Chapter 65: TELL ME

3.2K 85 9
                                    

[Colleen Mae's PoV]

After that incident ay bumalik na kami sa AGC building para kunin ang mga gamit namin. Kahit sinabi kong okay lang ako ay nag-insist pa rin si Miku na umuwi na lang muna kami pareho.

Nakasalubong pa namin si Angel sa may AGC building at isang nakakamatay lang na tingin ang binigay sa akin.

Napahawak ako sa braso ni Miku ng mahigpit dahil iba ang pagkakatingin niya. Nakakatakot. Hindi iyon pangkaraniwang dead look lang na lagi niyang binibigay sa akin. May something.

"What's wrong?" bulong ni Miku.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Nothing."

Ngumiti siya at tumigil sa paglalakad. Humarap siya sa akin at inayos ang buhok kong nagulo 'ata, pinasadahan niya ng kamay ang mukha ko na wari'y inaalis ang bakas ng pag-iyak. "Sorry for making you cry again."

Napakibot ang labi ko dahil nararamdaman ko na namang sumusungaw ang luha sa mga mata ko. Ipinulupot ko na lang ang braso ko sa katawan niya at itinago ang mukha sa dibdib niya. Napahikbi na ako.

"Princess, please," nahihirapang sabi ni Miku at hinagod ang likod ko.

Umiling ako. "Hi-hindi ko mapigilan."

Niyakap niya na lang ako at naramdaman kong hinalikan niya ako sa buhok. "I love you. I love you so much, my Princess."

"Miku..."

"Hmn?"

Kumalas ako ng yakap sa kanya at ngumiti. Pinunasan ko rin ang luha sa pisngi ko. "Can you kiss me?"

Napangiti naman si Miku and he cupped my face. Ako naman ay pumikit at hinintay na maglapat ang labi namin.

He just gave me a quick kiss pero sapat na 'yon para gumaan ang pakiramdam ko.

--

Nasa kotse kami, nakatigil sa tapat ng Mansion. Walang sino man sa amin ang kumikibo. Ako naman ay magkasalikop ang mga palad na nasa lap ko. Palihim akong tumingin kay Miku.

Napakagat ako sa labi ko. Ibinuka ko ang bibig ko para magsalita pero itinikom ko ulit. Nahihiya kasi ako sa mga inasal ko simula noong magkita kami at maging mag-asawa. Sana pala pinakinggan ko na siya noong una pa lang.

"Princess..."

Napapitlag ako nang magsalita siya. "Y-yes?"

Natawa ng mahina si Miku at humarap sa akin. Ipinatong niya ang malaki niyang palad sa ulo ko. Napasimangot naman ako.

Ano ako bata?

Lalo namang natawa si Miku dahil siguro sa itsura.

Ms. Don't-know-the-nameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon