[Ikey’s Pov]
Nandito ako sa Pantry ng opisina and having lunch. Mamaya ay pupunta na rin ang ibang barkada dito. Itong Pantry ay para talaga sa lahat ng empleyado sa 6th floor pero dahil kaming magkakabarkada ang laging andito kaya nahihiya na silang pumunta. Nabago lang ang tambayan namin, kung dati ay sa rooftop, ngayon ay sa pantry kapag nasa office, kapag naman free days ay sa bar nila Aina.
Napatingin ako kay Landon na may hawak hawak na papel, “ano ‘yan, tol?”
“Invitation. Nahanap na pala ang nag-iisang apo ni Chairman. Akala ko tsimis lang ‘yong naririnig ko dati,” sabi ni Landon at umupo siya, “anong ulam mo?”
“Fried chicken lang. Sinong apo? Si Colleen?” tanong ko dito, “patingin.”
“Bakit alam mo ang pangalan ng apo ng Chairman? Eh di ba matagal na ‘yong nawawala?” nagtatakang tanong ni Landon at binigay sa akin ang invitation.
“Pinsan ko ‘yon, baliw!” sabi ko dito at tiningnan ang invitation, “halos lahat pala ng empleyado at matataas ang katungkulan ay invited. How come, I didn’t receive any?” Matagal ko ng alam na natagpuan na si Colleen pero hindi ko pa siya nakikita.
Siya siguro ‘yong nakita ko n’ong isang araw. May nakita lang akong blond hair girl sa may tapat ng bahay nila. Hindi ko nakita ang mukha dahil nakatakip ang buhok. Ano na kayang itsura niya? Inglisera pa rin kaya ‘yon?
“Nakita ko lang ‘yan sa table ko. Baka kakabigay lang din sa’yo kanina,” sabi pa niya at nagsimula na siyang kumain, “penge namang ulam mo.”
“Hello!!” malakas na bati ni Brayden ng makapasok siya dito sa loob ng pantry, “hoy Lan! Vegetarian ka ngayon?” sabi nito ng mapansin ang ulam ni Bray at puro gulay nga ang ulam niya.
Napasimangot naman si Landon, “ang aking Ina ang naghanda niyan. Minsan lang daw kasi niya ako bisitahin kaya pinaghandan niya ako ng mga masusutansyang pagkain. Kambing ba ako para pakainin nya ng damo? Hindi ako mabubuhay kapag laging ganyan ang ihahain sa akin ng Ina ko?”
Natawa naman ako sa sinabi niya, “kambing agad? Minsan ka lang kumain ng gulay feeling mo na agad kambing ka?”
Napabuga ng hangin si Landon, “ampait pa ng ampalayang ‘yan.”
“Mabuti pa ako, pinagluto ako ng aking Ina ng steaks,” pagyayabang ni Brayden. Mom talaga ang tawag nila sa mga Ina nila. Ewan ko ba kapag napag-uusapan ang Mom ay Ina ang itinatawag nilang dalawa.
“Wow, steaks. Pahingi naman, Bray,” bungad ni Tim na kakapasok lang sa Pantry.
“Hoy, Tim. Nahuli ka daw ng supervisor na natutulog?” tanong ko sa kanya. Hindi pa rin siya nagbabago. Matakaw pa rin sa tulog.
Sumimangot si Tim, “pakialam ko sa matandang ‘yon,” suplado nitong sagot.
“Makamatanda naman ‘to. Kasing tanda lang natin ‘yon ah!”
BINABASA MO ANG
Ms. Don't-know-the-name
Romance[Completed] BOOK III of Mr. Don't-know-the-name Princess Allison Mercedez or Colleen Mae Austria? Sweet or the Bitch one? which one do I live? ----------------------