Pustahan Mahal Kita Chapter 11

106 2 0
                                    

Chapter 11

Kung saan-saan na napunta si Yuna kakahanap kay Atheros pero hindi niya pa rin ito makita.

“Baka namalik-mata lang si Malou.” Sabi niya sa sarili.

“May hinahanap ka?”

Nagulat siya sa nag-salita, wala naman kasing taon sa paligid niya, nang lingunin niya ang nagsalita nakita niya si Atheros, kasama nito sina Naujin at Cliff.

“Hi” bati nang dalawa nitong kaibigan.

“Hi” balik bati niya.

“May hinahanap ka ba?” tanong ni Atheros.

“Ha? Wala naman, nag-iikot ikot lang ako.”

“Ah.”

“Bakit ang aga niyo ata pumasok?”

“Wala lang, napagtripan lang naming pumasok nang maaga.”

Tumango-tango na lamang siya.

“Ikaw, Yuna, bakit ang aga mo?” balik tanong ni Atheros.

Hindi kasi ako makatulog dahil sa halik mo kagabi.

Bigla na naman niyang naalala ang simpleng halik nito kagabi.

“Ahhhhh..Ano…Wala naman, naisip ko lang pumasok ng maaga.”

“Ah, ikaw lang mag-isa?”

“Hindi, kasama ko si Malou, nasa classroom lang siya, ayaw niya kasi ako samahan maglibot, tinatamad daw siya.” Palusot niya.

“Kasama mo si Malou?” biglang sumingit sa usapan si Naujin.

Tumango naman siya bilang sagot.

Iniwan naman sila bigla ni Naujin.

“Anong problema n’on?” tanong niya.

“Malay ko, ilang araw na ngang bukambibig niyang ang kaibigan mo.Mukhang may nakaraan sila ‘a.” sabi nito sabay kindat sa kanya.

Nailang naman siya sa ginawa nito.

“Baliw ka ba?”

Tumawa na lamang ito ng malakas.

Bigla niyang naalala ang kinuwento ni Malou sa kanya, ang lalaking minahal nito, ang kaibigan nito na matagal nang nawala na ngayon ay nagbabalik na.Si Naujin ang tinutukoy nito.

“Pre, Maiwan ko na muna kayo ha, may practice kasi kami ngayon.” Paalam ni Cliff.

“Grabe naman sila pre, bakasyon na bukas may practice pa rin.”

“Kailangan ‘e.”

Member kasi nang basketball team ng school nila si Cliff.

“Tayong dalawa na lang ang naiwan, wag mo sabihing aalis ka rin.”

“Baka ikaw, wala ka bang date?”

“Date?”

“Oo, date, ang isang playboy na kagaya mo di nawawalan ng kadate.”

Oooppppssss!!!! Ano ba yang bunganga mo Yuna.

Sermon niya sa sarili.

Pero parang baliwala lamang kay Atheros ang sinabi niya.

“Grabe ka naman Yuna, ganyan nab a ang tingin mo sa akin, hindi ko lang talaga sila matanggihan ‘no, sa gwapo ko ba namang ‘to ‘e.”

“Hindi rin makapal ang mukha mo ‘no.”

“Hindi naman, gwapo lang.” Nagbeautiful eyes pa ito sa harap niya, hindi niya tuloy maiwasang ngumiti.

“Nakita ko y’on.” Aliw na aliw na sabi nito.

“Ang ano?” tanong niya.

“Ngumiti ka, wag mong itanggi, nakita ko y’on, nakita nang dalawang mata ko.”

“Parang iyon lang.”

“Anong parang iyon lang, bihira lang kaya kitang makitang ngumiti, magkano kaya ang kada ngiti mo, siguradong yayaman ako pagbenenta ko y’an.”

“Mabebenta mo ba?”

“wag na lang pala, akin lang dapat ang mga ngiting y’an.”

May kung anong kilig naman bumalot sa puso niya ng marinig ang sinabi ng binata.

“Oo nga pala Yuna, pwede ka ba sa Sunday?” tanong ng binata.

“Ha? Bakit?”



“Magpapatutor sana ulit ako.”

“Tutor? Akala ko tapos na iyon.”

“Ha? Sino naming nagsabing tapos na, hanggat wala akong sinasabi na tapos na, tuloy pa rin ang tutorial natin.”

“Ah! Gan’on ba?.”

“Oo, so sa Sunday ha.”

“Di pa ako pumapayag.”

“Aba! Pumayag ka man o hindi tuturuan mo pa rin ako.”

“Bahala ka.”

At iniwan niya na ito mag-isa. Hindi niya naman mapigilan ang mapangiti.

Pustahan Mahal kita...Tataya ka ba? (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon