Chapter 18: IT

4.6K 103 7
                                    

[Colleen Mae’s PoV]

 

Hindi ako mapakali dito sa room. Hinihintay ko pa si Miku. Anong gagawin ko? Honeymoon? Wahh!! Bakit hindi ko naisip ‘yon? Bakit wala sa isip ko ‘yon? Iyon nga pala ang gingawa ng bagong kasal. Si Ikey ang may kasalanan eh. Pinaalala niya ba talaga sa akin.

What if pilitin ako ni Miku’ng gawin ‘yon? ‘Di ba may batas naman na pwedeng tumanggi? ‘Di ba pwede namang tumanggi? ‘Di ba? I can sue him kapag pinilit niya ako, right? Rape. But then, hindi ko naman kayang kasuhan si Miku kahit sinaktan niya ako. Hindi naman ‘yon kaya ang konsensya ko lalo na at alam kong obligasyon ng asawang bigyan ng satisfaction ang asawa niya.

But then… Wahh!! Hindi kami totoong mag-asawa. Hindi ako si Allison na nagmamahal sa kanya. He’s a total stranger to me, so I can’t imagine doing it wth him.

Oh my gosh! Allison! Anong gagawin ko? Hindi ko kaya ‘yon.

Napatingin ako sa salamin. I breath in, breath out. I need to calm myself before Miku came in. Oh my gosh! How can I calm down if I know that we’re going to do it? Am I ready?

Oh my gosh!

Narinig kong bumukas ang door at bigla akong natigilan, pinapakiramdaman ang mga gagawin niya. Narinig kong papalapit ang yabag niya sa akin. Nakatalikod ako sa pinto.

‘What to do? What to do?’ nagpapanic na ako sa utak ko. Don’t tell me, ngayon na? In this very moment?

Muntik na akong mapasigaw nang may maramdaman akong humawak sa balikat ko. Oh my ghad! What to do? What to do? Am I going to run? Am I going to shout? What? Oh my gosh! H’wag po Kuya. Eh? Ano daw? Nakakatang naman kasi itong situation ko.

“What are you doing?” narinig kong tanong niya sa akin.

Hinawakan niya ang kabila ko pang balikat na lalong nagpakaba sa akin. Iniharap niya ako sa kanya. Itinaas ko naman ang right eyebrow ko para hindi niya malaman na kinakabahan ako dahil sa pag-uusap namin ni Ikey, “w-what?”

Sh!t! What happened to my tounge at nabubulol ako?

“Bakit namumutla ka?” tanong nito at hinawakan niya ang mukha ko at inilapit ang noo niya sa noo ko. Nabigla ako sa ginawa niya kaya hindi ako nakagalaw.

“Wala ka namang fever, are you not feeling well?” he asked.

Humawak ako sa noo ko at umaarteng masakit ang ulo ko, “I’m having bad headache, a really bad headache,” I said to him.

“You lie down and I go get a medicine,” he said at lumabas na siya ng kwarto.

Nang makalabas siya sa kwarto ay napahinga ako ng maluwag. Ang galing ko palang umarte. Nice. Mabuti na lang at naisipan niyang may sakit ako.

Pero after nito? What will happen?

Umiling ako. Hindi naman siguro gan’on si Miku. Hindi naman niya siguro ako pipiliting gawin iyon lalo na at si Allison ang nakikita niya sa akin. Pero hindi na nga pala niya mahal si Allison. Nalungkot na naman ako kahit hindi naman dapat malungkot.

Ms. Don't-know-the-nameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon