*Atheros POV*
“Kuya, gising na tanghali na.” si Odette iyon.
Tanghali na pala, napahaba ata ang tulog ko.Babangon na sana ako pero sh*t ang sakit ng katawan ko.Nabigla ata sa dami ng ginawa kong gawain kahapon kina Yuna.
“Kuya!” nakapasok na si Odette, hindi naman kasi nakalock ang kwarto ko kaya nakapasok agad ito “Gising ka na pala, bakit hindi ka sumasagot?” naupo ito sa gilid ng kama.
“Wala ako sa mood makipagkulitan ngayon,Odette.Masakit ang katawan ko.” Tinatamad na sabi ko.
“Galing ka lang kina Yuna, sumakit na katawan mo.Binugbog ka siguro ni Yuna ‘no?” tumawa ito ng malakas.
“Shut up! Odette”
“Okay, gusto mong e-massage kita,Kuya?” lumapit ito sakin at menasahe ako.
Hindi na rin masama, medyo nawala ang sakit ng katawan ko sa masahe nito.
“Kuya,pwedeng humingi ng favor”
Sabi na nga ba may kapalit ang ginagawa nito.Tsk!
“Ano y’on?”
“Pwede ko bang makuha ang number ni Cliff, please!.Hindi niya kasi binigay sakin n’ong party ni Ate Jenny.”
Napabangon naman ako bigla.
“No, hindi pwede.” Dahil siguradong magagalit y’on kapag binigay ko dito ang number niya.
“Bakit naman hindi pwede?” paawa effect pa ito.
“Basta hindi pwede.” Pagmamatigas ko.
“Basta kukunin ko number niya sayo.” Bigla nitong kinuha ang cellphone ko na nakapatong lang sa table malapit sa kama ko.
Bakit ba di ko naisip na itago y’on.Aagawin ko sana dito cellphone pero dahil sa sakit ng katawan ko hindi ako makakilos ng maayos,kaya ang resulta nakuha nito ang number ni Cliff.
Bahala na nga si Cliff ditto.Goodluck na lang din sa kanya.
“Thanks kuya, love you.” Binalik na nito ang cellphone sa kinalalagyan nito kanina.
“Atheros, pre” si Naujin iyon, lumingon it okay Odette “Hi,Odette.”
Anong ginagawa nito samin?
“Hi,Kuya Naujin.Asan si Cliff?” tumingin tingin pa ito sa paligid, nagbabakasaling makita si Cliff.
“Wala siya ‘e hindi sumama, nagtatago pa rin ata.” Tatawa tawa nitong sabi.
“Ganoon ba? Bakit naman siya magtatago hindi ko naman siya gagahasain ‘a.” nag-pout pa ito na parang nagtatampo na ewan.
Natawa na lang si Naujin.
“Maiwan ko na muna kayo mga Kuya ha.” Paalam ni Odette, lumabas na ito.
“Ayos din y’ong pinsan mong y’on ‘a hindi talaga tinantanan si Cliff” natatawa nitong sabi.
“Ano palang kailangan mo,Naujin?” tanong ko.
“Wala naman, nakakainip lang sa bahay kaya naisip kong pumunta sa inyo.” Naupo ito sa gilid ng kama.
“Ayos ‘a, wala ako sa mood maggala ngayon pre masakit ang katawan ko.” Bumalik na ako sa pagkakahiga sa kama.
“Ano namang ginawa mo?”
“Wala naman, nagging slave lang ni Yuna for one day. And take note naghugas ako ng plato, I cooked for her, nag-igib din ako, and even clean their house.” Binilang ko pa sa daliri lahat ng mag ginawa ko.
Natawa naman ito sa mga narinig.
“Ayos pre seryoso na ba ito ha? Pwede ka naman kasing magbigay na lang ng flowers and chocolates.” Natatawa pa rin ito.
Pero may point ito, Oo nga naman I can give her flowers and chocolates instead of being her slave. Ano ba naman kasi ang alam ko sa panliligaw.
“Ano pre nagsisisi ka na ba?”
“Lol! Hindi ‘no, atleast iba ako.” Sagot ko na lang.
“Hahahahah, Ikaw na pre”
“Syempre, ayoko atang matalo sa pustahan.”
“Oo na, Oo na.” natatawa pa rin ito.
*ring ring ring*
May tumatawag? Sino naman ang tatawag sakin ngayon.
Inabot ko ang cellphone ko na nasa table lang naman.
“Hello.” Sabi ko sa nasa kabilang linya.
“Dude, I’m gonna kill you!!!! Bakit mo binigay ang number ko sa pinsan mo?!” galit na sabi ng nasa kabilang linya.
So si Cliff pala y’on. Siguradong binulabog na ito ni Odette.
“Hindi ko binigay ang number mo kay Odette, siya ang kumuha sa cellphone ko.”
“Pero bakit mo hinayaan, Sh*t!”
Gusto ko ng matawa dito, ganoon na ba kameserable ang dinanas nito sa pinsan ko para iwasan nito iyon todo-todo.
“Well, wala na akong magagawa.” Sabi ko na lang.
“I’m gonna kill for this,Atheros!” Pinatay na nito ang tawag.
“Sino y’on?” tanong ni Naujin.
“Si Cliff, mukhang binulabog na siya ni Odette.” Natatawa kong sabi.
“Ang lakas talaga ng topak niyang pinsan mo.”
“Yeah, I agree kahit ako hindi makawala sa kakulitan ng isang y’on.”
“Mukhang may exciting na mangyayari kay Cliff ngayon ‘a.”
“Si Cliff lang ba?” tanong ko dito.
“What do you mean?”
“I mean, You and Malou.So anong meron sa inyong dalawa?”
“We’re just friends gaya ng sinabi ko sa inyo.”
“Really? Friends lang ba talaga?”
“Yup, friends that’s it.” Sagot nito pero nagdududa ako sa sagot nito.
“Then bakit ka nagselos n’ong nakita mong tinitigan ni Malou si Cliff noong party.”
“I’m not jealous.Hindi ako nagselos,Okay?” tinitigan ako nito ng masama.
“E bakit mo siya biglang hinila palayo, nakita ko y’on”
“Wala, pwede ba Atheros hindi bagay sayo ang pagiging tsismoso.” Naiirita nitong sabi.
So that’s it, tama ang hinala ko may something nga between Naujin and Malou.
“Ikaw, anong meron sa inyo ni Yuna at naisip mo pang magging slave niya for one day?” sakin naman napunta ngayon ang hot seat.
“Wala, alam mo naman ginagawa ko y’on para sa pustahan natin.”
“Dahil lang ba talaga d’on.” Ngumiti pa ito ng nakakaloko.
“Yup, dahil lang d’on.” Sagot ko.
Wala naman talagang ibang dahilan para gawin ko ang mga bagay na iyon kundi dahil sa pustahan namin.Ayoko atang matalo ‘no.
BINABASA MO ANG
Pustahan Mahal kita...Tataya ka ba? (On Hold)
Teen FictionWalang pakialam si Yuna sa mga lalaki ang mahalaga lang kasi sa kanya ay ang kanyang pag-aaral ngunit nagbago ang lahat ng bigla na lang sumulpot si Atheros sa buhay niya. Ngunit kung kailan naman handa na siyang magmahal doon niya naman siya masasa...