*Yuna’s POV*
My 1st formal Date,well actually hindi naman siya totally formal date kasi sa Mall lang naman kami pupunta pero Kinakabahan ako. Ano bang ginagawa pag 1st Date?
Haizt! Ano ba naman ‘tong buhay ko, walang alam sa mundo.Naturingan pa naman honor Student simpleng bagay lang di ko alam..hmnf!
“Ate, nandiyan si Kuya Atheros sa labas.”
Ha? Nasa labas na si Atheros..Bakit ang bilis niya??? Teka….teka…..
Teka Bakit parang hindi ako kinukulit ni Shamey ngayon.
*tingin kay Shamey habang nakakunot ang noo*
“Wag mo akong titigan ng ganyan Ate, inaantok lang ako kaya wala ako sa mood kulitin ka.Pag uwi mo na lang.” Nahiga na ito sa kama. “Ingat na lang Ate, sige tulog na ako.”
Ah Kaya pala, sana araw-araw na lang siyang inaantok para hindi niya na ako kulitin ng kulitin.
“Kagigising mo lang kanina ‘a, matutulog ka na naman.” Sabi ko pero wala ng sumagot.
Tulog na agad si Shamey.
Hanep ang bilis makatulog nito ‘a.
Puntahan ko na nga si Atheros
*Sa labas ng bahay*
Nakita kong naghihintay si Atheros.
“Hi” bati nito ng makita ako.
“Hello” gosh! Bakit kinakabahan ako???? Aahhhh…
Adik ata ako ‘e.
“Shall we?” nakangiting yaya ni Atheros.
Relax Yuna, Relax..Inhale, Exhale…whoooo!..Kaya mo yan Yuna.
“Ha? Ah,si—sige.”
Nyek! Waepek pa rin, kinakabahan pa rin ako.
Sa loob ng sasakyan ni Atheros, wala kaming imikan.Ano ba pwede naming pag-usapan para naman mawala ‘tong ilang na nararamdam ko? *sigh*
“Ahmmmm…Yuna.”
Tinawag ba ako ni Atheros o guni-guni ko lang y’on?
“Yuna.” Tawag ni Atheros.
Totoo nga tinatawag niya ako.
“Bakit?” wow! Di ako kinabahan this time.
“Bakit pala pumayag ka sumama ngayon? Pagkakaalam ko kasi hindi ka sumasama sa mga lalake lalo na kung isang Date.”
Bakit sa dami ng pwedeng itanong y’on pa..Di ko tuloy alam ang isasagot..Bakit nga ba ako sumama bukod sa gusto ko talaga siya makasama, pero hindi ko naman pwedeng sabihin y’on dito.hmmmm…*isip* dahil sa…….
“Baboy na color blue” Opppsss! Nasabi ko bang baboy na color blue??? Eeeeee….hala!
Nilingon ko si Atheros, nakakunot ang noo nito habang nasa daan ang tingin.
“Baboy na---what?” tanong nito.
“Wala, wag mo na lang pansinin y’ong sinabi ko.”
Nakakhiya!!! Pahamak na baboy na color blue y’on.
“Baboy na color blue ba y’ong sinabi mo? Tama ba?” curious na tanong nito.
BINABASA MO ANG
Pustahan Mahal kita...Tataya ka ba? (On Hold)
Teen FictionWalang pakialam si Yuna sa mga lalaki ang mahalaga lang kasi sa kanya ay ang kanyang pag-aaral ngunit nagbago ang lahat ng bigla na lang sumulpot si Atheros sa buhay niya. Ngunit kung kailan naman handa na siyang magmahal doon niya naman siya masasa...