*Yuna's POV*
Katatapos lang ng klase namin ni Malou, naglalakad kami ngayon sa hallway..Haizt! sabi ni Atheros susunduin niya ako pero wala pa siya..hmnf!..Ano ba yang ang demanding ko ata ngayon...
"Yuna totoo ba ang chismis na kayo na ni Atheros?" si Malou, grabehan lang kalat na agad yun..Haizt! siguradong pag iinitan na naman ako ng mga babaeng may gusto kay Atheros.
Tumango na lang ako sa tanong ni Malou.
"Bakit di mo man lang sinabi sakin, katampo ka naman" tila nagtatampo pa ang tono ng boses nito.
"Sorry" balak ko naman talagang sabihin sa kanya kanina 'e nakalimutan ko lang talaga dahil sa sobrang saya.
"Wow! nandito pala ang mang aagaw" yung tatlong babae na naman, nakaharang sa daanan namin ni Malou..Sabi na 'e pag iinitan na naman ako ng mga ito.
"Kayo na naman?" si Malou.
"Pwede ba hindi ikaw ang kausap namin kaya wag kang sumabat!" si girl na nasa kanan yung nagsalita.
"Hoy! Ikaw babae ang kapal din ng mukha mo para agawin si Atheros samin 'no" yung parang pinaka leader na nila yung nagsalita.
"Ano na naman bang ginawa ko sa inyo ha" gggrrrr!!! kairita na 'tong tatlong 'to 'a.
"Ang kapal din ng mukha mo na sagutin si Atheros para ba makaganti samin ha?! O kaya baka naman gusto mong ipagyabang sa iba na si Atheros ang boyfriend mo, ginagamit mo lang siya para makilala ka rin at magging sikat!" ayos ako pa ngayon ang mukhang gumaganti, hindi ba nila maintindihan na gusto ko si Atheros hindi dahil gusto kong sumikat o ano, sinagot ko si Ahteros kasi mahal ko siya.Period!.
"Nagkakamali kayo!" napupuno na ako 'e..Bahala na nga."Hindi ko sinagot si Atheros kasi gusto kong sumikat o makilala, sinagot ko si Atheros kasi gusto ko siya kasi ma-----------mahal ko siya!!! Ano sapat na ba y'on ha para tigilan niyo ako?" atleast nasabi ko na ang gusto ko sabihin ngayon.
"Sinungaling!"
"Yuna!" si Atheros, tumatakbong palapit samin ni Malou.
"Ath---"
"Anong nangyayari dito?" si Atheros ulit.
BINABASA MO ANG
Pustahan Mahal kita...Tataya ka ba? (On Hold)
TienerfictieWalang pakialam si Yuna sa mga lalaki ang mahalaga lang kasi sa kanya ay ang kanyang pag-aaral ngunit nagbago ang lahat ng bigla na lang sumulpot si Atheros sa buhay niya. Ngunit kung kailan naman handa na siyang magmahal doon niya naman siya masasa...