Chapter 72: WEDDING GOWN

2.9K 78 7
                                    

[Colleen Mae’s PoV]

“Alam mo, Colleen.” Napatingin ako kay Angel na pinagmamasdan ang wedding gown. Malapit na at ikakasal na kami ng totoo ni MIku. And yeah, Angel really changes kahit minsan nasisigawan niya ako pero nagsosorry naman siya agad.

“What?” Tanong ko habang abala akong pumipili ng sapatos.

“Ang ganda talaga ng wedding gown mo. Pwede bang masukat?”

Napatingin ako sa kanya pero naka-upo lang siya sa kama habang nakatingala sa wedding gown ko. Para siyang batang nangangarap na maisuot ang isang napakagandang gown.

“Baka hindi kasya ‘yan sa ‘yo,” pagdadahilan ko na lang. Mas matangkad si Angel sa akin at mas payat ako sa kanya. Pero parang may pag-aalinlangan akong ipasuot sa kanya ang wedding gown ko.

Tumayo si Angel at pinaikutan ang wedding gown ko. “Pero ang ganda talaga. Makakapagsuot din kaya ako ng ganyan kaganda? Ng katulad nito?” Tumingin siya sa akin kaya napilitan akong ngumiti. Para kasing iba ang pagkakatingin niya sa wedding gown ko.

“Makakapagsuot ka rin kapag ikakasal ka na at paniguradong pagkakagastusan ‘yan ni Grandpa.”

Tumingin siya sa akin at lumapit. “You sure? Pagkakaabalahan kaya ni Lolo ang kasal ko?”

Ngumiti ako sa kanya. “Of course, Grandpa love you so much so why not?”

Napabuga ng hangin si Angel at lumapit ulit sa wedding gown ko. “Can I fit this? Susukat ko lang talaga.”

I bite my lower lip pero sa nakikita kong expression sa mukha niya at parang ayokong humindi.

“Please? Huhubarin ko rin agad. Gusto ko lang maranasang magsuot ng wedding gown.”

“A-o-okay,” mahina kong sabi na sana ay hindi niya narinig.

“Really? Thank you so much, Colleen. Tulungan mo akong maisuot ito. Thank you talaga,” sabi niya at biglang tinanggal ang gown sa may mannequin.

“Dahan-dahan, Angel. Baka masira.”

Bigla naman niyang binitiwan ang wedding gown ko. “Ops. Sorry. Na-excite lang masyado.”

Ngumiti lang ako.

---

“Wow!” masayang sabi ni Angel habang nagpaikot-ikot sa harapan ng salamin. Sobrang saya ang makikita sa mukha niya. “Bagay-bagay sa akin.”

“Y-yeah,” medyo awkward na sang-ayon ko. Hindi ko alam pero iba ang feeling ko ngayong nakikita kong suot ni Angel ang wedding gown ko. Siguro kasi naalala ko ang napanaginipan ko. Umiling ako sa isip ko. Panaginip lang ‘yon.

“Can I wear your shoes too?”

“Ha?” Napatingin ako sa sapatos na ipapartner ko sa wedding gown.

Ms. Don't-know-the-nameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon