cute_sunshine04 Salamat sa pagbabasa ng gawa ko, at salamat sa pangungulit dahil sayo mas ginaganahan akong gumawa :) ..sana magustuhan mo pa ang mga susunod na chapter :D
btw
Yong guy sa gilid, siya si Atheros :P >>>>>>
______________________________________________________________
*YUNA'S POV*
Bilis ng araw, mamaya na ang birthday party ni Ate Jenny.
"Wow! Ang ganda mo ate." nakatulalang sabi ni Shamey.
Napatitig naman ako sa harap ng salamin, suot ko kasi ang dress na binigay ni Atheros.
"Talaga? Hindi ba masagwa?" tanong ko, medyo naiilang kasi ako magsuot ng mga ganoong damit, simpleng tshirt at pants lang okay na ako pero dahil formal party iyon, no choice.
"Ang sexy mo kaya,Ate.Siguradong mas lalo ka pang magugustuhan ni Kuya Atheros." nakatitig pa rin ito sakin.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala kaming relasyon ni Atheros, alam mo ikaw ang bata mo pa ang dami mo ng alam."
Isang nakakalokong ngiti naman ang nagging sagot nito.
"Ok lang ba talaga ang itsura ko ha,Shamey?" hindi pa rin ako mapakali.
"Oo nga,Ate..Bakit ba parang hindi ka mapakali diyan?" tumayo ito at lumapit sakin "Maganda ka na 'te.Okay?"
Haizt! Hindi naman talaga ang itsura ko ang dahilan kaya hindi ako mapakali, ito rin kasi ang araw na dapat kong sagutin ang tanong ni Atheros..Gosh! Ilang araw din akong hindi nakatulog ng maayos kakaisip n'on..Ano ba ang dapat kong isagot??? Hindi ko na alam gagawin ko.
Maya-maya ay nakarinig kami ng busina mula sa labas.
Si Atheros na iyon...
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba..ito na..paano ko ba haharapin si Atheros na hindi ako magmumukhang ewan...
"Ate lumabas ka na kaya wag kang tumunganga diyan." pasimpleng itinulak pa ako nito.
"Ha? pero..teka.."
"Anong teka teka,Ate? Bumaba ka na anong balak mo paghintayin ng matagal si Kuya Atheros? Maganda ka na 'te okay na yan."
Nakarating kami sa sala na nagtutulakan.
"Sige na 'te labasin mo na si Kuya Atheros." udyok ni Shamey.
Ako naman, sunod naman sa sinabi niya.
Naabutan ko si Atheros na nakatitig lang sakin.
BINABASA MO ANG
Pustahan Mahal kita...Tataya ka ba? (On Hold)
Teen FictionWalang pakialam si Yuna sa mga lalaki ang mahalaga lang kasi sa kanya ay ang kanyang pag-aaral ngunit nagbago ang lahat ng bigla na lang sumulpot si Atheros sa buhay niya. Ngunit kung kailan naman handa na siyang magmahal doon niya naman siya masasa...