Chapter 54: ENOUGH

3.3K 98 19
                                    

[Colleen Mae’s PoV]

“I’m not. I’m not your wife, Mr. Mitchell Kurt Morrison,” sabi ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya.

He was stunned. Hindi din siya nakagalaw.

“I am not your wife for real,” dugtong ko pa. And you’re not my husband too.

Napahawak ako ng mahigpit sa blangket ng magsimulang pumatak ang mga luha ni Miku. Oh God! Gusto kong bawiin ang mga sinabi ko. Gusto kong punasan ang mga luha sa mga mata niya but I can’t.

“How… I mean…” Napaatras si Miku ng dalawang hakbang. “You know?”

Natigilan ako sa tanong niya. “What do you mean?” kinakabahan kong tanong sa kanya, Ang mga kamay ko ay nagsimula ng manginig.

“How… how did you know? I mean we agreed that they’ll not te—“

“You knew all along?” putol ko sa sinasabi niya. “All along you’re just acting like a loving husband to the fact that you know that our marriage is not legal?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Oh God! Ano bang nangyayari? Bakit all of the sudden ako talaga itong walang alam sa mga nangyayari. Bakit ako itong pinagkakaisahan nila?

“Princess…”

“No!” tinabig ko ang kamay niyang hahawak sana sa akin. “This is enough! You lied to me!” sigaw ko sa kanya.

“But—“

“Get out!” sigaw ko sa kanya.

“Princess please, let me explain,” pagmamakaawa niyang sabi.

“Ano? Puro kasinungalingan na naman? Tama na, Miku. Pagod na pagod na ako sa kasinungaling mo! Pagod na pagod na ako. Please! Ako naman itong makiki-usap sa ‘yo. Tama na, Miku. Sobrang sakit na,” namamakaawang sabi ko sa kanya.

Natigilan si Miku pero patuloy lang ang pagluha sa mga mata niya.

“Ayoko na ng kasinungaling. Boong buhay ko ay puno na ng kasinunangalingan. Akala ko nang maging Colleen Mae na ako ay wala ng sikreto pero lalong dumami. Ayoko na, Miku. Please. Set me free. Please.”

Napatungo ako habang nakikita kong nagbabagsakan ang mga luha sa likod ng palad kong nakahawak ng mahigpit sa blanket.

“I’m sorry,” he said.

Hindi ako nagsalita. Nakakapagod. Pagod na pagod na ako.

Narinig ko na lang na nagsara ang pinto. Napatingin ako sa pintuang nakasarado at napahagulhol ng iyak. I love him pero masyadon ng masakit. Siguro this is the end. Kahit pa sabihing mahal namin ang isa’t-isa ay hindi pa rin talaga kami para sa isa’t-isa.

Ms. Don't-know-the-nameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon