*Yuna's POV*
"Yuna!!!!!!!!!!!" si Odette, anong ginagawa nito sa school?
"Bakit?"
"Wala naman gusto ko mangamusta" bakit parang may tinataguan ito?
"Hinahanap mo na naman si Cliff" sabi ko.
"Hindi 'no..ui balita ko kayo na ni Kuya Atheros 'a" siniko pa ako nito.
Bigla ko na namang naalala ang nangyari kahapon..Hindi ko alam kung kikiligin o mahihiya..Hindi talaga ako sanay na magging malambing.
"Oo" amin ko.
"Odette!!!!!!!!" si Cliff yun sumisigaw galit na galit, nataranta naman si Odette..Anong nangyayari sa mga 'to?
"Yuna alis na ako ha nandiyan na ang halimaw" biglang tumakbo si Odette..Ano bang nangyayari sa dalawang 'to dati si Odette ang naghahabol kay Cliff, ngayon si Cliff naman ang naghahabol kay Odette, galit nga lang.
"Saan ang punta ng mga yun?" si Malou, bigla-bigla na lang itong sumulpot..saan galing 'to?
"Saan ka galing?" tanong ko.
"Diyan lang sa tabi-tabi" sagot lang nito "Ano nga nangyari sa kanilang dalawa? Bakit parang galit si Cliff?"
"Malay ko" sabi ko na lang, hindi ko naman kasi talaga alam sagot 'e.
"Kamusta pala celebration niyo ng jowaers mo ha,Yuna?' usisa nito.Nawala nga si Odette para mag usisa pumalit naman si Malou. Hindi sa ayokong magkwento about sa nangyari kahapon pero kasi hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari talaga yun..ewan ko ba, hindi lang talaga siguro ako sanay.
"Okay naman" alam kong nagblush ako..pag si Atheros kasi ang usapan hindi ko maiwasang hindi magblush.
"Buti ka pa..Tara na nga baka malate na tayo 'e" hmmm??? Bakit parang may gusto pa itong sabihin??? Ano bang nangyayari sa mundo ngayon? Bakit ang dami-daming bagay na bitin yung info, ayoko naman magtanong..Haizt!
"Sige" sabi ko na lang, baka masiraan pa ako ng ulo kakaisip 'e.
Pagdating sa room lahat ng mata ng classmate ko nasa akin, *sigh* bakit ba di na ako nasanay? ..Napalingon ako sa dereksyon ni Atheros, nakangiti itong kumaway sakin na parang wala lang sa kanya ang magiging reaksyon ng ibang babae sa paligid niya..buti pa siya sanay sa ganitong sitwasyon..'e ako kamusta naman.Haizt!..Tumayo si Atheros ng makalapit na ako sa kanya, hinalikan pa ako nito sa noo, syempre nagulat na naman ako pati ang mga babae sa paligid napasinghap.
"O? Hindi ka pa rin sanay?" ngumiti pa ito ng pilyo.
ssshhh! Naku naman alam ko na ibig sabihin n'on.
"Baliw ka talaga 'no..pag ako inaway ng mga yan."
"Don't worry, poprotektahan naman kita 'e saka namiss ko girlfriend ko 'e" bulong nito sakin..Hindi ko na naman maiwasang hindi kiligin.
"Hoy! kayong dalawa tabi nga hindi ako makadaan" si Malou halatang lihim na napapangiti. Tumabi naman kami ni Atheros. Nagkatinginan lang kami ni Atheros. "Anong balak niyong dalawa mamaya ha?" si Malou pa rin.
"Balak?" ako.
"Yup, date or something alam niyo na gawain ng mag jowa" sabi pa nito pagka upo.
Napalingon naman ako kay Atheros..Ano nga kayang balak nito..Minsan pa naman tinotopak 'to bigla-bigla na lang manghihila.
"hmmmm? Wala pa nga 'e" si Atheros, nag iisip ata nakatingala kasi ito sa kisame tapos biglang tumitig sakin..Ano na naman kayang trip nito sa buhay?. "Ano bang gusto mong gawin ngayon, Yuna? tanong niya sakin habang nakatitig. Nagsisimula na naman tuloy akong mailang naiwas tuloy ako ng tingin, kailan ba talaga ako masasanay? "You're blushing again..haizt! kailan ka ba talaga masasanay?" parang nagtatampo ang boses nito..gulo din nito 'e sabi niya maganda ako pag nagbablush pero nagrereklamo din siya.
"So ano na ngang balak niyo mamaya?" si Malou ulit.
"Malay ko" sabay pa kami ni Atheros..Nagkatinginan lang kami at sabay na natawa.
"Haizt! Ewan ko sa inyong dalawa nagging kayo lang nagging baliw na kayo" si Malou na kahit na nagrereklamo mukha namang masaya para samin.
"Magboyfriend ka na rin kasi...hmmm..Kamusta pala kayo ni Naujin?" si Atheros..mukhang may nabanggit ito na hindi inaasahan ni Malou kaya bigla itong nag iwas ng tingin.
"Wala, saka bakit ako tinatanong niyo, ako ang nagtatanong dito 'a" sabi nito na hindi mapakali..aha! may somethings na nangyayari dito at kay Naujin.
"Nasagot na namin ang tanong mo sabi namin malay namin diba?" ako.
"And so?" nag iiwas pa rin ito ng tingin.
"Kamusta nga kayo ni Naujin?" si Atheros.
"Ano ba?! Bakit ba ako ang tinatanong niyo ng tinatanong..makaalis na nga lang muna" naglakad na ito palabas.
Gusto kong matawa sa reaction ni Malou, halata kasing may nililihim ito..Ano na nga kaya ang nangyayari sa pagitan nila at ni Naujin?
"What do you think?" si Atheros habang nakatingin sa papalabas na si Malou..Napatingin na lang din ako sa tintingnan nito.
"May something sa kanilang dalawa ni Naujin" sagot ko.
"hmmmm....Yeah..so saan mo nga pala gusto pumunta mamaya?" nakangiting lumingon ito sakin..
hmmmm???? Saan nga ba? Wala ako maisip 'e...Bahala na lang mamaya..
___________________________
Note: sabi na lame ang kasunod 'e >___< ..Sorry talaga...Hindi muna ako mag-u-UD ng matagal tagal para naman maayos ko yung sunod ng chapter para hindi na sunod-sunod ang mga lame chapters ko..Sorry talaga..at salamat sa pagbabasa..
BINABASA MO ANG
Pustahan Mahal kita...Tataya ka ba? (On Hold)
TeenfikceWalang pakialam si Yuna sa mga lalaki ang mahalaga lang kasi sa kanya ay ang kanyang pag-aaral ngunit nagbago ang lahat ng bigla na lang sumulpot si Atheros sa buhay niya. Ngunit kung kailan naman handa na siyang magmahal doon niya naman siya masasa...