Chapter 11: WEDDING PART o2

4.6K 114 10
                                    

[Ikey’s PoV]

 

“Kailangan ba talaga tayong pumunta?” tanong ni Landon. Kanina pa niya yan tinatanong at kanina pa rin naman siya hindi sinasagot. Pulit-ulit ba naman kasi.

 “Bakit may magagawa ba tayo? Si Dave ang best man, tayo naman ay mga abay. Kawawa naman ang mga partner natin kung maglalakad silang walang aalay sa kanila,” sagot naman ni Tim habang inaayos ang suits niya.

Umupo si Landon, “parang ang unfair naman kasi natin kay Son kung makikisaya tayo habang siya ay walang maalala dahil kay Mitch na ‘yan. Baka kapag naalala niya na tayo ay kamuhian niya tayo.”

“Oo nga. It’s really unfair on her part,” segunda naman ni Brayden.

“Hindi naman tayo makikisaya. Aattend lang tayo dahil kailangan. After that wedding ceremony we can escape naman,” sagot ni Nathan.

Tiningnan ko sila, “binasa niyo ba manlang ang invitation card?” tanong ko sa kanila kahit alam ko naman ang sagot. Kapag ayaw nila ang isang bagay ay hindi nila pagkakaabalahang buklatin ‘yon.

“Why would I read that? Nakakatamad,” sagot ni Landon at humiga sa kama. Nasa iisang kwarto lang kami kaya may kama.

“I lost my invitation card for that wedding,” sabi naman ni Tim.

“I forgot it and don’t have time to read,” sagot naman ni Drew.

“Me too, namisplace ko,” sagot ni Nathan.

“I left it in the car. Wala talaga akong intensyong basahin ‘yon,” sagot naman ni Stephen habang nakaharap sa laptop niya.

Okay. Kaya pala ganyan ang reaction nila. Hindi nila alam kung sino ang ikakasal. Pero wala rin akong balak sa kanila kung sino ang ikakasal.

“Hindi ba kayo nacucurious kung sino ang ipinalit kay Son?” tanong ko. Tsk! Tsk! They really don’t know. Pero kahit ako, parang ayokong pumunta sa kasal na ‘yon. Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaction nila kapag nakita nila ang isa’t-isa.

Napabuntong hininga ako at umupo sa isa sa mga upuan.

“We are but then…” hindi maituloy ni Brayden ang sasabihin niya.

“Tinatamad talaga ako. Gusto kong matulog,” sabi naman ni Tim at humiga. Niyakap pa niya ang isang unan. Hindi man lang pinansin kong magugusot ang kanyang suot suot na suits.

Napabuntong hininga naman ako. Minsan lang magkaganito kami, na pawang mga walang buhay at tinatamad. Maninibago ang mga makakakita sa amin sa ganitong ayos. Kahit ako ay naninibago sa atmosphere meron kami ngayon.

“Wahh!!” sumigaw ni Tim, “inaantok talaga ko. Pwede bang may mag-subtitute na lang sa akin? Hindi kasi ako nakatulog sa office eh. Baka mamaya si Angel pala ang ikakasal. Ayokong makita ang pagmumukha niya.”

Ms. Don't-know-the-nameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon