Chapter 35: I'LL PROTECT YOU

4.2K 107 12
                                    

[Colleen Mae's PoV] 

At last, nandito na rin ako sa pinakamamahal kong kwarto. Pabagsak akong humiga sa kama at niyakap ang unan. Iba talaga ang feeling kapag nasa sariling kwarto. Pero mas namimiss ko pa rin ang hindi kalakihan kong kwarto sa bahay nila Mama.

Namimiss kaya nila ako?

Napabuntong hininga ako. Ayoko nang bumalik sa Hospital, lagi na lang ang bumubungad sa akin ay puting kisame. Ang lungkot pa do'n. Mabuti pa dito sa room ko, puro pink. At least, buhay na buhay ang kulay, hindi katulad sa hospital. Makapagpagawa nga ng Hospital, tapos colorful ang bawat room. Magiging masaya siguro kapag colorful ang silid, lalo na ang mga bata. 

Tumihaya ako sa pagkakahiga. Nagpakawala ako ng hangin at napasimangot. Naalala ko si Angel. Ang lakas ng loob mag-offer ng massage para sa asawa ko. Take note, asawa ko! Kaya ko namang gawin yo'n. 

Napakagat labi ako. Hindi nga pala ako marunong magmassage. Hala! Paano kaya iyon? Baka kay Angel siya magpamasahe. Tapos aakitin ni Angel si Miku. Since lalaki si Miku, may possibility na pumatol siya.

"Hala!" napaupo ako sa kama. Umiling ako nang maraming beses. Erase! Erase! Siguro naman hindi magagawa sa akin ni Miku 'yon. 

Siguro naman, 'di ba? 

Oh my gosh! Kakasuhan ko talaga sila ng adultery kapag nahuli ko sila sa akto. Kahit mahal ko si Miku ay kakasuhan ko silang dalawa ni Angel!

Speaking of ipapahuli, si Angel... 

She's the one who was riding the red car who hit me. Ano kayang gagawin ko? Should I tell it to Grandpa? 

Or just ignore it since it was happened two years ago? And also, may kasalanan din naman ako, I intentionally let myself hit by that car. And because of that, my friend, Alex, died. 

Isang buntong hininga na naman ang pinakawalan ko at bumagsak sa kama. Nagpapakasaya ako ngayon samantalang ibinuwis ni Alex ang buhay niya para sa akin. 

"Alex..." anas ko. Namimiss ko na siya. 

"Misis." 

Hindi ako nagsalita at pasimpleng pinahid ang luha ko. Naiiyak talaga ako everytime na naaalala ko si Alex. 

"Misis, dinner is ready. Sasabay sa atin si Grandpa." 

"Okay," I just said. I will live my life what Alex wants. Isa lang naman ang gusto niya, ang maging masaya ako. 

"Misis, are you okay?" 

Napapitlag ako nang maramdaman ko ang kamay ni Miku sa braso. Automatic napalayo ako kay Miku. 

"Misis, what's wrong?" nag-aalalang tanong ni Miku. 

Ms. Don't-know-the-nameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon