[Colleen Mae's PoV]
Nagmulat ako ng mata nang maramdaman kong papalayo na sa kinahihigaan ko si Miku. Napatulala ako sa kisame at napabuntong hininga. Halos pigilan ko kanina ang paghinga ko dahil natatakot akong may gawin sa akin si Miku habang nagpapanggap akong tulog. Natatakot ako na baka bumigay ako kapag ginawa niya iyon. Natatakot ako sa magiging reaction ng katawan ko.
I closed my eyes and tried to sleep. But then, kahit anong gawin ko ay hindi talaga ako makatulog. Tumagilid ako at napatingin sa wall clock. Almost one hour ng nasa banyo si Miku. Ano kayang ginagawa no'n? Naflash na kaya siya ng toilet?
Tumagilid ulit ako sa kabilang banda at pumikit. Niyakap ko ang unang nakapagitan sa amin sana ni Miku. Nararamdaman ko na na hinihila na ako ng antok ng maramdaman kong lumubog sa kabilang side ng bed, indikasyon na may humiga duon.
Gusto kong tumalikod kay Miku pero hindi ko magawa. Baka pagtripan pa niya ako kapag nalaman niyang nagtutulog tulugan ako. Nararamdaman ko ang pagkakatitig niya sa akin kahit hindi ko siya nakikita.
Ghad! Bakit ba dito ako humarap?
"Princess..." mahinang tawag niya sa akin.
Napa-ismid ako sa imagination ko sa narinig ko. Princess your face! Pagkatapos mong iwan ay hahanapin mo siya? Pagkatapos mong ipagpalit kay Colleen Mae ay aakto kang kawawa? Mukha mo!
Hindi ako gumalaw sa pagkakahiga. Mamaya na lang ako gagalaw kapag hindi na niya maiisip na nagtutulog-tulugan ako.
Naramdaman ko na gumalaw si Miku. Kahit ang paghinga niya ay nararamdaman ko na rin sa mukha ko. Pakiramdam ko ay ang lapit lapit na ng mukha niya. Pakiramdam ko nga lang ba o talagang malapit lang talaga?
Ghad! What is he going to do? Going to rape his wife? Oh my gosh! What should I do?
What should I do if my body responds to him? Another oh my gosh! Hindi ko na pinapagkatiwalaan ang katawan ko kapag si Miku na ang pinag-uusapan dahil alam kong traydor ang katawan ko which is si Princess Allison Mercedez ang sinusunod. Hindi ito nakikisama sa sinasabi ng utak ko which is minamanipula ni Colleen Mae Austria.
Ghad! So hard to have two identity especially when they are opposites!
Napamulat ako ng mata sa pagkagulat ng maramdaman ko ang labi niya na nakalapat sa labi ko. Mabuti na lang at nakapikit siya kaya hindi niya nakita ang pagmulat ng mata ko. Pumikit na lang muli ako at baka naggogood night kiss lang. Baka naman dampi lang.
Sana.
Naghihintay akong tanggalin niya ang pagkakadampi ng labi niya but ghad! Bakit hindi pa rin niya tinatanggal?
Kung hindi lang ako nagpapanggap na tulog ay nasampal ko na 'to!
Sobra nang lumalakas ang pagtibok ng puso ko and my hands started to trembling because of his lips. Napahawak ako ng mahigpit sa unan.
BINABASA MO ANG
Ms. Don't-know-the-name
Romance[Completed] BOOK III of Mr. Don't-know-the-name Princess Allison Mercedez or Colleen Mae Austria? Sweet or the Bitch one? which one do I live? ----------------------