Pustahan Mahal kita Chapter 24

118 3 0
                                    

Sorry po kung ang bagal ko mag-UD..Dapat kahapon pa 'to 'e kaso nagloloko internet connection namin kaya ngayon lang nakapag-update..sorry po at salamat sa pagbabasa ng gawa ko *hug&kisses* :)

_____________________________________________________________________

*Yuna’s POV*

“Yuna, itimpla mo nga ako ng kape” utos ni Inay.

Sobrang laming na kasi ng panahon ngayon, malapit na kasing mag Christmas.

“Opo.”

Papasok na ako ng kusina, saktong baba naman ni Shamey.

“Hi,Ate.” Ngumiti pa ito ng pilya.

Alam ko na ang ibig sabihin ng mga ngiting y’on..Gusto niyang magkwento ako ng nangyari n’ong nasa bahay si Atheros.

Pero di ko gagawin y’on ‘no :P

“Magtimpla ka nga ng kape” utos ko ditto.

“Ayoko nga, ikaw inutusan ni Inay diyan ‘e”

“Ang sipag mo talaga ‘no.”

“Syempre naman, ako pa!” Proud pa ito sa katamaran nito.

Pagkatapos kong magtimpla, bumalik na agad ako sa sala.Naabutan ko si Inay na katatapos lang atang makipag usap.

“Inay ito na pong kape niyo, Sino po y’ong tumawag?” nilapag ko sa lamisita sa sala ang kape nito.

“Ang Tita Mange mo, pinapasabi niya na sa kanila na lang daw tayo mag-pasko at bagong taon parang Reunion na din daw dahil sa kanila na din  magpapasko at bagong taon ang iba nating kamag-anak.” Si Tita Mange ay kapatid ni Inay, may kaya rin ito sa buhay at sa Bulacan na nakatira kasama ang pamilya nito.

Sina Tita Mange pala ang pinuntahan ng mga ito ng pumunta silang Bulacan

“Talaga ‘nay? Wow! Makikita ko na ang iba nating kamag-anak.Gora ako diyan ‘nay.” Si Shamey iyon.

“Ayos lang naman pos akin ‘e, gusto ko rin naman po makita ang iba nating kamag-anak”

Tumango-tango naman si Inay.

“Kailan pala tayo aalis ‘nay?” si Shamey ulit.

“Gusto ko sana ay sa susunod na linggo na para naman makatulong din tayo sa paghahanda ng Tita niyo.”

Sa isang linggo? Sabagay sa susunod na sabado na nga pala ang Christmas.

“Gora tayo diyan ‘nay.Wit na pagtanggi Keri Bels na yan.” Si Shamey.

Ano daw? Wala akong naintindihan..Anong language y’on?

“Shamey wag ka nga magsalita ng pang-Alien.” Sabi ko.

“Di y’on salitang Alien,Ate. It’s Gay lingo.” 

“Kahit ano pa yan wala naman ako maintindihan.”

“Napakamanang mo pala,Ate.Di mo alam ang mga uso ngayon.”

Sinimangutan ko na lang ito para matigil na. Lumabas naman ito para siguro pumunta sa kapit bahay.

*After a minute*

*ring ring ring*

Si Atheros tumatawag..Anong meron?...Whaaa! Kinakabahan ako…Mula kasi ng pumunta siya dito sa bahay hindi na ulit kami nagkita at nagkausap…Ngayon na lang ulit..

*pindot sa call button*

“Hello” masiglang bati ng nasa kabilang linya.

“Hi, Bakit ka napatawag?”

“Wala naman, Namiss lang kita.”

Pwede bang mahimatay ngayon? As in ngayon na???

“Baliw ka din’no.Bakit ka nga napatawag?” syempre hindi ko ipapahalata na kinikilig ako.

“Ahmmmm, ano kasi may lakad ka ba sa Christmas?”

“Ha? May Family Reunion kami n’on ‘e nasa Bulacan ako sa Christmas at New Year.”

“Ay! Gan’on ba. Iinvite sana kita lumabas, parang date.”

Date? As in date talaga??? Hindi dahil sa tutorial??? Parang gusto ko na talagang himatayin..

“ Gan’on pa kaso may Family Reunion kami ‘e next week na nga ang alis namin hindi naman ako pwedeng mawala d’on minsan lang y’on.”

“How about before Christmas, I mean ngayong week.”

Ano bang isasagot ko gusto ko pero ayoko kasi baka mahalata na niya na may gusto ako sa kanya…

Seryoso ba talaga ito? Seryoso ba ito na panliligaw nito sakin? May gusto ba talaga si Atheros sakin?

Ang dami kong tanong..Haizt!

God sign please..Kapag may nakita akong Baboy na kulay Blue ibig sabihin n’on seryoso talaga si Atheros at papayag  akong makipagdate…

*thinking* hmmmmmmm..Wala namang baboy na kulay blue ‘a…

Bahala na nga si Batman.

“Ate, look ang cute n’ong alkansya na binigay n’ong kapitbahay natin” Si Shamey y’on, bumalik na ito galing syempre sa kapitbahay at may dala itong alkansiyang baboy na……………..color blue.

“Yuna, nandiyan ka pa rin ba?” tanong ni Atheros mula sa kabilang linya.

“Ha? Ah, Oo.Bakit?”

“I’m waiting for your answer.”

“Ah, Oo sige.” Nakatitig pa rin ako sa alkansiyang baboy na color blue

“Sunduin na lang kita sa inyo ha, Bye Yuna.”

“Okay, bye”

Pinatay na ni Atheros ang tawag.

Ako naman nasa alkansiyang baboy na color blue pa rin ang tingin…Gusto kong matawa..Sino bang nagsabing walang baboy na color blue…Posible rin pala ang sign na hiningi ko kahit na mukhang imposible.

Ang Weird talaga ng buhay.

 ________________________________________________________________

Ang baboy na color blue ayon sa gilid --------->

Pustahan Mahal kita...Tataya ka ba? (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon