[Colleen Mae's PoV]
Kakalabas lang namin ni Miku sa office ng Psychiatrist na nagcheck sa akin. He insisted me that I need to visit one for my own good. Para hindi na humaba ang usapan ay pumayag na lang ako. Ang bait kong Misis ngayon, I didn't argue much with him dahil sinusunod ko ang payo ni Ikey. Though I am not that sweet compared to Allison. But still, I'm trying myself to be civilized and to talk to him in a calmly voice.
Nasa may labas na kami ng Hospital nang tumigil si Miku habang nakahawak sa ulo niya. Napalapit ako sa kanya at napahawak sa braso niya, medyo malayo ako sa kanya habang papalabas. Nagugulat kasi ako kapag nagdidikit mga braso namin.
"Are you okay? Is it hurt?" nag-aalala kong tanong sa kanya. Nagagawa ko namang humawak kay Miku kapag ako ang hahawak pero kapag ibang tao na ang hahawak sa akin ay sobrang nakakaramdam ako ng takot at sobrang kaba. The Doctor said it’s normal. I just need to go for some treatment para mawala ang fear ko na 'to.
Napatingin sa akin si Miku at ngumiti. Umayos siya ng tayo, "I'm okay, Misis."
Nakahinga naman ako nang maluwag, "good."
Tipid siyang ngumiti, "Misis, pwede bang hintayin mo lang ako dito? I forgot something sa loob. Just wait me there," aniya habang nakaturo sa may bakanteng bench sa may Garden ng Hospital na 'to.
Tumango naman ako, "sure. Just make it fast."
Ngumiti siya and gave me a kiss on my forehead. Muntik ko pa siyang maitulak nang gawin niya 'yon. Mabuti na lang at binitawan niya ako agad.
"Wait me," he said.
Tumango lang ako at ngumiti. Tumalikod na siya at naglakad papasok ng Hospital habang ako ay nagpunta sa may bakanteng bench kung saan ang mga pasyente dito sa hospital ay nagpapahangin, para naman makalanghap ng sariwang hangin.
Since wala akong magawa kaya kinuha ko na lang ang cellphone ko at naglaro. Nang mapagod ako ay itinago ko na ang phone ko at tumingin sa relo ko.
Ang tagal naman ni Miku.
Sumandal ako sa upuan at inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtingin tingin sa mga nagkalat na pasyente at nurse. I really hate Hospital pero I think the Hospital loves me so much kaya lagi na lang akong naho-hospitalize.
"Kuya, gusto mo dito?"
Napatingin ako sa dalagang nagsalita, maybe she's fifteen or eighteen years of age. Naka-upo siya sa harapan ng tinutukoy niyang Kuya na naka-upo sa wheelchair. Nakaharap sa akin ang babae habang nakatalikod ang Kuya niya. Medyo malapit sila sa pwesto ko.
"Kuya..." pinipigilan ng babae na hindi umiyak pero pasaway din ang luha niya dahil nagmamadali itong pumatak. Agad niya iyong pinunasan na wari ay away ipakita sa Kuya niya na umiiyak siya, "it's been two years, bakit wala ka pa ring karea-reaksiyon kapag binibisita kita? I am your favorite and only beautiful sister. How come you're not even given me at least a look? How come you're not even given me a smile every time I visited you?"
BINABASA MO ANG
Ms. Don't-know-the-name
Romance[Completed] BOOK III of Mr. Don't-know-the-name Princess Allison Mercedez or Colleen Mae Austria? Sweet or the Bitch one? which one do I live? ----------------------