Chapter 45: ALEX

4K 98 7
                                    

[Miku's PoV]

Andito ako sa office ko. I should've been working right now but damn! I can't focus. I can't even understand what I am reading right now. Napapikit ako at napahawak sa sintido ko. Sumandal ako sa upuan habang at tumingin sa chandelier na nakasabit sa ceiling.

"Alex," banggit ko sa pangalan ng pinsan ko. I haven't seen him magmula nang bumalik ako sa Philippines. Napahinga ako ng malalim at pumikit.

"Sir..." tawag ko sa Papa ni Alex na nasa harapan ko. Halos nangangahalati na siya sa kape niya pero hindi pa rin siya nagsasalita. Tinatawag ko siyang Sir dahil nasa office kami. Medyo malapit ako sa Papa ni Alex dahil nagkakasundo kami sa lahat ng bagay katulad ng business matter unlike Alex, he doesn't want to talk about business.He’s concern is only his car or his bike, na pinakadislike ni Tito.

Ipinatong ni Tito ang tasa sa table at Uimikhim. Tumingin siya sa akin nang malungkot na ikipinagtaka ko.

"Why, Sir? Is there something wrong?" nag-aalala kong tanong dahil hindi ganito kavisible si Tito lalo na at nakabusiness suit siya.

 

"Have you heard about what happened to my son, Alex?" pagsisimula niya.

 

"Alex? I didn't know anything, Tito. Something happened to him, Sir?" nakaramdam ako ng kaba na kahit pagtawag kay Tito ay hindi ko na alam kung Tito ba dapat o Sir.

 

"He's been hospitalize for more than couple of years," may sumungaw na luha sa mga mata ni Tito na ikinalungkot ko.

 

"More than couple of years?" nabigla kong tanong kay Tito. "What happened to him? Oh God! That's too long." Kahit nga dalawang linggo lang sobrang tagal. What more kung two years!

Ngumiti ng malungkot si Tito. "Car accident."

Napahinga ako ng malalim. Car accident. Sabi na nga ba at maaaksidente siya sa sobrang bilis niyang magpatakbo ng sasakyan. "How's Alex na, Tito?"

Umiling si Tito. "He's not yet been recovered for what happened to him. He has brain damages that caused him to be paralyzed. He can't even move his eyes. He'll just look away blankly. He can't move. I do not know what to do, Kurt. The Doctor also said that he's been getting better day by day but clueless why his been like that. He can at least move his eyes. But he’s nothing getting any better if you will see. We always do the test to see what’s really happening to him."

Hindi ako nakapagsalita dahil sa mga narinig kay Tito. It's been two years pero wala man lang nagsabi sa akin.

Napahinga nang malalim si Tito. "We didn't know if he still knows us, if he still can recognize us. Hindi man lang siya nagbibigay ng kahit isang hint kung naririnig niya kami. Hindi man lang siya mabisita ng asawa ko dahil makita lang niya sa ganoong kalagayan ang anak niya ay naiiyak na siya."

"Sino po ang nag-aalaga sa kanya?"

 

Ms. Don't-know-the-nameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon