Pustahan Mahal kita Chapter 9

116 4 0
                                    

Whaaaaa!!!! beat ko 'tong chapter na to..heheheh

kinikilig ako dito, y'on ay sa opinyon ko, sa inyo di ko alam ^_^

Oo nga pala, kung may mga napuna man po kayong mali sa gawa ko, mag-comment lang po kayo, maganda man o hindi y'ong sasabihin niyo ok lang basta alam ko kung ano opinyon niyo sa ginagawa ko.

Alam ko hindi siya kasing ganda kagaya ng gawa ng iba pero salamat sa mga nagbabasa :) .. 

_____________________________________________________________

Chapter 9

Nagbabasa si Yuna ng lecture nila nang biglang tumabi si Malou sa kanya.

“Yunaline may susuotin ka na ba bukas?” tanong nito.

Bukas na kasi ang Christmas party nila.

“Wala pa.” Sagot niya.

“Ha? Anong wala pa” gulat na tanong ng kaibigan.

“Bakit kailangan pa bang bumongga bukas?”  tanong niya.

“Oo naman ‘no, tapos ang partner mo pa si Atheros, gusto mo bang makuha siya ng ibang babae ha.” Iritang sabi nito.

“Bahala siya kung sasama siya sa iba.”

“Ewan ko sayo Yuna.” Sabi nito na may kung anong iniisip. “Alam ko na pumunta ka sa bahay namin bukas.” Sabi nito.

“Ano naming gagawin ko sa inyo?” tanong niya ditto.

“Ako nang bahala sa susuotin mo, ako na din ang mag-aayos sayo, nakakaloka ka kasi.”

“Bahala ka.” Sagot niya.

*Kinabukasan*

“Yunaline buti na lang dumating ka.” Tili ni Malou.

“Wala naman ako magagawa ‘e, siguradong paghindi ako pumunta bubulabugin mo ako sa amin.” Kabisado niya na kasi ang ugali nito.

“Good” nakangiting sabi nito.”tara na sa taas para makapamili ka na nang damit.” Yaya nito.

Sumunod naman siya dito sa taas.

Sa kwarto nito sila tumuloy, agad naming binuksan ng kaibigan niya ang cabinet nito, iba’t ibang dress ang laman niyon, may kaya sa buhay ang pamilya ni Malou kaya kahit papaano nasusunod ang luho nito.

“Yunaline pumili ka na.” nasa tapat ito ng cabinet nito. Lumapit na rin siya ditto upang makapili ng susuotin. Kinuha niya ang isang black dress pero binawi agad ito ng kaibigan niya.

“Wag y’an, ito ang mas bagay sayo.” Kinuha nito ang isang red dress. “Sigurado akong mas babagay sayo ‘to.” Dagdag pa nito.

“Pinapili mo pa ako, ‘e ikaw din naman ang pipili.” Sabi na lamang niya, ngumiti na lamang ito.

“Sige na sukatin mo na ‘to.” Hinila siya nito papuntang cr.

Sinunod na lamang niya ito dahil siguradong kukulitin lang siya nito at hindi titigil hanggang hindi siya napipilit.

Paglabas niya ng cr ay hindi naman mapuknat ang ngiti ni Malou.

“I knew it, sabi na at babagay sayo itong red dress na y’an ‘e.” hindi pa rin mawala ang ngiti nito.

“Hindi ba daring tingnan.” Medyo naiilang kasi siya sa suot niya.

“Ano k aba ang sexy mo nga tingnan sa suot mo ‘e.”

Buntong hininga na lamang ang sagot niya.

“Next, make-up.” Ganadong sabi nito.

“Kailangan pa ba talaga mag-make-up pa?” tanong niya.

Pustahan Mahal kita...Tataya ka ba? (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon