Chapter 10
Sa classroom, tulala pa rin si Yuna kakaisip sa naganap kagabi, walang tao nang mga sandaling iyon dahil maaga pa,at last day na nang klase nila siguradong kaunti na lamang ang papasok ngayon, maaga lang talaga siyang pumasok, hindi kasi siya makatulog nang maayos kakaisip tungkol sa paghalik ni Atheros sa kanya, halos nagtilaukan na lahat nang manok sa kanila nang makatulog siya, kaya ngayon puyat na puyat siya.
“Hoy! Yunaline, saan ka na ba nakarating ha?” si Malou ang nagsalita.
“Ha?” nagtatakang tanong niya.
“Wala, ang layo kasi niyang iniisip mo? Ano ba yan ha? Share ka naman diyan.” Pangungulit nito.
Pero nananatili pa ring malayo ang isip niya. Narinig niyang bumuntong hininga si Malou.
“Nanggaling ka lang sa Christmas party kagabi nagkaganyan ka na.” puna nito.
Biglang siyang may naalala dahil sa sinabing iyon ni Malou.
“Oo nga pala Malou bakit wala ka kagabi ha, hinahanap ka ni Naujin, magkakilala ba kayo?” tanong niya.
Napansin niya na agad nag-iwas nang tingin si Malou.
“Hindi ‘no, tinamad na kasi ako pumunta kagabi kaya wala ako, teka! Bakit ba ako ang tinatanong mo, ako ang nagtatanong dito ‘e, magkwento ka naman nang nangyari kagabi.” Pagiiba nito sa usapan.
Mukhang may itinatago sa kanya ang kaibigan niya, pero hindi niya na muna ito uusisain dahil masking siya ay may problemang dapat tapusin.
“Malou, ano bang feeling nang naiinlove?” tanong niya kay Malou na mukhang nagulat sa sinabi niya.
“What do you mean? Inlove ka,Yunaline? Kay Atheros ba?” sunod-sunod na tanong nito.
“I don’t know, hindi ko alam kung inlove na ba ako or what? Ni hindi ko nga alam kung ano ang feeling nang naiinlove ‘e.” naguguluhang sabi niya.
“Mahirap nga iyan, let’s say, masasabi mong inlove ka kapag lagi mo siyang iniisip, kapag malapit siya bumibilis ang tibok nang puso mo, masaya ka tuwing kasama siya, kahit na minsan nakakainis siya mas pipiliin mo pa ring nasa tabi ka niya.” Mahabang paliwanag nito.
Napaisip siya sa mga sinabi nang kaibigan,aminado siya na lately lagi niyang iniisip si Atheros, tuwing malapit din ito bumibilis ang tibok nang kanyang puso, at kahit naiinis siya dito gusto niya pa rin itong nakikita at nakakausap. Inlove na nga ba talaga siya? At ang sagot ay Oo, inlove na siya kay Atheros.
“Malou, I think I’m inlove.”Pag-amin niya sa kaibigan.
Isang ngiti naman ang isinagot nang kaibigan niya.
“I told you, sabi ko na nga ba ‘e, finally nainlove ka na rin.” Masaya nitong sabi.
“Pero natatakot ako, paano kung hindi niya ako gusto.” Kinakabahang sabi niya, bago siya sa nararamdaman niya, kaya takot siyang masaktan.
“Hindi natin malalaman kung hindi mo siya tatanungin.”
“What!? Tatanungin ko siya?, No way!” pagtutol niya.
“Relax, hindi naman ngayon ‘e, pakiramdaman mo siya, if sa tingin mo mutual ang nararamdaman niyo then go.” Payo nito.
“Pero----“
“You can do it, Yunaline, matalino ka, kaya mo yan.”
Isang buntong hininga na lamang ang nagging sagot niya.
Kaya ko nga ba?
Tanong niya sa sarili.
“Ikaw Malou, naranasan mo na bang ma-inlove?” tanong niya sa kaibigan.
Halatang nagulat ito.
“Syempre naman ‘no.” Sagot nio.
