Pustahan Mahal kita Chapter 21

99 3 0
                                    

*Atheros POV*

Hindi ko akalain na mas lalo pang gaganda si Yuna sa suot nito ngayon, isang simpleng black tube dress lang naman ang binili ko pero bakit parang *sigh* I can't tell the right term for that.

Abala ito sa pakikipagkwentuhan kina Ate Jenny kaya natititigan ko ito ng maayos, kasama rin nito ang kaibigan na si Malou.

"Pre, wag mong titigan baka matunaw" si Naujin iyon.

"Wala akong tinititigan." tanggi ko.

"Wala daw 'e kanina ka pa nga namin nakikitang titig na titig kay Yuna, don't worry pre di yan mawawala sa harap mo." si Cliff naman iyon na hindi mapakali sa kinauupuan.

"Wag kang intrigero,Cliff baka gusto mong tawagin ko si Odette." 

Tumingin ito sa kinaroroonan ni Odette, at nakita kong lalo pa itong hindi napakali sa kinauupuan, gusto kong matawa sa itsura nito ngayon

Hindi ko alam kong ano ang ginawa ni Odette dito kanina kaya nagkaganito ito ngayon.

"Kamusta naman kayo ni Malou ngayon,Naujin?" nalaman ko kasi na may nakaraan ito at ang kaibigan ni Yuna noon, magkababata ito at si Malou pero nagkahiwalay ang dalawa dahil pinag-aral si Naujin sa States.Nalaman ko rin na may pagtingin si Malou dito, hindi sila nagkakilala noong una dahil malaki na ang pinagbago ni Naujin.

"We're good friends" sagot nito bago ininom ang inumin na hawak.

"Good friends daw, 'e parehas lang naman kayo ni Atheros na hindi maalis ang tingin sa mga y'on." tinuro pa nito si Malou at Yuna.

Alam na namin kung ano ang sinasabi nito at mukhang parehas rin kami ng iniisip ni Naujin ng sabay kaming sumigaw.

"Odette!!!!" 

Nakita naming hindi magkadaugaga si Cliff sa pagtayo nang makitang papalapit na si Odette. Halos gumulong na kami kakatawa sa itsura at reaction nito.

"Sh*t!!! Humanda kayo saking dalawa, makakabawi din ako." sabi nito habang hindi alam kung saan pupunta.

"Cliff san ka pupunta?" habol ni Odette si Cliff.

 Napatingin naman samin lahat ng tao sa party dahil sa lakas ng tawa namin.

"Anong nangyari?" nakalapit na pala sina Yuna at Malou.

"Wala naman, we're just having fun here." tatawa tawa kong sagot.

"Poor Cliff" si Malou iyon habang nakatingin kay Cliff.

Nakita kong biglang tumayo si Naujin.

"Wag mong titigan si Cliff, dudumi mata po." hinila nito bigla si Malou palayo.

Naiwan tuloy kaming dalawa ni Yuna.

Mukhang may interesenteng nangyayari ngayon kay Naujin 'a.

"Hindi mo ba tutulungan si Cliff?" tanong ni Yuna.

"Hayaan mo siya, malaki na si Cliff kaya niya na sarili niya." umayos na ako sa pagkakaupo. "Kamusta? Nag-eenjoy ka ba?" tanong ko dito.

"Ha? Oo naman kaso medyo naiilang ako kasi hindi naman ako sanay sa mga ganitong party." nahihiyang sagot nito.

Katahimikan na ang kasunod..........at hindi ako sanay ng ganito.

Pustahan Mahal kita...Tataya ka ba? (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon