ang mahalaga lang kasi sa kanya ay ang kanyang pag-aaral ngunit nagbago ang lahat ng bigla na lang sumulpot si Atheros sa buhay niya. Ngunit kung kailan naman handa na siyang magmahal doon niya naman siya masasa...