[Julius’s PoV]
Pinagmasdan ko si Miss Colleen habang nakikipagsagutan siya kay Angel. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o hindi, at least ngayon, nagagawa na niyang lumaban sa mga pasaring ni Angel. Kung mapipigilan ko lang si Angel sa pagtataray niya kay Miss Colleen ay matagal ko ng ginawa.
Nagsimula magbago ang lahat mula n’ong maaksidente siya.
Kumakatok ako sa kwarto ni Miss Princess Allison at that time dahil pinapatawag siya ng Lolo niya. Ilang beses na akong kumakatok pero hindi pa rin niya binubuksan kaya nagmamadali kong kinuha ang duplicate key ng room ni Miss Allison. Kinakabahan ako na di mawari.
Nang mabuksan ko na ang kwarto ni Allison at tumambad sa akin ang boong kwarto pero wala si Miss Allison sa loob. Kinabahan na ako ng tuluyan kaya nagmamadali kong pinuntahan ang kwarto naman ni Angel. Nabuksan ko agad ang kwarto ni Angel at wala rin siya.
Tumatakbo na akong bumaba ng hagdan para hanapin sila habang abala ako sa pagdadial nang number ni Angel. Masyado akong kinakabahan kapag si Angel at Miss Allison ang magkasama. Iba kasing mag-isip si Angel, gusto niya sa kanya lahat at hindi siya nakkapag-isip ng matino kapag naiinis at galit siya sa isang tao. Isa na nga sa kinaiinisan niya ay si Miss Allison dahil ang akala niyang sa kanya at hindi pala. Baka kung ano pang gawin niya kay Miss Allison na makapagpahamak sa kanya lalo na at ang akala nito ay okay na sila ni Angel.
Lahat na ng pwedeng puntahan nilang dalawa ay pinuntahan ko. I even called Angel many times pero hindi siya sumasagot, puro ring lang ang naririnig ko.
I almost searching for about four hours but I couldn’t find them. I went to the Pad of Angel but she’s not there. Kahit ang mga kaibigan ni Angel ay tinawagan ko including Aina pero wala din silang alam. Hindi ko naman makontak ang mga dating kaibigan ni Miss Allison dahil hindi nila alam at sigurado naman akong hindi makikipagkita siya sa mga iyon sa kalagayan niya ngayon.
Nakasandal ako sa kotse ko habang nakapark sa isang commercial store. Hindi ko na alam ang kung saan ko pa sila pwedeng mahanap.Hindi ko ito maitawag sa Chiarman dahil baka si Angel ang pagbuntunan ni Chairman kapag may nangyaring masama kay Angel.
Kahit naman may pagkamasama ang ugali ni Angel ay kailangan pa rin niya ng proteksiyon para hindi siya masaktan. I obliged myself to protect her mula pagkabata.
Biglang nagring ang phone ko kaya naman ay sinagot ko agad iyon. Isang umiiyak na boses ang narinig ko at nagmamadali na akong nagdrive para puntahan kung saan naroroon si Miss Allison. At iyon nga, nakita kong pinapalibutan ng mga tao si Miss Allison at Alex na pawang mga walang malay.
Lumapit ako kay Miss Allison para tingnan kung grabe ba ang tama sa kanya nang dumating ang ambulance. Maingat nilang ipinasok sa loob si Miss Allison at Alex. Ako naman ay sumama na. Habang papunta sa hospital ay tinatawagan ko na ang Chairman para ireport ang nangyari sa apo niya.
Nakakalungkot ang nangyari kay Alex pero wala nang magagawa dahil siya itong napuruhan ng kotseng bumangga sa kanila. We settled the account on him dahil kahit walang nagsbai ay alam kong siya itong nagligtas kay Miss Allison.
BINABASA MO ANG
Ms. Don't-know-the-name
Romance[Completed] BOOK III of Mr. Don't-know-the-name Princess Allison Mercedez or Colleen Mae Austria? Sweet or the Bitch one? which one do I live? ----------------------