*Atheros POV*
Ang tagal naman nila matapos.Haizt! Kanina pa ako dito sa labas ng Faculty room.
Ano kayang pinag uusapan nila???
Maya-maya bumukas na ang pinto ng Faculty room.
Sa wakas!!!
"Sorry kung naghintay ka ng matagal." nakayuko si Yuna na parang nahihiya.
"Okay lang"
"Oo nga pala, wala daw klase ngayong araw"
May dala itong papel, para siguro sa annoucement y'on.
"Ilalagay mo ba yan sa bulletin board?" tanong ko na ang tinutukoy ay ang hawak nitong papel.
"Ha? Ah...Oo" lumapit ito sa bulletin board na hindi naman kalayuan sa Faculty Room.
"Uuwi ka na ba agad?"
"Oo sana.Bakit?" nagdidikit pa rin ito ng mga papel.
"Wag muna"
Halatang nagulat ito.
Kung siya ay nagulat, lalo na ako. Bigla na lang kasing lumabas y'on sa bibig ko..Arrrggg!!! Baliw na ata ako..Ang gusto ko lang naman kasi makasama pa ito ng matagal.
"Malapit na bang matapos yang ginagawa mo?" pag-iiba ko ng usapan.
"Ha? Ah..Oo, bakit?" Dinikit na nito ang last paper na hawak.
"Tara!"
Bigla ko siyang hinila.
"Saan tayo pupunta?"
Saan nga ba kami pupunta??? Bahala na nga.
"Sa bahay"
"Ha? Anong gagawin natin sa inyo?"
"Tutorial"
Napahinto ito.
"Tutorial? Akala ko ba tapos na y'on?"
"Wala naman akong sinabi na tapos na y'on 'a."
Bakit ba ang dami nitong tanong, ayaw niya ba ako makasama???
"Pero----Teka lang, Ang gulo mo naman 'e."
Haizt!
"You really want me to say it, Don't you?"
"Ha?" Naguguluhan na ang mukha nito.
"Gusto kitang makasama, Okay na?" >___< Nasabi ko na.
Napatulala naman ito.
"Tara na nga" hinila ko na ito bago pa siya umatras.
*sa bahay*
Syempre sa Study room na naman kami for my tutorial.hmmmmm..Ano kayang iniisip nito about sa sinabi ko kanina??? Wala namang masama sa sinabi ko kasi totoo naman y'on pero bakit hindi na ito nagsalita after n'on..
Nakakaloko naman, tanong ako ng tanong sa sarili ko.
Ano bang nangyayari sakin ngayon??? Bakit ba gustong gusto ko makasama si Yuna ngayon, at ang sarap niya titigan ngayon..Haizt!
BINABASA MO ANG
Pustahan Mahal kita...Tataya ka ba? (On Hold)
Teen FictionWalang pakialam si Yuna sa mga lalaki ang mahalaga lang kasi sa kanya ay ang kanyang pag-aaral ngunit nagbago ang lahat ng bigla na lang sumulpot si Atheros sa buhay niya. Ngunit kung kailan naman handa na siyang magmahal doon niya naman siya masasa...