“Y’ong seryoso ha, hindi y’ong crush lang.”
Tila nag-isip muna nang malalim ito bago sumagot.
“Oo naman.” Sagot nito.
“Kanino?”
“Teka! Bakit sakin na napunta ang usapan.”
“Sagutin mo ako, Malou.” Sabi na lamang niya, alam niyang may itinatago sa kanya ang kaibigan niya. Nararamdaman niya iyon dahil ilang araw na rin niyang napapansin na tila may pinoproblema ito.
“Sa isang kaibigan, matagal nang kaibigan na ngayon ay nagbabalik.” Sagot nito.
“Kaibigan? Matagal nang kaibigan na ngayon ay nagbabalik?” nagtatakang tanong niya, wala naman kasi siyang kilalang lalaking kaibigan nito.
“Oo...teka! tigilan na nga natin ‘to, ikaw ang may problema ngayon.”
“Ako nga lang ba?” tanong niya.
Natahimik naman ito.
“Kung may problema ka Malou nandito lang ako” sabi na lamang niya.
“Alam ko, teka! Nakita mo na ba ngayon si Atheros?”
“Hindi pa, alam mo naman iyon di pumapasok nang maaga.”
“Kung sabagay.Magkwento ka naman nang nangyari kagabi.”
Kinuwento niya lahat nang nangyari noong Christmas party, maging ang paghalik ni Atheros sa kanya. At gaya nang inaasahan, manghang-mangha si Malou sa mga narinig.
“WOW!!!! Talaga Yunaline, so I therefor conclude may gusto rin siya sa iyo.” Sabi nito.
“Sa tingin mo?”
“Oo naman, bakit ka niya hahalikan kung wala siyang gusto sayo.”
“Playboy siya.”
Natahimik naman ito.
Iyon ang isa pa sa iniisip niya paano kung pinaglalaruan lang siya nito.Kilala pa naman si Atheros sa pagiging playboy.
“Malay mo naman nagbago na siya, may nakikita ka bang umaaligid na babae sa kanya ha?” sabi muli ni Malou.
“Wala naman, bukod kay Limartha.”
“Limartha, sino iyon?”
“Ang pakilala niya sa akin, ex daw siya ni Atheros.”
“Sus! Ex na naman pala ‘e, pinapansin naman ba ni Atheros ha?”
“Hindi, iniiwasan niya pa nga ‘e.”
“Y’on naman pala ‘e.”
“Tingin mo nagbago na talaga siya?”
“Sa mga nakikita at sinasabi mo, sa tingin ko,isang malaking OO.”
Hyper na naman ang kaibigan niya.Pero tila may napansin ito.
“Si Atheros y’on ah.” Biglang may itinuro ito sa labas ng classroom nila.
“Saan?” agad naman niyang tiningnan ang itinuro ng kaibigan.
“Teka! Nawala bigla, hala! nagmumulto si Atheros.”
“Baliw ka na ata Malou, anong tingin mo sa kanyan namaalam na.tigilan mo nga ang ganyang biro, hindi nakakatawa.”
“ito naman init ulo agad, nakita ko nga siya pero biglang nawala ‘e.”
“Paano mangyayari iyon?”
“Aba! Malay ko, hanapin mo kaya.”
“Ewan ko sayo Malou, ang labo ng takbo nang utak mo, minsan matino ka kausap tapos bigla kang sisingit ng kung anu-ano.”
“Totoo naman kasi ‘e, nakita ko nga si Atheros.”
“Oo na, nakita mo na siya, hahanapin ko na nga ‘e”
Ngiti lamang ang nagging sagot ni Malou.
BINABASA MO ANG
Pustahan Mahal kita...Tataya ka ba? (On Hold)
Teen FictionWalang pakialam si Yuna sa mga lalaki ang mahalaga lang kasi sa kanya ay ang kanyang pag-aaral ngunit nagbago ang lahat ng bigla na lang sumulpot si Atheros sa buhay niya. Ngunit kung kailan naman handa na siyang magmahal doon niya naman siya masasa...