Chapter 57: ELEVATOR

3.2K 81 7
                                    

[Colleen Mae’s PoV]

Ilang days na rin akong nagtatarabaho sa AGC. At minsan ay nakakasalubong ko si Miku pero katulad ng pagtrato ko sa kanya sa bahay ay gano’n din sa office. Tinatrato ko siya na parang hindi nakikita. Nagbibingi-bingihan sa tuwing tinatawag niya ang pangalan ko.

Ang nakakasama ko naman lagi tuwing lunch break ay si Christine. She’s nice. Nagiging masaya ako kapag kasama siya.

“Ma’am, ‘di ba asawa mo si Sir Morrison?”

Natigilan ako sa pagsubo nang marinig ko ang tanong ni Christine. Ngumiti ako sa kanya at isinubo ang naudlot na pagkain. “Yeah.”

“So, bakit hindi siya ang kasabay mong maglunch? I mean that’s the couple usually do.”

Napaisip ako nang maidadahilan. “He’s so busy kaya pinapauna na niya akong maglunch. Alam mo namang big boss ang asawa ko.”

 

Asawa ko.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko nang banggitin ko iyon. Dapat wala na itong kirot pero patuloy ko pa rin itong nararamdaman.

Napatango siya. “I haven’t seen you in his office recently.”

Naguguluhan na ako sa mga tanong ni Christine. “Ini-interview mo ba ako?” biro ko sa kanya. Bigla naman siyang naubo. Nagkataon kasi na umiinom siya.

Nagmamadali ko namang ibinigay ang tissue sa kanya. “Okay ka lang?”

Ngumiti siya habang hindi maiwasang hindi maubo. “O-okay lang. Hehe.” Tumawa siya ng payak.

“Nagtatrabaho na kasi ako remember? Hindi na katulad ng dati na pwedeng tumambay sa office niya.”

“Ha?” naguguluhan niyang tanong.

Ngumiti ako sa kanya. “Hindi na ako nakakapunta sa office niya dahil busy na kami pareho and also nagkikita naman kami sa bahay. “ Hindi ko nga lang siya pinapansin at magkaiba rin kami ng silid.

“Ah! Kamusta naman iyong friend mo?”

Napakunot-noo ako. “Sinong friend?”

“The one that you’re talking about when I saw you crying.”

Napahinga ako ng malalim. “He’s getting better.” The other day I visited Alex ay naikukurap na niya ang mga mata niya. May emotion na rin.

“Close ba kayo ni Angel?”

Ako naman itong nasamid sa tanong niya. “Hehe.” I faked a laugh. “Bakit mo naman naitanong?”

“I just wanna know you better.” And she smiled sweetly.

Ms. Don't-know-the-nameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon