Pustahan Mahal kita Chapter 34

104 4 5
                                    

*Atheros POV*

"Si Ma'am Jenny po nasa likod bahay, si Ms. Odette po nasa school niyo, hindi po ba kayo nagkita doon?" 

Siguradong pinuntahan na naman nung si Cliff..tsk!

"Sige po, pasalamat po" pumunta na kami sa likod bahay at nakita si Ate Jenny nakatulala.Ano naman iniisip nun.

"Ate Jenny!" tawag ko, lumingon naman agad siya.

"Hi baby boy, Hi Yuna" tumingin ito sa magkahawak naming kamay. "Mukhang may sasabihin kayo 'a..Bilis naeexcite ako!!! Kayo na 'no?" 

Ano pang sasabihin ko 'e nasabi niya na lahat ng dapat kong sabihin, di man lang ako hinayaang magsalita (¬___¬)

"Bakit pa kaya ako pumunta dito? Tara na nga Yuna" hinila ko si Yuna pero agad humarang si Ate Jenny.

"So tama nga ako?" nakangiting tanong niya.

"Oo" sagot ko sabay tingin kay Yuna..Nagblush na naman 'to..Haizt! Kailan kaya siya masasanay? pero ayos lang na lagi siyang nagbablush, ang ganda niya kasi talaga tingin.

"Talaga?! Welcome to our Family Yuna..welcome na welcome ka" mas masaya pa ata samin si Ate Jenny kung makapagreact..Haizt! Gustong gusto talaga nito si Yuna sa lahat kasi ng mga pinakilala ko dito na nagging girlfriend ko tangging kay Yuna lang siya nagging ganyan kasaya.Di ko naman siya masisisi, mabait si Yuna at siguradong lahat magugustuhan siya pero syempre akin lang siya, walang pwedeng umagaw na iba..AKIN lang si Yuna.

"Salamat po" si Yuna.

"Walang anuman, alam mo namang botong-boto ako sayo 'e..ahmmm excuse lang Yuna ha may sasabihin lang ako dito sa jowaers mo ha" tumingin ito sakin..Ano naman kaya sasabihin nito?! "Tara!" 

"Hindi ba pwedeng kasama si Yuna?" 

"Wag kang mag alala, hindi mawawala niyan sa girlfriend mo" sabi niya habang nakangiti.

"Per---"

"Tara na, excuse lang Yuna ha" hinila na ako nito ng tuluyan, nakarating kami sa loob ng bahay.

"Ano bang sasabihin mo 'te? Bakit hindi pwedeng kasama si Yuna?" tanong ko.

"Seryoso ka na ba talaga ha? Hindi mo pinaglalaruan lang si Yuna" tanong niya, seryoso mukha pa.

"Hay! Oo, seryoso na ako kay Yuna..Hindi ko siya itutulad sa iba..I like, no I love her" sagot ko, seryoso din..totoo naman kasi ang sinabi ko, hindi ko paglalaruan si Yuna..Mahal ko siya, mahal na mahal.

"Mukhang nagbago ka na nga 'a, how about yung pustahan niyo nina Naujin at Cliff?" nagulat ako sa sinabi nito..Alam niya ang about sa pustahan namin?

"Paanon--"

"Aksidente ko kayong narinig noong pinag uusapan niyo yun" sagot niya.

"Kung alam mo naman pala bakit hinayaan mo pa rin ako?" 

"Dahil alam kong may nararamdaman ka na rin kay Yuna hindi mo lang natatanggap sa sarili mo noon, pero ngayon mukhang tanggap mo na kaya okay na sakin, wag mo lang sasaktan si Yuna." sabi niya habang nakangiti.

"Please ate make it our secret, ayokong malaman ni Yuna na noong una kaya lang ako nakipaglapit sa kanya dahil sa pustahan pero ngayon I really love her, ayokong mawala siya sakin kaya please" pakiusap ko.

Pustahan Mahal kita...Tataya ka ba? (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon